Chapter 15

1293 Words
Asher Point of view Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan, pakiramdam ko ay matutumba na yata ako dahil sa matinding pagod mula sa maghapong trabaho. Medyo nahihilo na rin ako gawa ng wala pa akong maayos na tulog mula kagabi dahil magdamag akong napuyat sa pagbabantay kay Wesley. Dapat ay wala na akong pakialam sa babaeng iyon, pero tinalo ko pa ang isang ulirang asawa na nagpakadalubhasa sa pag-aalaga ng kanyang asawa. Napuyat na nga ako’t lahat ay imbes na magpasalamat ay inakusahan pa ako nito na ginahasa ko raw siya. Kakaiba talaga ang babaeng iyon, iba na talaga ang nagagawa ng malayo ang edad sa isa’t-isa. Mas matanda ako ng ten years kay Wesley kaya malawak na ang pang-unawa ko sa isip batang iyon. Aminado ako na kailangan talaga na ako ang mag-aadjust sa aming dalawa dahil nagsisimula pa lang itong sumibol. Pagpasok ko sa pintuan ng Mansion ay natigil sa paghakbabg ang mga paa ko ng maamoy ko ang mabangong aroma ng sinigang mula sa kusina. Biglang kumalam ang sikmura ko at matinding gutom ang naramdaman ko. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang nagluluto, ay kilala ko na kung sino ito. “Mom?” Hindi makapaniwala kong tawag sa aking ina na kasalukuyang naghahain ng pagkain sa lamesa. Habang ang aking ama ay tahimik na nakaupo sa harap nito at abala sa kanyang cellphone. “Kailan pa kayo dumating?” Namamangha kong tanong bago buong pananabik na hinagkan ko ang pisngi nito saka siya mahigpit na niyakap. Sunod akong lumapit sa aking ama at maging ito ay hinagkan ko sa pisngi na tulad ng nakasanayan ko noong bata pa ako. Masuyo namang tinapǐk ni daddy ang aking balikat. “Kahapon pa, Iho, medyo natagalan nga kami ng daddy mo sa France kaya halos isang buwan na kaming hindi nakakadalaw sayo dito.” Nakangiting sagot ni Mommy at naupo na ito sa tabi ni Daddy. Nakadama ako ng inggit para sa aking mga magulang dahil kahit maedad na sila ay hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nila sa isa’t-isa. Masyadong maasikaso si Mommy kay daddy na parang akala mo ay bagong mag-asawa pa rin sila kung mag lambingan. Wala sa loob na napangiti ako bago inabot ang kanin upang lagyan ang aking plato. Natigil ang kamay ko sa pagkuha ng sinigang ng maramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin. Nagtataka na lumingon ako sa direksyon ng aking mga magulang, at saka ko lang napansin na kanina pa pala nakatitig sa akin si mommy habang nakapaskil ang magandang ngiti sa mga labi nito. “Why?” Naguguluhan kong tanong dahil sa kakaiba nilang tingin sa akin. “I’m so happy for you, Son, ilang isang buwan pa lang tayong hindi nagkita pero napansin ko na malaki na ang pinagbago mo.” Naluluha na pahayag ni mommy kaya bigla akong natahimik. Sandali kong pinakiramdaman ang aking sarili, at ngayon ko lang din napansin na ni minsan ay hindi ko na iniinda ang dating sakit na nararamdaman ko sa puso ko. “Hm, now, tell us, who is she?” Ang tanong ni mommy na siyang kinakunot ng noo ko. “What do you”- hindi ko na natapos ang sanay sasabihin ko ng may biglang sumulpot na tao sa pintuan kaya sabay kaming napalingon dito. “Wow! Is that sinigang? Paano mo nalaman na paborito ko ang sinigang?” Anya ng makulit na tinig ni Wesley, mukhang kararating lang niya dahil nakasukbit pa sa likuran nito ang kanyang bag. Nang mapansin ko ang suot nito ay biglang nag-init ang ulo ko. “How many times do I need to tell you na huwag ka ng nagsusuot ng ganyang klaseng damit?” Galit kong sita sa pananamit nito, ngunit, mukhang ang babaeng ito ay tila hindi na marunong matakot sa akin. Dahil nakangiti pa itong lumapit sa akin bago dinampot ang isang mangkok na may lamang sinigang. “Hey, that’s mine.” Inis kong sabi sa kanya, nagkasakit lang ang babaeng ito ay malaki na kaagad ang pinagbago. “Bakit ba ang init ng ulo mo sa suot ko? Hindi mo ba alam na ito ang uso ngayon? Palibhaaa kasi matanda ka na kaya napag-iiwanan ka na ng panahon.” Pangangatwiran pa nito, kaya lalong kumulo ang dugo ko sa galit. “What did you say?” Irritable kong tanong habang matalim na nakatingin sa makulit na babaeng ito.” Hindi napansin ng dalawa na kanina pa nag palipat-lipat ang mga tingin ng mag-asawang Walker sa mukha ng kanilang anak at sa mukha ng bagong dating na babae. Mukhang nakalimutan ng dalawa ang presensya nilang mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Mrs. Walker, dahil alam na niya kung sino ang dahilan ng pagbabago ng kanyang anak. “Huh? Parents mo?” Namamangha na tanong ni Wesley, at napako ang tingin nito sa mukha ni Mrs. Walker. “Hello, Iha, anong pangalan mo?” Magiliw na tanong ni Mrs. Walker, biglang nanlaki ang mga mata ni Wesley at nag palipat-lipat ang tingin niya sa mukha ni Asher at sa mukha ni Mr. Hades. “Mr. Ash, halos iisa ang mukha ninyo ng daddy mo? Wow, ang galing, kaso mas mukha kang matandang tingnan kaysa sa daddy mo.” Painosenti nitong sabi, at isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay niya kay Asher na ngayon ay matalim na nakatingin sa kanya. Biglang natawa ng malakas si Mrs. Walker dahil sa tinuran ng makulit na si Wesley. Maging si Mr. Hades ay pasimpleng napangiti, halata sa mukha nito na nagustuhan niya ang dalaga. Nakangiti na hinarap ni Wesley si Ginang Walker, upang ipakilala ang kanyang sarili. “it's an honor to meet a beautiful lady like you, Mrs. Walker, I’m Wesley Tucker, nineteen years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong Architecture. I’m your son’s new adopted child.” Anya sabay ngiti ng matamis at sinadya pa nitong papungayin ang mga mata upang magmukhang inosenti. Nangibabaw ang malakas na tawa ng mag-asawa dahil sa tinuran ng makulit na dalaga habang si Asher ay hindi na maipinta ang mukha. “I like you, Iha, nakakawala ka ng stress.” Natutuwang saad ni Mrs. Walker. “Naku thank you, Tita.” Masayang sagot naman ni Wesley sabay dampot ng kanyang kutsara saka humigop ng sabaw. Sa totoo lang ay hindi niya malasahan ang lasa ng mainit na sabaw dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang kanyang pakiramdam at hindi pa bumabalik ang kanyang panlasa. “Mommy na lang, you can call me mommy at siya naman ang daddy Hades mo.” Masayang wika ni Mrs. Walker. Natigil ang kamay ni Wesley sa ere ng marinig ang tinuran ng Ginang. Binalot ng matinding lungkot ang kayang puso kaya isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. Nagtaka si Mrs. Walker dahil sa pagbabago ng ekspresyon nang mukha ng dalaga. “P-pasensya na po naalala ko lang ang mommy ko, okay lang po ba kung makikimommy na rin ako?” Naninigurado na tanong ni Wesley kaya naman lumapad ang ngiti sa mga labi ni Mrs. Walker. Nagliwanag ang mukha ni Wesley at hindi siya makapaniwala na ganito pala kabait ang mga magulang ng kanyang fiance. “Ahm, Iho, next week ay babalik na sa bansa ang kapatid mo.” Seryosong pahayag ni Mrs. Walker kaya naudlot ang sanay pagsubo ni Asher ng pagkain sa kanyang bibig. Nagtataka naman na lumingon sa kanya si Wesley, at hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kubyertos. Maging ang pagtiǐm ng mga bagâng nito. Handa na ba siyang harapin ang kanyang kakambal at ang misis nito na hanggang ngayon ay asawa pa rin niya? Ito ang tumatakbo sa isip ni Asher habang tahimik na nakatitig sa kanyang plato.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD