“Pak!” Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Asher pagpasok namin sa loob ng silid. Sa lakas ng sampal ay bumagsak ako sa ibabaw ng kama. Hindi makapaniwala na tumitig ako sa mga mata nitong nanlilisik sa galit. “Bakit mo ako sinampal!?” Nagugulumihanan kong tanong habang sapo ng kaliwang kamay ko ang nasaktang pisngi. “Akala mo siguro maloloko mo ako!? Pare-pareho kayong lahat! Minsan n’yo na akong naloko, ngunit, sisiguraduhin ko na hindi na ito mauulit pa!” Galit niyang bulyaw sa akin, naguguluhan ako sa ugali ng taong ito napakahirap niyang unawain. “What are you talking about? Wala tayong relasyon, kaya hindi kita niloko! At wala kang karapatan na saktan ako!” Ganting bulyaw ko sa kanya at buong tapang na tumitig sa mukha nito. “Huh? Really? Remember, you’ve signed t