Nagkakagulo na ang lahat ng mga empleyado sa kumpanya ng Blaise corporation. Dahil ngayong araw ay nakatakdang palitan ni Mr. Asher Walker si Mr. Tucker. Ang akala ng lahat ay tungkol lamang ito sa pansamantalang pagpapalit ng posisyon ng CEO, ngunit, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Blaise Corporation ay tuluyan ng mapapasa-kamay ng batang Walker.
At ngayon, kasalukuyang nagtitipon-tipon ang lahat ng empleyado sa isang malawak na bulwagan dahil hinihintay nila ang pag-a-anunsyo ng bagong CEO ng kumpanya.
“I’m sure sa pagpapalit ng management ay sigurado rin ako na may malaking pagbabago na mangyayari sa pamamalakad ng kumpanya.” Kinakabahan na pahayag ng isang empleyado habang nakatayo sa gilid. Maging ang mga kasamahan nito ay halatang hindi mapakali.
Ilang sandali pa ay dumating si Mr. Tucker kasama si Mr. Walker habang sa likuran nila ay ang ilang mga board member. Ang bawat empleyado sa kanilang harapan ay walang humpay ang pag-usal ng mga dalangin na sana ay isang magandang mensahe ang kanilang marinig. Dahil natatakot sila na baka biglang magtanggal ng mga empleyado ang bagong management ng kumpanya.
“Attention, please, good morning everyone, I’m attorney. Tuazon, the speaker of Mr. Asher Walker. On behalf of Mr. Walker I will deliver his message for the beloved employees of Blaise Corporation. I know na aware kayong lahat sa pagpapalit ng ating CEO. The new management will promise is committed to good governance and always prioritizes the importance of its workers. And of course ngayon palang ay pinangungunahan ko na kayong lahat na ang bagong management ay walang balak na mag-tanggal o magpalit ng mga empleyado. Kaya inaasahan ni Mr. Walker ang inyong cooperation para mas lalong mapaunlad ang Blaise Corporation at maibigay ang lahat ng mga nararapat para sa mga empleyado.” Nagliwanag ang mukha ng lahat ng marinig ang naging pahayag ng tagapagsalita ng bagong Chief Executive Officer.
Umugong ang malakas na palakpakan sa buong bulwagan dahil sa labis na kasiyahan ng lahat at halos sabay na pumihit sa direksyon ni Mr. Walker ang lahat ng mga empleyado. Sabay na yumuko at nagpasalamat ang mga ito kay Mr. Walker ngunit nanatili pa ring seryoso ang mukha ni Asher na tila hindi man lang yata ito marunong ngumiti. Nagpatuloy sa pagsasalita sa unahan si atty. Tuazon habang si Mr. Tucker at Mr. Walker ay nagtungo sa ikalawang palapag kasama ang ilang board member.
Isa-isang ipinakita ni Mr. Tucker ang lahat ng departamento sa bawat palapag ng gusali, habang si Mr. Walker ay tahimik na nakikinig lamang sa bawat sinasabi ng matanda. Halos inabot sila ng dalawang oras sa pag-iikot at ang ibang palapag ay hindi na nila napuntahan dahil gahol na sa oras si Mr. Walker.
“I am really appreciate your time for us Mr. Tucker and I hope very soon ay makilala ko na ang anak mo.” Sa hinaba-haba ng kanilang pagsasama ay ngayon lang nila narinig na nagsalita ang bagong CEO.
“Don’t wo-“ “Pantay na trabaho para sa lahat!” Ito ang malakas na sigaw ng isang lalaki na gamit ang isang megaphone na siyang pumutol sa sanay sasabihin ni Mr. Tucker. Nagtataka na napalingon ang lahat sa bagong dating ng isang grupo na may mga dalang plakard. Makikita ang galit sa mukha ng mga ito ngunit ang labis na gumimbal sa matanda ay ang makita ang kanyang unica hija na kasama ng mga ito.
“W-Wesley?” Naibulalas ni Mr. Tucker ng makita ang anak sa gitna ng kumpol nang mga tao habang nagsusulat sa isang malapad na puting papel. Tila nakalimutan yata ni Mr. Tucker na nasa tabi niya ang kanyang mga kasosyo sa negosyo, at si Mr. Walker. Nagtataka na sinundan ng lahat ang tinitingnan nito at napako ang tingin ni Asher sa isang dalaga na nagsusulat sa mga plakard na binibigay naman nito sa mga nagrarally.
“So, she’s Wesley, your daughter?” Di makapaniwala na tanong ni Asher habang nakatitig sa naka side view na dalaga. Saka palang nahimasmasan si Mr. Tucker ng magsalita si Asher. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nito at tila sumusuko na sumagot sa tanong ni Asher.
“Huh, yeah, she’s my daughter. Honestly, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa batang iyan. Recently ay bigla siyang nagbago, I mean mas lumala pa siya kaysa noon.” Problemadong paliwanag ng matanda habang nakatingin sa dalagang namimigay ng plakard sa mga manggagawang nagrarally sa kabilang panig ng kalsada.
“Hm, so, she’s my fiance.” Seryosong wika ni Asher habang nakatitig sa direksyon ni Wesley. Napatanga naman ang mga board member dahil ngayon lang nila nalaman na ikakasal pala ang binatang CEO sa anak ng dati nilang CEO. At hindi nila lubos maisip na ang mismong anak pa nito ang kumakalaban sa kanilang kumpanya.
Pilit pinapaalis ng mga security guard ang mga nagrarally ngunit nagmatigas ang mga ito.
“Pantay na trabaho para sa lahat!” “Respeto para sa aming mga karapatan!” “Makatarungang benepisyo!” Ilan lamang iyan sa sinisigaw ng mga manggagawang tinanggal sa trabaho dahil sa pagkalugi ng kumpanya. At ang lahat ng iyan ay nakasulat sa mga plakard na mismong anak ng CEO ang may gawa. Kita nila na maging ang anak ni Mr. Tucker ay nakikisigaw din sa mga nagrarally na kung tutuusin ay hindi naman talaga niya alam kung ano ang pinaglalaban ng mga ito. Dahil nandito lang siya para magpapansin sa kanyang ama.
Labis na napahiya si Mr. Tucker dahil sa ginawa ng kanyang anak kaya mabilis itong nagpaalam sa lahat at galit na sumakay sa kanyang kotse. Nang makita ni Wesley na umalis na ang kanyang ama ay mabilis siyang umalis mula sa grupo ng mga nagrarally. Nagtaka pa ang mga taong nakapaligid sa kanya kung bakit lumipat siya sa kinaroroonan ng mga opisyal ng kumpanya.
“Huh? Teka anong ginagawa mo d’yan? Huwag mong sabihin na tinatraidor mo na kami?” Galit na tanong ng nagsasalita gamit ang kanyang megaphone. Saglit na huminto si Wesley sa paglalakad na halos may kalahating dipâ ang layo mula sa kinatatayuan ni Asher. Habang ang binata ay tila wala sa sarili habang nakatitig sa maamong mukha ng kanyang fiancee. Nakangiting pumihit paharap si Wesley sa grupo na kanyang inalisan.
“Naku, hindi po! Wala na kasi si Papa kaya kailangan ko na ring umuwi.” Ani nito na mukhang balak na sundan ang ama sa kanilang bahay para doon naman ito inisin. Nanlaki ang mata ng mga nagrarally at hindi sila makapaniwala na anak pala ng kanilang CEO ang dalagang kasama nila sa pagrarally.
“Anong reaksyon nya?” Nakangiting tanong ni Wesley sa nakatulalang si Asher habang nakatingin sa papalayong sasakyan ng kanyang Ama. Saka palang ito natauhan ng kausapin siya ng dalaga kaya mabilis na hinawi ni Asher ang kanyang sarili.
“Mad.” Tipid na sagot ni Asher, lalo namang lumapad ang ngiti ni Wesley at walang pakialam na humakbang palayo. Hinatid ng tanaw ni Asher ang kanyang fiancee, ngunit saglit siyang natigilan ng napagtanto niya ang isang ngiti na lumitaw sa kanyang mga labi. Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon at bumalik ito sa pagiging seryoso.
Labis siyang naguguluhan dahil sa kakaibang damdamin na lumulukob sa kanyang dibdib. Isang damdamin na, sa buong buhay niya ay ngayon lang niya naranasan. “Huh! Weird.” Anya sabay iling ng ulo bago tinungo ang kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.