Chapter 7

1410 Words
“Yaya, si Papa?” Pagpasok ko sa loob ng bahay ay ito kaagad ang bungad ko sa aking Yaya. Kasalukuyan itong bumababâ ng hagdan. Kararating ko lang galing school at batid ko na wala ngayon ang mag-ina sa bahay. End of the month ngayon kaya sigurado ako na nasa shopping mall ang mga ito para magtapôn ng pera. “Naku, Iha, nasa loob ng library ang Papâ mo, kaninang umaga pa siya run. Nagtataka nga kami kung bakit hindi siya pumasok ngayon sa trabaho. Alam mo, anak, nag-aalala na ako sa Ama mong ‘yan. Dati-rati kasi, kahit gaano pa kalaki ang problema ng Papa mo ay hindi ‘yan naglalasing. Pero ngayon, mukhang malaki talaga ang problema ng ama mo. Madalas na kasi siyang nag-i-inom at ilang araw na rin siyang hindi pumapasok sa trabaho.” Nag-aalala na sumbong sa akin ni Yaya. Nabahala akong bigla para sa kalusugan ng aking ama, dahil makasasama para sa kanya ang labis na pag-inom ng alak. Bigla akong napalingon sa may pintuan ng pumasok si Tita Sandra kasama ang anak nitong ahas, si Marice. Isa sa napansin ko ay nakasimangot ang kanilang mga mukha at nakapagtataka na sa unang pagkakataon ay walang bitbit kahit na isang paper bag ang mga ito. Hindi tulad noon na halos hindi na magkandaugaga ang mga katulong sa pagdala ng kanilang mga pinamili. “Himala maaga yata kayo ngayon?” Si Papâ na kasalukuyang bumababâ ng hagdan. Pumihit ako paharap ng hagdan at nahuli ko ang aking ama na malungkot na nakatitig sa akin. Gusto kong magtanong ngunit hindi ko magawa dahil sa mag-ina na mabilis na umeksena. “Tell me, Henry, bakit hindi na gumagana ang lahat ng creditcard ko?” Galit na tanong ni Tita Sandra habang si Papâ ay patuloy lang na naglalakad patungo sa dining room. Tahimik na nilagpasan kami nito habang si Yaya ay kinukuha ang aking mga gamit. Akmang haharap na sana ako sa direksyon ni papa ng dumaan bigla ang mag-ina sa aking harapan. Isang matalim na tingin ang ibinigay sa akin ni Marice habang si Tita Sandra ay binangga naman ang aking balikat. Batid ko na sinadya nito na banggain ako dahil nakita ko kung paano ako nitong ismiran. Ipinagsa-walang-kibo ko na lang ang lahat dahil alam ko na pinapasubong lang ako ng mga ito para kapag pinatulan ko sila ay magmumukha akong masama sa paningin ng aking ama. Pagdating sa dining room ay prente ng nakaupo ang aking ama sa center table habang sa harap nito ay nakahain ang iba’t-ibang putahe ng pagkain. Tahimik akong umupo sa kanang bahagi ni Papâ. Habang sa tapat ko ay nakaupo naman ang mag-ina. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Henry, bakit na declined ang lahat ng credit card ko?” Seryosong tanong ni Tita Sandra ngunit ramdam mo ang galit sa tinig nito. “My God, Sandra, nasa harap tayo ng pagkain pero pera pa rin ang iniisip mo?” Irritableng sagot ni Papâ. Lihim na nagdiwang ang kalooban ko dahil ito ang unang pagkakataon na nasermunan siya ng aking Ama. “Dad is right Mom, let’s talk that later. Bakit hindi na lang natin pag-usapan ang tungkol sa aking kasal?” Ani ni Marice na siyang nagpahinto sa aking kamay sa ere habang nakatingin ako sa aking pagkain. Ganito ka-kakapal ang mukha ng babaeng ito, dahil tuluyan na niyang inangkin ang aking ama. Sabay na tumingin ang mag-asawa kay Marice, at labis na naguguluhan ang ekspresyon ng mga mukha nito. “Yup, tama kayo ng narinig, I’m getting married.” Nakangiti nitong anunsyo sabay taas ng isang kamay, iwinagayway pa nito sa harap namin ang mamahaling singsing na nakasuot sa kanyang daliri habang ang mga mata nito ay nakatingin sa akin. Hindi pa man niya sinasabi ang pangalan ng lalaki ay tila nahuhulaan ko na dahil sa nang-aasar nitong ngiti. “Nagpropose na sa akin si Lander, and we’re getting married next month.” Namilog ang mga mata ng kanyang ina na tila hindi makapaniwala ngunit maya-maya ay nagliwanag din ang ekspresyon ng mukha nito. Nakita ko na natigilan si Papâ sabay lingon sa akin. Ang mukha nito ay kababakasan ng labis na pagtataka. Marahil ay naguguluhan ito dahil alam niya na boyfriend ko si Lander ngunit bakit si Marice ang inalok nito ng kasal? Iyon ang nababasa ko mula sa mga mata ni Papa. “Anak, bakit ang bilis yata? At kailan pa kayo ni Lander?” Curious na tanong ng ina nito sabay tingin sa akin. “Matagal na kami ni Lander, Mom, it’s almost a year?” Maarte niyang sagot habang ang mga mata nito ay tila nagniningning dahil sa labis na kaligayahan. Humigpǐt ang hawak ko sa mga kubyertos dahil muling nabuhay ang sakit sa puso ko. Pakiramdam ko ay parang minaso ang dibdib ko kaya nahihirapan na akong huminga. Ngunit ang sumunod na sinabi ni Marice ang siyang tuluyang dumurog sa puso ko. “We are in a hurry, Mom, Dad, because I’m two months pregnant.” Nakangiting pahayag ni Marice, sandaling katahimikan ang namayani sa buong dining room. Nanatili lang akong nakatitig sa aking pagkain ngunit ramdam ko ang pailalim na tingin ng mag-ina sa aking mukha. Marahil ay hinihintay nila na umiyak ako sa kanilang harapan. Huh? Iyon ang hinding-hindi ko gagawin. Hindi ko hahayaan na maging masaya sila habang ako ay nagdurusa. Bagay talaga silang magsama ng ex-boyfriend ko dahil pareho silang mga ahas at manloloko. “Congratulations, Iha, I couldn’t expect na kayo pala ang magkakatuluyan ni Lander. I’m so happy for you.” Ani ng aking ama kaya mas lalo akong nasaktan, paano naman ako? Ako ang anak, ako ang nasaktan at niloko dito. Pero, bakit ganun? Parang balewala lang sa kanya na masaktan ako. Talaga bang hindi na ako mahal ng aking ama? Nagsimula ng manubig ang aking mga mata kaya mabilis akong tumayo. Napalingon ako sa aking Ama ng bigla rin siyang tumayo bago pumihit paharap sa akin habang nanatiling seryoso ang mukha nito. “Let’s talk, Sweetheart.” Natigilan ako ng marinig ko na sa unang pagkakataon ay kinausap ako ng aking ama sa malambing na tinig gamit ang madalas niyang itawag sa akin noong bata pa ako. Dahil dun ay medyo nabawasan ang bigat ng dibdib ko.” Tahimik na sumunod si Wesley sa likod ng kanyang ama paakyat ng hagdan. Habang tinatahak ng mag-ama ang daan patungo sa library ay masama ang tingin ng mag-ina sa likod ni Wesley. “Mom? May ideya ka ba sa kung ano ang pag-uusapan nila?” Curious na tanong ni Marice kay Sandra ng tuluyang maglaho ang mag-ama sa kanilang paningin. “Honestly ay hindi ko rin alam, pero masaya ako para sayo, Iha, tell me, paano mo nakuha si Lander mula kay Wesley?” Nagtataka na tanong ng kanyang ina, kaya naman lumapad ang ngiti ni Marice at buong pagmamayabang na hinaplos ng kamay ang makinis nitong mukha. “Wala kabang believe sa ganda ng iyong anak, Mommy?” Mayabang na sagot ni Marice kaya humalakhak si Sandra na tila tuwang-tuwa sa kanyang anak. “That’s my girl!” Nagmamalaki na saad ni Sandra. “Oh my, until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na Lola na ako.” Sabik na wika ni Sandra na siya namang ikinatawa ni Marice. Nagtataka na nilingon siya ng kanyang ina at ilang sandali pa ay biglang sumamâ ang hilatsa ng mukha nito. “Don’t tell me na hindi totoo ‘yun!?” Galit na puna niya sa kanyang anak, tumigil sa pagtawa si Marice at seryosong hinarap ang ina. “Mom, nasabi ko lang iyon para pasakitan ang babaeng ‘yun. And besides masyado pa akong bata kaya hindi pa ako handa sa ganyang responsibilidad, Ouch!” Paliwanag ni Marice ngunit napaigtad ito ng kurutin ng kanyang ina sa tagiliran. “Pati ako niloloko mo! Umayos ka!” Ani nito bago masuyong hinaplos sa buhok ang kanyang anak. “Kailangan mong rendahan ang lalaking ‘yan, listen, sweetheart, nalulugi na ang kumpanya at malapit na itong mawala sa atin. Kapag naikasal ka sa anak ng Mayor siguradong hindi ka madadamay sa pagbagsak ni Wesley. Alam ko kung gaano kayaman ang pamilya ni Lander kaya nakasisiguro ako na magiging maganda ang buhay mo sa oras na mai-kasal ka sa binatang ‘yun.” Kumislap ang mga mata ng mag-ina dahil iniisip nila na sa kanila pa rin umaayon ang swerte. Dahil hindi sila madadamay sa pagbagsak ng mag-ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD