Chapter 8

1273 Words
“Several years have been passed, at ngayon ay isa ka ng ganap na dalaga. I remember when you are young, sobrang iyakin mo at hindi ka natutulog ng wala ako sa tabi mo. Come, Sweetheart, let daddy hug you.” Malungkot na utos ni Papâ sa akin kaya naluluha na lumapit ako sa kanya. Batid ko na pinipigilan lang niya na huwag umiyak sa aking harapan. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko bago ko siya sinugod ng yakap. “Papâ!” Ani ko ng makulong ako sa mga bisig nito, tuluyan na akong napaiyak habang mahigpit na yakap ang may kalakihan niyang katawan. Sa dibdib nito ay ibinuhos ko ang lahat ng sakit na kinimkim ko sa mahabang panahon. Pakiramdam ko ay sasabog na yata ang puso ko sa labis na kasiyahan ng paulit-ulit niyang haplusin ang mahaba kong buhok. “I’m so sorry my Wesley, kung napabayaan kita, believe me, walang araw na hindi kita minahal at inisip kung ano ang makakabuti sayo. I love you, Sweetheart, remember this, you’re the only one Princess in my heart that no one will place because you are my blood and flesh.” Madamdaming pahayag ni papa, tumatagos hanggang sa kaibuturan ng puso ko ang bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig. Sa isang iglap ang lahat ng hinanakit, sakit at kalungkutan sa puso ko ay dagling naglaho. Nangibabaw pa rin ang pagmamahal namin sa isa’t-isa. Para sa akin ay walang mas hihigit pa sa atensyon at pagmamahal ng isang Ama. Isang pagmamahal na kay tagal akong nangulila. “A-akala ko kasi hindi mo na ako mahal at sila na ang mas mahalaga para sayo.” Humihikbi kong sabi na siyang ikinatawa niya ng malakas kaya nagtataka na nag-angat ako ng mukha at tumingin dito. “No, your tita Sandra is just my wife and no one will tell kung hanggang kailan sila mananatili sa tabi ko. But you? You are my daughter that will never change, at batid ko na mananatili ka sa tabi ko because I know how you love me so much.” Malambing niyang wika at isang masuyong halik sa ulo ang iginawad niya sa akin. Nakangiti na muli kong siyang niyakap at ganun din siya sa akin.” Samantala mula sa labas ng library... Nagtataka ang mag-inang Sandra at Marice ng mula sa hagdan ay bumaba ang dalawang katulong bitbit ang dalawang maleta. Habang sa likuran ng mga ito ay walang tigil ang pagpahid ng mga luha ng matandang si Esme, ang Yaya ni Wesley. Makikita sa mukha nito ang lahis na kalungkutan na para akala mo ay namatayan. “Esme, ano ang ibig sabihin nito? Kanino ang mga gamit na ‘yan? At saan n’yo dadalhin ang mga maletang ‘yan?” Mataray na tanong ni Sandra na ngayon ay tumayo na mula sa kanyang kinauupuan at humarang sa daraanan ng mga katutong. Maging si Marice ay napatayo at lumapit sa kanila. “Señora, ipinahanda ni Señor Henry ang mga gamit ng alaga kong si Wesley dahil ngayong araw ay aalis na si Wesley sa Villa.” Malungkot na sagot ng matandang si Esme. Natigilan ang mag-ina at nagkatinginan ang mga ito na para bang hindi makapaniwala sa kanilang mga nalaman. Ngunit, maya-maya ay nagliwanag ang mukha ng dalawa, dahil iniisip nila na tuluyan ng mapupunta sa kanila ang Villa. “Ehem, alam ba ito ni Wesley?” Anya na nagkunwaring nag-aalala sa kanyang step daughter. Malungkot na umiling si Esme bago iginaya ang mga katulong na may bitbit na maleta palabas ng bahay. “Mommy, may alam ka ba tungkol dito?” Curious na tanong ni Marice habang nakatayo sa tabi ng kanyang ina at magkasalikop ang mga braso nito sa tapat ng kanyang dibdib. “Walang nabanggit sa akin tungkol dito si Henry, Iha, at maging ako ay nabigla rin, hindi ka ba masaya sa mga nangyayari? Sa oras na maikasal kayo ni Lander ay nais ko na dito kayo tumira para naman ma-kasama ko ang aking mga apo.” Tila nangangarap na sabi ni Sandra sa kanyang anak kaya isang matamis na ngiti ang lumitaw sa labi ni Marice. Ilang sandali pa ay napalingon silang mag-ina sa ikalawang palapag ng bahay ng bumukas ang pintuan ng library. Nagulat ang mag-ina ng makita ng mga ito na nakaakbay si Henry kay Wesley, habang ang anak nito ay nakayakap sa katawan ng kanyang ama. Napakalambing ng mag-ama sa isa’t-isa na tila walang hidwaan na nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit, ang Yaya na si Esme ay imbes na matuwa sa pagkakasundo ng mag-ama ay tila lalo lang itong nasaktan ng makita kung gaano kasaya ang kanyang alaga. Dahil batid niya na inosenti ito sa mga nangyayari. Tumalim ang mga mata ni Marice na tila hindi nagustuhan ang kanyang mga nakita. Habang ang ina niyang si Sandra ay naniningkit ang mga mata na nakatitig sa asawa at sa anak nito. Magkayakap na bumaba ng hagdan ang mag-ama, ngunit, pagdating nila sa paanan ng hagdan ay nagulat ang mag-inang Sandra at Marice dahil sa biglaang pagpasok ng tatlong lalaki na pawang mga nakasuot ng black suit. Seryoso ang kanilang mga mukha na tila mga hindi marunong ngumiti. Patuloy lang sa paghakbang si Mr. Henry ng hindi nito binibitiwan ang balikat ng kanyang anak. Hanggang sa huminto si Mr. Henry at Wesley sa tapat mismo ng tatlong lalaki. “Sino sila Papa?” Nagtataka na tanong ni Wesley habang nanatiling nakayakap sa kanyang ama, ngunit ang mga mata nito at nakatingin sa mukha ng tatlong lalaki sa kanyang harapan. Ang malambing na ekspresyon sa mukha ni Mr. Henry ay naglaho, naging seryoso ang mukha nito ng pihitin niya paharap sa kanya si Wesley. Nagtataka na pinagmasdan ni Wesley ang mga kamay ng ama, dahil kasalukuyan na kinakalas ni Mr. Henry ang mga braso ng anak na nakayakap sa kanyang katawan. Nagtatanong ang mga mata na tumitig si Wesley sa mga mata ng kanyang ama dahil naguguluhan niya sa kakaibang ikinikilos nito. Mula sa kanilang likuran ay labis na naguguluhan ang mag-ina sa kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Kaya tila makapigil hininga para sa kanila ang bawat segundo. “Remember, Sweetheart, wala akong ibang hangad para sayo kundi isang magandang kinabukasan, at ang lahat ng ginagawa ko ay para sa ikabubuti mo. I love you, my Princess.” Madamdaming pahayag ni Mr. Henry bago nito mariin na hinagkan sa noo ang kanyang anak. Halos magdikit ang mga kilay ni Wesley dahil para sa kanya ay parang ibang tao kung kumilos ang kanyang ama. Pagkatapos siyang halikan nito sa noo ay pasimple itong tumango sa tatlong lalaki. Saka lang narealize ni Wesley kung ano talaga ang mga nangyayari ng hawakan siya nang dalawang lalaki sa magkabilang braso. At pilit na hinila palayo sa kanyang ama. “T-teka! Ano ang ibig sabihin nito? Natatakot na tanong ni Wesley kaya bigla niyang niyakap ng mahigpit ang katawan ng kanyang ama. Pakiramdam niya ay buong buhay niya itong pagsisisihan sa oras na bitawan niya ang katawan ng kanyang Papâ. Tumitig ang luhaan niyang mga mata sa mata ng kanyang ama ngunit hindi nito hinayaan na magpanagpo ang kanilang mga mata dahilibinaling nito ang tingin sa ibang direksyon. Bakit? Bakit kung kailan pinansin na ako ng aking ama ay saka naman ito nangyari? “Pakiusap, h-huwag mo akong ibigay sa kanila, okay, lang kahit hindi mo na ako pansinin araw-araw. Okay lang kahit maging isang invisible ako sa bahay na ito basta manatili ka lang sa tabi ko, hm? Papa...” nagmamakaawa kong sabi ngunit wala akong maaninag na anumang ekspresyon sa mukha nito at nanatili iyong blanko. “P-Papâ...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD