Chapter 12

1564 Words
“Nang-aasar ka?” Galit na tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan nito. Napakasungit nito, masyado siyang moody, na bigla na lang nagagalit sa akin ng walang dahilan. Ngunit mula sa puso ko ay ramdam ko na mabait siyang tao, sadya lang yatang napakahirap unawain ng ugali nito. Dahil pati ba naman ang nananahimik kong palda ay pinag-initan ng lalaking ito. Sinikap kong maging mabait sa kanya para naman mabawasan ang galit nito sa akin, kaya naman isang matamis na ngiti ang ibinigay ko dito. Ngunit, pati ba naman ang ngiti ko ay ikinagalit din nito. May sakit bang bipolar ang lalaking ‘to? Bakit tila ang laki ng problema niya sa mundo? Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kanyang library, dito sa Mansion na kanyang pag-aari. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang ako ay nakatayo sa harapan nito. Tapos na akong maligo at nakapag-palit na rin ng maayos na damit, ngunit, bigla akong kinabahan ng makita ko na masama ang tingin nito sa suot kong pantalon. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan na halatang nagpipigil ng galit. “Starting now, you will be living here in my house, ayoko na lalabas ka ng bahay na ganyan ang suot mo.” Matigas niyang bilin sa akin, nagtataka na pinasadahan ko ng tingin ang aking hitsura. Huh? Pero wala naman akong nakikitang mali sa suot ko ah? May pagka-conservative na nga ang damit ko at tanging legs lang ang makikita mula sa malaking sira ng pantalon sa bandang hita ko. Dahil suot ko ngayon ang paborito kong ripped jeans. Imbes na magreklamo ay mas pinili ko na lang ang manahimik, dahil sa maikling panahon na kasama ko ito ay unti-unti ko ng nakukuha ang ugali nito. Sumandal siya sa sandalan ng bangko ng hindi inaalis ang tingin nito sa aking mukha. “Tell me? Ano namang makukuha mo sa pamilya ko kapalit ng pagpapakasal ko sayo?” Lakas loob kong tanong sa kanya. Halos mabingí ako sa lakas ng t***k nang puso ko dahil sa klase ng tingin niya sa akin. Wari moy inaarok ng brown nitong mga mata ang buong pagkatao ko. “Company?” Tipid niyang sagot na siyang ikinapatda ko sa aking kinatatayuan. Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala na tumitig sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay nabingi na yata ako at ang tanging naririnig ko na lang ay tila isang nakabibinging linya. Ilang segundo bago ako nahimasmasan at sa pagkakataong ito ay nakalimutan ko ang takot na nararamdaman ko para sa lalaking ito. Galit na hinarap ko s’ya. “Anong ibig mong sabihin!?” Ani ko sa matigas na tinig na wari moy isang tigre na anumang oras ay manununggab. Isang matalim na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng kanyang mga labi habang hindi kumukurap ang nga mata nito mula sa pagkakatitig sa aking mukha. “Damn! Tell me right now!” Nanggagalaiti kong sigaw. Para sa akin ay napaka sensitibong usapin ang tungkol sa kumpanya, dahil higit itong mahalaga sa akin sa lahat ng mga bagay na meron ako. Dahil ito ang isa sa pinakamahalagang bagay para sa aking ina, ayun sa sulat na iniwan niya para sa akin. “It seems that you don’t have any idea na wala na sa pamilya mo ang Blaise Corporation?” Natigalgal ako sa aking narinig, parang tinakasan ng dugo ang mukha ko hanggang sa unti-unting nilamon ng galit ang puso ko. “Hindi totoo ‘yan! Nililinlang mo lang ako para mabilis mo akong mapasunod sa lahat ng gusto mo!” Hinihingal kong sigaw habang ang mga mata ko ay nag-aapoy sa matinding galit na para bang gusto ko na siyang patayin. “Then, why don’t you ask your father?” Sarkastiko nitong saad habang nakapatong ang baba nito sa magkasalikop niyang mga kamay. Walang lingon likod na tinalikuran ko siya at mabilis na tinakbo ang labasan. Pakiramdam ko ay para na akong bomba na sasabog anumang oras at hindi ako papayag na hindi ko makakausap ang aking ama. Pumayag ako na maging kahati ko sa lahat ng bagay ang pangalawang pamilya nito. Ni minsan ay hindi ako tumutol ng patirahin niya ang mag-inang iyon sa pamamahay ng aking ina! Pero pagdating sa kumpanya ay hindi na ako papayag na maging ito ay mawala sa akin. Alam ko, na ang kumpanya ng aming angkan ay inilipat na ng aking ina sa pangalan ko. Kaya paanong napunta ito sa ibang tao ng hindi ko nalalaman? Mabilis kong tinakbo ang gate ngunit kaagad akong hinarang ng tauhan ng lalaking hindi ko nakikilala. “Ms. Tucker, ihahatid ko na kayo sa inyong patutunguhan.” Magalang niyang saad bago sumenyas sa kasamahan nito. Maya-maya ay huminto sa harap ko ang isang puting kotse, walang imik na sumakay ako dito ngunit pagdating sa loob ay biglang pumatak ang aking mga luha. Nasasaktan ako sa mga nangyayari, hindi ko na maunawaan si Papa o mas tamang sabihin na hindi ko na siya kilala. Marahas na hinawi ko ang luha sa aking pisngi bago tumanaw sa labas ng bintana. Masyadong malungkot ang panahon ngayon para sa akin dahil sa itim nitong mga ulap, para bang walang kulay ang buong paligid. Humimpil ang sasakyan sa tapat ng aming Villa ngunit nagulat ako ng nadatnan ko sa labas ng bahay si Yaya Esme. Umiiyak ito habang bitbit ang kanyang bag, nag-aalala na lumapit ako sa kanya, at kita ko ang gulat sa mukha nito ng makita ako. “Wesley, anak?” Umiiyak niyang tawag sa akin bago ako nito mahigpit na niyakap. “Yaya? Saan ka pupunta? Bakit may dala kang bag?” Naguguluhan kong tanong dahil sa pagkakaalam ko ay wala na itong pamilya. Dahil isa siyang biyuda at hindi na kailanman pa nag-asawa mula ng mamatay ang asawa nito. “Pinalayas ako ng walang hiyang si Sandra. Sinamantala niya ang pag-alis ng Papa mo, at pinalitan niya ang lahat ng katulong sa bahay n’yo.” Galit niyang sagot, mahigpit kong naikuyôm ang aking mga kamay at malaki ang mga hakbang na pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko ang mag-ina na prenteng nakaupo sa may sofa habang sa harap ng mga ito ay nakahain ang meryenda nilang cake. “Ano ang karapatan mo na magpalayas sa bahay na ‘to!?” Galit kong singhal sa kanila, galit na tumayo ang stepmother ko habang si Marice ay matalim na nakatingin sa akin. “At sinong may sabi sayo na bumalik ka dito? Pag-aari ko na ang bahay na ito, tandaan mo asawa ako ni Henry kaya ako ang higit na may karapatan sa bahay na ‘to!” Galit niyang bulyaw sa akin. “Huh? Hindi ko alam kung saan kayo humiram ng kapal ng mukha para angkinin ang hindi sa inyo! Dahil sa pagkakatanda ko ay nakapangalan sa akin ang bahay na ‘to, kaya kayo ang dapat na lumayas dito!” Galit kong sigaw, kita ko kung paanong mamula sa galit ang mukha ng mag-ina na para bang anumang oras ay susugurin na ako ng mga ito. “Really? At bakit, anong pinagmamalaki mo? Ang kumpanya n’yong nalugi na kaya ibinenta na ng iyong Ama? Huh? At ang bahay na ito ay kasalukuyan ng inaasikaso ng iyong ama para ilipat sa aking pangalan. See? Ganun ako kamahal ng iyong ama, so, If we’re you ay lumayas ka na sa harapan ko, bago pa kita ipakaladkad palabas!” Mataray nitong sabi, lalong naghimagsik ang kalooban ko at nagdilim na ang paningin ko kaya tinangka ko silang sugurin. “Ay!” Tili ng mag-ina ng tangkain ko silang sugurin ngunit bago pa man ako makalapit sa kanila ay mabilis na hinawakan ng mga katulong ang magkabilang braso ko. Sapilitan nila akong kinaladkad palabas ng bahay kaya pilit akong nanlaban. Ngunit, sa dami nila ay wala akong nagawa hanggang sa kulang na lang ay ihagis nila ako sa labas bago mabilis na isinarado ang pintuan. “Wesley!” Nag-aalala na tawag sa akin ni Yaya Esme, naiyak na ako sa matinding galit dahil sa sinapit naming dalawa. “Mga hayop kayo! Lumayas kayo d’yan! Bahay ito ng aking ina!” Umiiyak sa galit na sigaw ko habang malakas na binabayô ang malaking pintuan. “Anak, tama na...” naaawang awat sa akin ni yaya Esme habang patuloy itong umiiyak at mahigpit niya akong niyakap. “Yaya, sa amin ang bahay na ‘to, dapat silang lumayas d’yan!” Umiiyak kobg sabi habang malakas na nanginginig ang aking katawan. “Alam ko, ako ang higit na nakakaalam, kung nandito lang ang papa mo ay hindi ito mangyayari.” Lumuluha niyang saad, dahil sa narinig ko ay tumigas ang ekspresyon ng aking mukha habang nakatitig sa kawalan. Hanggang sa hindi ko na namalayan kung gaano katagal akong nakatulala basta nahimasmasan na lang ako na basa na ako ng ulan. “Magmula sa araw na ito Yaya ay wala na akong ama. Gagawin ko ang lahat para maibalik sa akin ang kumpanya ng aking ina at mabawi ang bahay ko mula sa mga ahas na ‘yan.” Matigas kong wika, napasinghap si Yaya sa aking tinuran, na para bang hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig. Wala sa sarili na dinampot ko ang bag ng Yaya ko, iginiya ko siya pasakay sa kotse kahit na pareho kaming basa ng ulan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD