Chapter 13

1137 Words
Natigil sa pagtipâ ang aking mga daliri mula sa keyboard ng laptop ng padabog na bumukas ang pintuan ng library. Nagulat ako ng biglang pumasok ang may nakakaawang itsura ng dalagang si Wesley. Halatang nabasa ito ng ulan kaya nagmukha siyang basang sisiw habang ang buong katawan nito ay nanginginig. Halatang giniginaw na ang dalaga. Magulo rin ang kanyang buhok at halos namumutla na ang mga labi nito. Hindi ko alam kung bakit, pero binalot ng labis na pag-aalala ang puso ko dahil sa nakakahabag nitong itsura. Ngunit, ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga mata nitong matalim na nakatitig sa akin. Ang mga mata niya ay punô ng galit at kahit basang-basâ ito ay mahahalata mo pa rin na galing siya sa pag-iyak dahil sa namumugto nitong mga mata. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Pabagsak na itinukod nito sa ibabaw ng lamesa ko ang isa niyang kamay habang seryoso siyang nakatitig sa aking mga mata. “Kapag ba nagpakasal ako sayo, ay ibabalik mo sa akin ang kumpanya ko?” Hinihingal nitong tanong habang nanginginig ang kanyang mga labi. “Let’s talk later, you-“ “answer me!” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla siyang nagtaas ng boses sabay hampas sa ibabaw ng table ko. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumagot. “Yes.” Tipid kong sagot habang nanatiling nakatingin sa mukha nito. “I will marry you, but on one condition, we will get married without any commitment to each other.” Matatag niyang pahayag kaya mariǐn na naglapāt ang aking mga bagâng. Kung tutuusin ay pabor pa sa akin ang nais nitong mangyari, ngunit, kakat’wang nasaktan ako sa hindi malamang dahilan. “Is that what you want? Then sign it.” Seryoso kong saad habang binubuksan ang drawer ng aking lamesa, sabay hagis sa harap nito ng isang folder. Kaagad niyang dinampot ang ballpen na nasa harapan nito at basta na lang pinirmahan ang kontrata ng hindi na binabasa. Kapansin-pansin ang malakas na panginginig ng kanyang mga kamay habang pumipirma sa ibabang bahagi ng papel. Pagkatapos nitong pumirma ay bigla siyang nawalan ng malay sa aking harapan. Ibayong takot ang naramdaman ko ng mabilis siyang bumagsak sa sahig. “S**t!” Ang naibulalas ko at nagmamadali na tumayo mula sa aking kinauupuan. “Wesley!” Tawag ko sa pangalan nito ngunit natigilan ako ng mahawakan ko ang kanyang katawan. Nakakapaso ang init ng katawan nito kaya mabilis ko itong binuhat at kaagad na dinala sa loob ng aking silid. “Call the doctor, right now!” Galit kong utos sa isang kasambahay na sumalubong sa akin. “Y-yes sir!” Nahintakutan nitong sagot at mabilis na tumalima. “Ang taas ng lagnat nang babaeng ito, bakit ba masyadong matigas ang ulo mo?” Panenermon ko sa kanya habang hinuhubad ang lahat ng suot nitong damit. Napalunok pa ako ng wala sa oras ng mahantad sa paningin ko ang maganda at makinis nitong katawan, ngunit, napako ang tingin ko sa pagitan ng kanyang mga hita. Natutukso akong hawakan iyon at masuyong haplusin. “F**k you Asher! May sakit na nga yung tao puro kamanyakan pa ‘yang tumatakbo sa utak mo.” Kastigo ko sa aking sarili na para bang gusto kong batukan ang aking sarili. Saglit na iniwan ko si Wesley at kumuha ng damit na maaari nitong isuot. Ipinasuot ko muna sa kanya ang aking T-shirt at trunk’s, bago kumuha ng isang maligamgam na tubig upang punasan ito. Tinuyo ko na rin ang basang buhok nito gamit ang hairdryer, ngunit, natigilan ko ng mas lalo pang lumakas ang panginginig ng kanyang katawan habang na mamaluktot. Kaagad kong dinampot ang makapal na kumot at kinumutan ito bago ko pinatay ang aircon. Ilang sandali pa ay dumating ang doctor at masusing sinuri nito ang kalagayan ng dalaga. “Mahina ang resistensya ng pasyente sa ulan kaya mabilis siyang magkasakit, kailangan ng ibayong ingat dahil maaaring mauwi sa pneumonia kung magpapabaya ang pasyente.” Anya ng doctor bago ito nagbigay ng mga ilang receta. Nang makaalis na ang doctor ay sapilitang pinainom ng gamot nang matandang babae si Wesley. “Ikaw kang bata ka, ang tigas kasi ng ulo mo.” Naluluha nitong sermon sa na mamaluktot na dalaga. “Y-Ya, nasaan si Papa?” Parang bata nitong tanong sa nanginginig na boses na wari mo ay nagdedeliryo. Dahil sa tanong ng dalaga ay tuluyan ng umiyak ang matandang babae na tinawag nitong Yaya. “It’s okay, ako na ang bahala sa kanya, magpahinga na kayo.” Ani ko sa seryosong boses. Malungkot na ngumiti sa akin ang matandang babae bago nito muling nilingon ang kanyang alaga. “Iho, paki-ingatan mo ang alaga ko, ngayon pa lang ay labis-labis na ang pasasalamat ko sayo.” Lumuluha niyang saad bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatingin sa nakahigang dalaga. Ang alam ko ay matigas na ang puso ko pero bakit pagdating sa babaeng ito ay mabilis na nagibâ ang pader na iniharang ko para sa lahat. Kumilos ako at lumapit sa closet habang hinuhubad ang suot kong polo. Pagkatapos mag palit ng damit ay humiga na ako sa tabi ni Wesley at niyakap ang nanginginig nitong katawan. Para akong napapaso sa sobrang taas ng temperature ng katawan nito. Mas lalo pa siyang nag sumiksik sa aking katawan ngunit wala pa ring silbi dahil patuloy pa rin itong dumadaing na nilalamig. Naiinis na inalis ko ang kumot sa katawan nito at hinubad ang suot niyang t-shirt, sunod ay hinubad ko rin ang aking damit saka ko ito hinila palapit sa akin. Mula sa ilalim ng kumot ay kapwa kami hubad na magkayakap. Ilang minuto pa ang lumipas ng medyo kumalma na ang katawan nito ngunit nanatili paring mainit ang kanyang katawan. I think she’s okay now, ngunit, ang problema ko ngayon ay ang temperatura ng aking katawan. Dahil ngayon ay kasalukuyang nagwawala ang alaga ko sa loob ng suot kong pajama at pakiramdam ko ay ako naman yata ang lalagnatin. Para akong tinutorture dahil ang aking kargada ay nasa pagitan ng aming mga katawan. “F**k, anong gagawin ko?” Nahihirapan kong bulong sa hangin kabang nakatitig sa mala anghel na mukha ni Wesley. “Kaya mo ‘yan, Asher.” Ani ko habang pilit na kinakalma ang aking sarili. Habang pinagmamasdan ko ang mukha nito ay hindi ko na namalayan ang paglitaw ng isang ngiti sa aking mga labi. Natigilan akong bigla, at ngayon ko lang napagtanto ang isang bagay, dahil sa loob ng maraming taon na lumipas ay ngayon ko lang muli naranasang ngumiti. At ng dahil iyon sa babaeng ito. Wala sa sarili na niyakap ko ito ng mahigpit bago ipinikit ang aking mga mata.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD