Chapter 18

1308 Words
“Tanga,” ganito ko ilarawan ang aking sarili habang nakatitig sa kisame. I think wala ng mas tatanga pa sa akin, saan ka nakakita ng sinaktan ka na’t lahat ay nagawa ko pang ibigay sa kanya ang aking sarili. Nawala na sa akin ang aking ama, ang bahay ng aking Ina at maging ang kumpanya. Pati ba naman ang kaisa-isa na meron ako ay hinayaan ko pang makuha ng lalaking ito? O di ba? Tanga lang? Ang mas masakit ay ako pa ang mismong nag-insist na may mangyari sa aming dalawa, hindi lang ang pagka-birhen ko ang nawala kundi maging ang dignidad ko. Kusang naglandas ang mga luha sa gilid ng aking mata habang hindi kumukurap mula sa pagkakatitǐg sa puting kisame. Ilang segundo pa ang pinalipas ko bago ako nagdesisyon na bumangon mula sa kama. Paika-ika na humakbang ako patungong banyo, halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil masakit ang buong katawan ko na wari mo ay inapakan ng sampung kabayo. Hindi ko alam kung makailang beses akong inangkin ng lalaking iyon. Halos madaling araw na bago pa ako nito ni-lubayan. Nagising na lang ako na mag-isa na sa loob ng silid nito. Naluluha na tumayo ako sa tapat ng dutsa at tahimik na sinimulang sabunin ang aking katawan. Malungkot kong pinagmamasdan ang aking kahubdan dahil puno ito ng mga marka na halos nagpasâ na. Maging ang maselang bahagi ng aking katawan ay labis kong iniinda dahil ito ang hindi niya tinigilan. Wari moy hayok sa laman kung paano akong inangkin nito buong magdamag. Pagkatapos na maligo ay isinuot ko na lang ang nakita kong t-shirt ni Asher at kaagad na lumabas ng silid nito. Hindi na muna ako papasok sa school, dahil sa tingin ko ay magkakasakit yata ako. Pabagsak na inihiga ko ang aking katawan sa malambot na kama saka pinikit ang aking mga mata. Ayoko munang lumabas ng kwarto at mas gugustuhin ko pang matulog na lang maghapon. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, ngunit, naalimpungatan ako dahil sa masarap na amoy ng pagkain. Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang masarap na pagkain na nakapatong sa ibabaw ng lamesa na nasa gilid ng kama ko. Bukod sa pagkain ay meron ding gamot na nakalagay sa gitna ng tray. Nakaramdam ako ng gutom kaya kaagad na nilantakan ko ang pagkain. At nang maubos ay sunod kong ininom ang gamot. Talagang masama ang pakiramdam ko kaya pagkatapos na magtootbrush ay muli akong natulog. Pagkatapos ng mahabang pagtulog ay muling nagising ang diwa ko, ngunit ng magmulat ako ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang madilim na kwarto. Sinubukan kong kumilos ngunit natigil ako sa paggalaw dahil sa mabigat na hita na nakadagan sa aking mga hita. Bukod pa run ay isang malaking braso ang nakapulupot sa ilalim ng dibdib ko. Saka ko lang napagtanto na may katabi pala ako sa aking higaan. Nag-init ang pakiramdam ko ng maramdaman ko ang mainit nitong katawan, dahil wala itong saplot sa katawan at tanging brief lang ang suot ng lalaking ito. Sinubukan kong alisin ang braso nito ngunit nagulat ako ng bigla niyang hatakin ang aking katawan palapit sa kanyang katawan. “Asher.” Reklamo ko ngunit napasinghap ako ng kulang na lang ay pumatong siya sa ibabaw ng aking katawan habang ang mukha nito ay nasa pagitan ng aking leeg. “Let’s sleep, Sweetheart, I’m tired.” Inaantok nitong sabi kaya wala na akong nagawa kundi ang muling pumikit..” Kinaumagahan... “Where's Wesley?” Irritable na tanong ni Asher sa mga katulong, naiinis siya dahil pagmulat ng kanyang mga mata ay wala na sa tabi niya ang dalaga. “Sir, maaga pong umalis Ma’am para pumasok sa school.” May pag-aatubili na sagot ng katulong, halatang ilag sa kanya ang mga ito. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan na para bang sinisikap niya na huwag magalit. “Bakit papasok sa school ang babaeng iyon? Eh ang alam ko masama ang pakiramdam nito?” Anya ng isang munting tinig mula sa isipan ni Asher, ngunit, hindi siya aware na labis siyang nag-aalala sa kalagayan nito. Malaki ang mga hakbang na lumabas siya ng bahay. Hindi na niya naisipan pang kumain ng almusal at kaagad na nilisan ang mansion. “Sa university.” Utos niya sa driver na kaagad namang tumalima. Pagpasok ni Asher sa entrance ng school na pinapasukan ni Wesley ay halos sa kanya napako ang atensyon ng lahat ng estudyante. Walang pakialam na pumasok sa loob ng university si Asher ni hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang mga estudyante na labis ang paghanga sa kanya. “Oh my god! Wes, tingnan mo, si Mr. Walker bigla na lang bumisita sa school natin.” Kinikilig na sabi ng ka-seatmate ni Wesley. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang kanyang fiancee na ngayon ay patungo sa kanilang classroom. “S**t! Anong ginagawa niya dito?” Wala sa sariling naibulalas ni Wesley. “Tanga, hindi mo ba alam na pag-aari ni Mr. Walker ang eskwelahan na ‘to.” Nanlaki ang mga mata ni Wesley dahil sa kanyang nalaman. “N-ngayon ko lang nalaman...” nautal pa siya sa pagsasalita, ngunit, natigilan si Wesley ng mula sa malayo ay nakita niya ang step sister niyang si Marice na nakangiting sinalubong nito si Asher. At ngayon ay tila masinsinang nag-uusap na ang dalawa, natigilan si Wesley dahil sa damdaming lumukob sa kanyang dibdib. Isang damdamin na kay hirap ipaliwanag na may kaakibat na kabâ. “Magkakilala pala ang dalawa? Ang lalaking ito ba ang isusunod na agawin sa akin ng malanding si Marice!?” Anya ng isang galit na tinig mula sa kanyang isipan. Wala sa sarili na tumayo mula sa kanyang upuan si Wesley at mabigat ang mga paa na humakbang palabas ng kanilang silid. Sinadya niyang dumaan sa harap ng dalawa nang hindi pinapansin si Asher. “Kung binabalak mo na angkinin ang lalaking ‘yan, ay iyong-iyo na s’ya, dahil wala akong pakialam sa kanya. Tama, ang mahalaga lang sa akin ay mabawi ang kumpanya pati ang bahay na kinamkam ng aking stepmother.” Ito ang tumatakbo sa isipan ni Wesley habang naglalakad. “Wesley.” Matigas na tawag ni Asher dito at mahigpit na hinawakan ito sa braso. Tatlong beses na huminga ng malalim si Wesley bago nito hinarap ang binata. “Pakiusap, bigyan mo ng respeto ang buhay ko bilang tao, ayoko na malaman ng kahit na sino ang kaugnayan ko sayo.” Matigas nitong pahayag sa mahinang tinig, sapat lang upang marinig ng kanyang kausap. Naptiim bagang si Asher na tila hindi nagustuhan ang tinuran ng dalaga. Pasimpleng hinawi ni Wesley ang kamay nito na nakahaw sa kanyang braso, saka matamis na ngumiti kay Asher. “Sorry, Sir, pero hindi kita kilala may kailangan po ba kayo? Ani nito sa kaswal na tinig na wari mo ay nakikipag-usap sa kanyang professor. Nanatiling nakatitig lang si Asher sa mukha ni Wesley, ngunit, maya-maya ay lumapit sa kanila si Marice. Napako ang mga mata ni Wesley sa kamay ni Marice na humawak sa braso ni Asher kaya pasimple niyang hinigit ang hininga upang huwag sumabog sa galit. “Asher, do you know her?” Malambing na tanong si Marice habang isang nang-uuyam na tingin ang binigay nito kay Wesley. “No, I don’t know her.” Matigas na sagot ni Asher habang naniningkit ang mga mata nito na halatang galit sa kay Wesley. Pagkatapos sabihin iyon ay walang salita na tinalikuran na sila nito. Natigilan si Wesley dahil nasaktan siya sa tinuran ni Asher kahit iyon naman talaga ang gusto niya. “You are pitiful, you know that?” Nang iinsultong sabi ni Marice bago siya nito tinalikuran. Mahigpit na naikuyom ni Wesley ang kanyang mga kamay habang matalim na nakatitig sa likod ng papalayong si Marice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD