Chapter 19

1022 Words
“Asher point of view “Iniiwasan mo ba ako?” Nanggigigil kong tanong habang mahigpit na hawak ang kanang braso ni Wesley. Napansin ko na sinasadya nito na huwag magpakita sa akin, masyado siyang maraming alibay. Pagkatapos akong ikaila nito sa harap ng maraming tao ay maghapon ko siyang hindi nakita. At kung hindi ko pa inagahan ng uwi ay balak sana nitong umalis ng hindi ko nalalaman. Nagdesisyon kasi ako na mag halfday sa trabaho at maglaan ng oras kay Wesley. Nang matuklasan ko, na ako ang unang lalaking umangkin sa kanya ay nagbago ang pagtingin ko sa aking fiance. Gusto kong bumawi sa kanya, pero nasasaktan ako sa pambabalewala niya sa akin. “Of course not, Bakit ko naman gagawin ‘yun? Marami kasing activity sa school kaya hindi ako nakauwi ng maaga. Isa pa nagkasundo kami ng kaibigan ko na mag sleepover sa kanila ngayong gabi.” Pangangatwiran nito habang pilit na inaalis ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. “Hindi ka aalis.” Matigas kong sabi bago marahas na binitawan ang braso nito saka pumihit paharap sa pintuan. “Wala kang karapatan na pagbawalan ako sa mga nais kong gawin!” Galit niyang sigaw habang hinihimas ang nasaktan nitong braso. Lalong nagdilim ang paningin ko dahil sa tinuran nito. Ngayong araw ay dobleng sakit ang naramdaman ko, una ay nung umakto siya sa harap ng maraming tao na hindi niya ako kilala na para bang kinakahiya ako nito. Is it because of our ten year age gap? Parang lalo yatang bumigat ang dibdib ko. Matigas ang ekspresyon ng mukha ko na muling humarap sa kanya. “Really? I think you need to be taught a lesson para mag-tanda ka.” Mapanganib kong saad habang kinakalas ang sinturon ng aking pantalon. Lihim akong napangiti ng makita ko na tatlong beses itong napalunok habang nakatitig sa mukha ko. Sa bawat hakbang ko ay siya namang pag-atras ng kanyang mga paa. Nahigit niya ang kanyang hininga ng lumapat ang likod nito sa pader habang nakatitig ako sa nakaawang nitong mga labi. Para akong inaakit ng kulay rosas niyang mga labi at gusto kong lamukusin ito ng halik. “A-Ano ang binabalak mong gawin? Nauutal niyang tanong ng makita niya na isa-isa kong kinakalas ang bawat butones ng suot kong polo. Marahil ay nahulaan yata nito kung ano ang binabalak kong gawin sa kanya kaya mabilis siyng humakbang at tinangka niyang dumaan sa gilid ko upang makalapit siya sa pintuan. Ngunit, mabilis na niyakap ng braso ko ang maliit nitong baywang saka pwersahan na hinatak ito patungo sa kama. “No, ayoko na! Ano ba! Bitawan mo ako!” Galit niyang sigaw habang pilit na inaalis ang braso ko sa kanyang baywang. Hinagis ko siya sa ibabaw ng kama na halos tumalbog ang katawan nito, pagkatapos ay marahas kong hinila ang kanyang mga paa kaya tuluyan siyang napahiga sa kama. “Mr. Asher, please, h-huwag mo naman akong pilitin...” pakiusap niya sa akin habang nakatukod ang mga kamay nito sa tapat ng dibdib ko. “Give me a reason, why don't you like it?” Seryoso kong tanong sa kanya habang nakatitig sa namumula nitong mukha. “B-Because... still hurts.” Anya bago lumingon sa ibang direksyon upang maiwasan ang mga mata ko. Halatang nahihiya siya sa akin, natigilan akong bigla at saglit na tumitig sa maamo niyang mukha. Sa isang iglap ay naglahong bigla ang galit ko, lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanyang mga kamay. Tila wala sa sariling umangat ang aking kamay at masuyong hinaplos ang makinis niyang pisngi. “Is that the reason why you are trying to avoid me?” Seryoso kong tanong, humarap sa akin ang kanyang mukha saka malungkot na sumagot nang, “ yes.” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan saka maingat na umalis sa kanyang ibabaw. Tumayo ako sa gilid ng kama habang nakatingin sa ibang direksyon. “Tell me, why do you pretend you don't know me?” seryoso kong tanong bago sinipat ng tingin ang kanyang mukha. Bumangon siya, ang kaninang takot sa mukha nito ay naglaho at ngayon ay seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatitig sa sahig. “There's no need for everyone to know about the two of us, bakit pa? Eh, darating din naman ang panahon na maghihiwalay din tayo.” Malumanay niyang sagot habang kampante ito sa pagsasalita na para bang tanggap na niya ang lahat. Nang marinig ko ang mga sinabi nito ay pakiramdam ko parang hinampas ng tubo ang dibdib ko, at nang mga oras na ‘to ay ibayong sakit ang naramdaman ko. “What if one day you realize that you love me?” Kapwa kami natigilan at hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Saglit na tumitig sa akin ang mga mata nito ngunit kalaunan ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw mula sa kanyang mga labi. “I don’t know, because I still love him.” Naluluha niyang sagot, bakas ang matinding sakit sa mukha nito. Tumayo siya at naglakad palapit sa pintuan. “Sa salas lang ako hindi ako aalis.” Anya sa malumanay na tinig hanggang sa tuluyan ng nawala ang presensya nito sa paligid., Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa sahig. Mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamay habang nakatiǐm bagâng. Bakit ganun? Pakiramdam ko ay ‘isang libong karayom ang bumaôn sa puso ko. Tila higit itong masakit kaysa sa pagkawala ng aking asawa. Ano ba ang meron sa ibang lalaki na wala sa akin? Bakit hindi ako kayang mahalin ng mga babaeng nagugustuhan ko? Yes, I admit, sa loob ng maikling panahon ay natutunan ko ng mahalin ang babaeng ito. Hindi ko alam kung paano at kung kailan ko ito naramdaman, just one day, when I woke-up I realized that I truly love her. Yeah, I definitely love her more than my wife. But this time, hindi na ako papayag na mawala siya sa akin. I’ll do everything para tuluyang mabura sa isip at puso niya ang lalaking iyon. Because I feel it that she is the right girl for me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD