Chapter 20

1235 Words
“Ma’am, pinapasundo po kayo ni Sir.” Ani ng tauhan ni Mr. Asher kaya naudlot ang akma kong pag-akyat sa hagdan. Kararating ko lang galing school at hindi pa ako nakakapag pahinga. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago inabot sa katulong ang aking bag pati ang mga libro na kipkip ko sa tapat ng aking dibdib. Napilitan akong sumunod sa likuran ng driver ni Mr. Asher at hindi na nagtanong pa kung saan kami pupunta. Pagkatapos ng labinlimang minuto ay humimpil ang sinasakyan kong kotse sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Nag-alangan akong pumasok sa loob dahil hindi nababagay ang suot kong damit sa marangyang lugar na ito. Naka white, polo shirt lang ako at maong pants na may mantsa pa ng mga pintura dahil sa activity na ginawa namin sa school. Samantalang ang suot ng ilang mga customer maging ng mga waiter ay masyadong sosyal ang dating. “Ma’am, mauna na kayo sa loob dahil ilang minuto na lang ay darating na si Sir.” Ani nito, isang simpleng ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago humakbang papasok sa loob ng mamahaling restaurant. Pagdating sa entrance ay napunta sa akin ang atensyon ng lahat. Ipinag-kibit balikat ko na lang ang atensyon na natatanggap ko mula sa ibang tao at tahimik na lumapit sa isa sa mga bakanteng lamesa. Kaagad na lumapit sa akin ang isang waiter at inabot ang kanilang menu. Agad na pinasadahan ng tingin ang hawak kong menu at ibinigay sa waiter ang aking order. Hindi ko na mahihintay pa si Mr. Asher dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Nakalimutan ko kasing kumain ng lunch kanina, kaya ngayon ay masakit na ang aking t’yan. “Hindi naman siguro magagalit ang isang ‘yun kung mauna na akong kumain, isa pa ang sabi sa akin ng driver ay after a few minutes ay darating ang kanyang boss. Pero, may sampung minuto na ang lumipas ay hanggang ngayon wala pa rin sya.” Umiiling na sinimulan ko ng kainin ang pagkain sa aking harapan, habang walang pakialam sa aking paligid. Napansin ko na panay ang sulyap sa akin ng ilang mga customer, marahil ay dahil sa paraan ng pagsubo ko ng pagkain. Sunod-sunod kasi ang pagsubo ko sa mga pagkain na nakahain sa harap ko na parang akala mo ay nagmamadali. Mayaman ang pamilya ko at alam ko rin naman ang table manners pero ginagawa ko lang iyon sa harap ng mga bisita or kapag may mga okasyon. Pero sa mga oras na ito ay higit na mahalaga na malamnān kaagad ang kumakalam kong sikmura, dahil hindi ko na kaya ang gutom. “Oh, look who’s here?” Anya ng isang maarteng tinig mula sa aking likuran. Kahit hindi ko nakikita kung sino ang nagsalita ay kilala ko na kung sino ito, si Marice. “Why are you letting a beggar into this restaurant?” Tila nandidiri namang turan na ng aking stepmother, si Sandra. Kaagad na yumuko ang manager ng restaurant na personal na nag-aasist sa kanila at saka humingi ng paumanhin sa aking madrasta. “Señora, I apologize if there is something that is not pleasing to your eyes. I'm sorry but she is also a customer of this restaurant, who can pay for her meals.” Magalang na turan ng manager sa maingat na paraan upang hindi magalit ang kanyang kausap. Nag-angat ako ng mukha, dinampot ko muna ang juice na nasa aking harapan. Pagkatapos ko itong inumin ay saka ko sila hinarap. Nakadama ako ng lungkot ng makita ko si Lander, halata sa kanyang mukha na gusto akong lapitan nito ngunit mahigpit na yakap ni Marice ang braso nito habang matalim na nakatingin sa akin. “Really? Then let see kung kaya niyang bayaran ang lahat ng kanyang kinain.” Anya ng aking Madrasta habang isang nang-uuyam na tingin ang binigay niya sa akin. Hindi makapaniwala na tumingin si Lander sa mukha ng aking madrasta halata sa kanyang mukha ang pag ka di gusto sa pakikitungo na ginagawa sa akin ng mag-ina. Natigilan ang manager ng restaurant at nang makita nito na marahil ay tapos na akong kumain ay tumingin ito sa isang waiter. Tila naunawaan ng waiter ang nais mangyari ng kanyang manager kaya umalis ito at lumapit sa counter. Iniisip ko ngayon kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Mr. Asher? Halos trenta minuto na itong late. Hindi na ba ito darating? O baka naman nagbago na ang kanyang isip at wala na siyang balak na siputin ako? Samo’t-saring damdamin ang lumukob sa puso ko at pakiramdam ko ay pinagkakaisahan na ako ng mundo. Lumapit sa akin ang waiter at ibinaba ang recivo na dapat kong bayaran. Napalunok ako ng wala sa oras ng makita ko na worth of seven thousand ang halaga ng mga pagkain na inorder ko. Kung tutuusin ay normal na halaga ito para sa akin pero noong mga panahon na hindi pa nalulugi ang kumpanya. At sa kagustuhan kong tipirin ang pera na pumapasok sa account ko ay never kong ginalaw ang laman nito. Ang masaklap pa ay two thousand lang ang laman ng wallet ko. At hindi ko pa ito dala dahil naalala ko na binigay ko nga pala ang aking bag sa katulong. At umalis ako na ni kusing ay wala akong dala sa bulsa. Nanatili akong tahimik at nag-iisip ng paraan kung paano makakaalis sa matinding kahihiyan na kinakaharap ko ngayon. “See, 'told you, she doesn't have any penny in her pocket.” Nang-uuyam na saad ng aking madrasta habang nakataas ang sulok ng bibig nito. Ang anak naman nito ay halatang natutuwa sa mga nangyayari sa akin, dahil hindi iyon maikakaila ng magandang ngiti sa kanyang mga labi. “I’ll pay for it.” Si Lander na kaagad na dumukot sa kanyang bulsa. “I don’t need your help.” Matatag kong saad habang pilit na pinipigilan na huwag maiyak sa harap ng mga ito. Pagkatapos kong sabihin iton ay sunod kong hinarap ang manager ng restaurant at magalang na nakipag-usap dito. "I apologize, sir. It was not my intention to dine at your restaurant without payment. Perhaps there was an issue with my companion who invited me here. Tatanggapin ko kung anuman ang parusa na ibibigay ninyo sa akin.” Ani ko sa malumanay na tinig, kita ko ang labis na pagkadismaya sa mukha ng manager. Ang kalmado nitong ekspresyon ay napalitan ng galit, at halatang nagtitimpi lang ito na huwag akong sigawan upang mapanatili nito ang pagiging propesyunal sa harap ng lahat. Nang mga oras na ito ay nagpupuyos ang aking kalooban, sana lamunin na lang ako ng lupa upang mawala sa harap ng maraming tao na nasa aking harapan. “Grabe, akala mo mukhang disente iyon pala ay manloloko, akala siguro niya ay makakalusot siya, ang kapal ng mukha.” “Iba na talaga ang kabataan ngayon, look, ang lakas ng loob umorder ng pagkain, wala naman palang pambayad.” Talagang pinili pa n’ya ang mamahaling pagkain!?” Ilan lamang iyan sa mga naririnig kong bulong ng mga customer sa paligid ko. Halos manginig na ang laman ko at pakiramdam ko ay parang mamamatay na ako sa matinding kahihiyan. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko habang tinitiis ang panglilibâk sa akin ng ibang tao. Ang awra ko ay isang babaeng walang dignidad. At dahil sa kagagawan ng madrasta ko ay tuluyang naapakan ang buong pagkatao ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD