Chapter 21

1457 Words
“Well, hindi na ako magtataka na nagawa mo ang bagay na ‘yan, see? even your father ay sumuko na rin sayo. Dahil wala ka ng ginawang matino kung hindi ang magbigay ng sakit ng ulo sa aming pamilya.” Matigas na saad ng aking madrasta na para bang suklam na suklam ito sa sa akin. "I never became part of the family you're talking about because I never dreamed of being related to people who would do anything, even steal the men I love, just to raise themselves in society." Matapang kong saad habang diretsong nakatitig sa mga mata nito. Kita ko kung paanong maningkit ang mga mata nilang mag-ina na halos mamula na ang kanilang mga mukha dahil sa matinding galit. “How dare you para sagot-sagutin ako ng ganyan?” Anya at mabilis na umangat ang kanang kamay nito upang sampalin ako. Ngunit nanatili sa ere ang kamay nito dahil mabilis na nahawakan ni Lander ang palapulsuhan ng madrasta ko. “Enough, Tita, look, nakakahiya maraming tao sa paligid.” Anya sa mahinahong tinig, tila nahimasmasan naman ang madrasta ko at naalala yata na anak ng Mayor ang kanilang kasama. Isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa akin. “Let’s go, nawalan na ako ng ganang kumain sa restaurant na ‘to.” Anya bago padabog na tinalikuran ako habang si Lander ay malungkot na nanatiling nakatitig sa aking mukha. Ngunit, wala na itong nagawa pa ng hilahin siya ni Marice. “Good luck, for your new job, you deserve it.” Nang-iinsultong saad ng stepsister ko bago ito tuluyang umalis sa aking harapan. “Sumunod ka sa akin.” Matigas na utos ng manager ng hotel kaya tahimik akong sumunod sa likuran nito. “Pagkatapos mong hugasan ang lahat ng ‘yan ay maglampaso ka sa labas, at punasan mo ang mga lamesa. I think hindi naman siguro kalabisan ang trabahong ibinibigay ko sayo dahil nag pakabusog ka naman.” Seryosong pahayag ng Manager, ngunit, ramdam ko ang galit sa tinig nito. Pagkatapos na sabihin iyon ay kaagad na itong lumabas ng kusina. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan upang kahit papaano ay medyo mabawasan ang bigat ng dibdib ko. Lumapit ako sa lababo na halos mapuno ng mga hugasing pinggan. Dinampot ko ang sponge at naglagay ng liquid soap at tahimik na simulan ang paghuhugas. Ilang sandali lang ay biglang nanlabo ang aking paningin hanggang sa tuluyang naglandas ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko. Umiiyak ako habang naghuhugas ng pinggan, bakit ba ang lupit ng mundo sa akin? Wala naman akong ibang pinangarap sa mundong ito kundi ang makaambon ng kaunting pagmamahal mula sa aking Ama. Kaya, paano na umabot ang lahat sa ganito? Tinalo ko pa ang isang palaboy na ni isang pamilya ay wala ako. “Hayop ka, Walker! Kasalanan mo ang lahat ng ito, huwag ka lang magpapakita sa akin dahil mapapatay kita!” Matigas kong bulong sa hangin sabay marahas na hinawi ang luha sa pisngi ko.” Samantala... Ang lahat ay napalingon sa entrance ng restaurant dahil sa pagpasok ni Asher habang sa likod nito ay nakasunod ang kanyang mga tauhan. Umawang ang bibig ng lahat ng mga kababaihan ng makilala kung sino ang dumating. Nagsimulang mataranta ang mga empleyado ng restaurant at nagmamadali na humilera sa harapan ng bagong dating na si Asher. Good evening, Mr. Walker!” “Good evening, Sir!” Halos sabay na bati ng lahat sa kanya nguni ni hindi man lang niya binigyan ng atensyon ang mga empleyado na bumati sa kanya. Bagkus ay inilibot nito ang mga mata sa paligid ng restaurant na wari mo ay may hinahanap. Lumalim ang gatla sa kanyang noo nang hindi niya nakita ang taong hinahanap. “Sir, is there something wrong?” Anya ng manager sa magalang na tono, habang ang ibang empleyado ay tila naguguluhan sa mga nangyayari. “You told me she is still here, then where is she?” Galit na tanong ni Asher sa driver ni Wesley, ni hindi man lang niya pinansin ang manager na nagtanong sa kanya. “Yes Sir, hindi naman lumabas ng restaurant si Señorita.” Kinakabahan na sagot ng driver, nagkatinginan ang lahat at labis na naguguluhan kung sino ang hinahanap ng kanilang boss. Ang mamahaling restaurant na pinagdalhan kay Wesley ng driver ay isa sa mga negosyo ni Asher. Kaya ng mga sandaling ‘yun ay ibayong kabâ ang nararamdaman ng mga empleyado ng restaurant. “Halughugin ninyo ang buong paligid!” Matigas na utos ni Asher habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamay. Iniisip niya na maaaring nainip sa paghihintay sa kanya si Wesley kaya umalis ito ng hindi namamalayan ng driver. “s**t, where are you, Wesley? Kasalanan ko ‘to, masyado akong nakatutok sa trabaho, kaya, nakalimutan ko na ang oras kaya tuloy late na ako ng halos trenta minuto.” Anya ng isang munting tinig mula sa kanyang isipan, dahil sinisisi niya ang kanyang sarili. Mabilis na inutusan ng Manager ang mga waiter upang ihanda ang mga paboritong pagkain ng kanilang boss. Habang ang mga customer sa paligid ay kinikilig na halos magkandahaba na ang mga leeg nila sa pagtanaw kay Asher. Tahimik na nakaupo si Asher habang itinutuktok ang mga daliri nito sa ibabaw ng lamesa na tila naiinip. Nagmamadali na pumasok ang Manager at ilang waiter sa kusina, upang ihanda ang mga kakailanganin nila. Nakasimangot ang Manager ng makita nito na ilang piraso pa lang ang nahuhugasan ni Wesley at napakabagal pa nitong kumilos. Halatang hindi sanay sa trabaho. “May goodness! Kung anong ikinalakas mong kumain siya naman kinabagal ng kilos mo!” Naiimbyernang saad ng Manager habang ang ibang mga empleyada ay masama ang tingin kay Wesley. Nang subukan ni Wesley na bilisan ang kanyang kilos ay dumulas ang pinggan sa kanyang kamay at nahulog ito sa sahig. “Ay! Ano ba! Nalugi na nga sayo ang restaurant nagbabasag ka pa! Napaka walang silbi mo talaga!” Bulyaw sa kanya ng Manager. Sa buong buhay ni Wesley ay ngayon lang niya naranasan ang mapahiya at maltratuhin ng ibang tao kaya halos wala na siyang mukha na maihaharap pa sa mga ito. Biglang bumukas ang pintuan ng kusina at pumasok ang isa sa mga tauhan ni Asher. “Ano bang nangyayari dito? Bakit ang ingay nin”- naudlot ang sanay sasabihin nito ng makita ang babaeng tahimik na naghuhugas ng pinggan. Nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala na tumingin sa Manager ng restaurant at sa kasama nitong dalawang waitress. “Pasensya na nakabasag kasi ng isang pinggan ang dishwasher natin.” Paliwanag ng Manager ngunit nagtaka siya kung bakit namumutla ang mukha ng lalaki, habang nakatitig sa mukha ng babaeng tinawag niyang dishwasher. Biglang napasinghap ang dalawang waitress habang ang manager ay napalunok ng wala sa oras at napatitig sila sa magandang mukha ni Wesley. “What happened here?” Matigas na tanong ni Asher na ngayon ay nakatayo na pala sa tapat ng pintuan. Imbes na sumagot ang kanyang tauhan ay mabilis itong nagyuko ng ulo saka tumayo sa gilid upang bigyang daan ang kanyang boss. Seryoso na humakbang papasok ng kusina si Asher at ganun na lang ang panggigilalas niya ng makita si Wesley na naghuhugas ng pinggan. “s**t! What have you done to her!?” Galit na singhal ni Asher sa Manager, na halos ikaputla ng lahat at sabay pang napalunok ang Manager ng restaurant at ng dalawang waitress. Kulang na lang ay takasan ng ulirat ang mga ito dahil sa matinding takot. Isang nagbabagang tingin ang ibinato ni Wesley kay Asher at tuluyan ng humulagpos ang matinding galit sa dibdib nito! Dinampot niya isa-isa ang mga pinggan at ibinato ito sa direksyon ni Asher. Nanlaki ang mga mata ng Manager pati ng mga tauhan ni Asher dahil sa ginawa ng dalaga habang ang kanilang boss ay panay ang ilag. “f**k you! Walker! Hayop ka! papatayin kita! Nananahimik ako sa bahay tapos ipapasundo mo ako para lang gawing tanga dito! Napakasama mo talaga!” Umiiyak sa galit na sigaw ni Wesley habang patuloy lang ito sa pagbato ng mga pinggan. Wala na siyang pakialam kahit may matamaan pang iba dahil hindi na niya kaya ang bigat ng kanyang dibdib. “Sweetheart, please, let me explain.” Pagsusumamo ni Asher habang sinisikap na makalapit sa nagwawalang dalaga. Nang mapagod ay napahagulgol si Wesley at nanghihina na napa-luhod ang kanyang mga tuhod sa sahig. Naaawa na lumapit si Asher at mahigpit na niyakap ito. “I-I hate you..” puno ng hinanakit na bulong ni Wesley sa garalgal na tinig, “I’m so sorry, Sweetheart.” Buong pagsisisi na bulong ni Asher habang masuyong hinahagod ang likod nito at manaka-nakang hinahalikan ito sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD