Chapter 14

1011 Words
Wesley Point of view “Nangangalumata na naalimpungatan ang diwa ko, pilit kong imulat ang aking mga mata ngunit kay bigat ng aking mga talukap kaya mas pinili ko na lang ang manatiling nakapikit. Masama ang pakiramdam ko at tila nanghihina ang aking katawan kaya parang ayoko munang umalis sa higaan. Medyo masakit din ang ulo ko na halos barado pa ang ilong ko dahil sa sinisipon yata ako. Babalik na sana ako sa pagtulog ng gumalaw ang isang mabigat na bagay na nakapatong sa aking balakang. Kumilos ang isa kong kamay at maingat na kinapa ang mabigat na nakadagan sa akin. Natigilan ako ng napagtanto ko na isa itong malaki at mabalahibuhing hita. Maya-maya ay nakarinig ako ng isang mabining ungol ng lalaki. Kasunod nito ay ang pagkabig sa aking katawan kaya naramdaman ko ang mainit na katawan na lumapat sa balat ko. Saka ko lang narealize na may katabi pala akong lalaki sa higaan. Bigla ang pagmulat ng aking mga mata ng napagtanto ko na nakahubad pala ako at tanging panty lang ang suot ko. Ganun na lang ang panggigilalas ko ng tumambad sa aking paningin ang nakahubad na lalaki habang nakayakap sa aking hubad na katawan. “Ahhhhh!” Malakas kong sigaw at buong pwersa na itinulak ang nagulat na lalaki, pagkatapos ko itong itulak ay mabilis akong gumulong palayo sa lalaki. Ngunit, sa kasamaang palad ay nahulog ako sa kama. “Augghh…” nasasaktan kong daǐng habang pilit na bumabangon. Sa sobrang pagkabigla ko ay nakalimutan ko na masama nga pala ang pakiramdam ko at ngayon palang ako nakaramdam ng sakit ng katawan. Medyo nahihilo na rin ako. “s**t! Why so stupid? Alam mo ng may sakit hindi ka pa nag-ingat!” Irritable na sabi ng lalaki, nagmamadali na bumangon ito at lumapit sa akin kaya nagsimula na naman akong magpanik. “Huwag kang lalapit! d’yan ka lang!” Natataranta kong sigaw habang nakalahad ang kanang kamay ko sa ere. Habang mahigpit namang kipkip ng kaliwa kong kamay ang kumot sa tapat ng aking dibdib. Naudlot ang tangkang paglapit sa akin ng lalaki at lumalim ang gatla sa noo nito na wari moy naguguluhan sa kinikilos ko. “Tell me, anong ginawa mo sa akin kagabi? Bakit ako nakahubad?” Nahintakutan kong tanong, parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil hinayaan ko na lang na may mangyari sa amin ng lalaking ito. Siguradong wala na akong maipagmamalaki, wala na talagang natira sa akin, dahil pati ang pinaka iingatan kong puri ay hinayaan kong makuha ng lalaking ito. Parang gusto kong mag lupasay sa sahig at magluksa dahil sa mga kamalasan ko sa buhay. “Nonsense, hindi na ako interesado sa katawan mo, kaya huwag kang magdrama d’yan. Dahil mas gugustuhin ko pang bumili ng sampung babae kaysa ang pagtiyagaan ang isang babaeng tulad mo. Pangit na nga ang katawan, isip bata pa.” Masungit nitong sabi bago ako tinalikuran at walang pakialam na pumasok ito sa loob ng banyo. Naiwan akong nakatanga sa kawalan habang pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi nito. “Huh? Ako isip bata? At pangit ang katawan?” Di makapaniwala na naibulalas ko ng mahimasmasan ako. Nag-init ang aking ulo at pakiramdam ko ay umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa ulo. Kung pwede lang pumatay ng tao ay kanina ko pa sana ginawa. Sobrang panlalait ang natanggap ko mula sa lalaking iyon at talagang nasira ang self confidence ko. Hindi pangit ang katawan ko dahil marami ang nagsasabi na pinagpala daw ako, bukod sa malaki ang dibdib ko ay malaki rin ang balakang ko. Sa totoo lang ay isa ito sa kinaiinggitan sa akin ng mag-inang Sandra at Marice. Makikita ng lalaking ‘yan na hindi ako pangit at mas lalong hindi ako isip bata! Tatlong beses akong huminga malalim upang kumalma ang aking katawan. Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang naglaho ang tensyon ng aking katawan. At kahit papaano ay medyo gumaan na ang aking pakiramdam. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, kinapa ko rin ang pagitan ng aking mga hita at nakahinga ako ng maluwag nang wala namang nagbago sa aking katawan. Maliban sa sipon at sakit ng ulo ay wala na akong ibang nararamdamang kakaiba. Maya-maya ay bigla akong natigilan ng maalala ko ang mga naganap kahapon. Muling bumangon ang galit ko para sa mag-inang, Sandra at Marice. Sunod na pumasok sa isip ko ay ang nangyaring kasunduan sa pagitan namin ng lalaking iyon. Nakadama ako ng konsensya ng maalala ko ang mga nangyari kagabi, kahit nagdedeliryo ako dahil sa taas ng lagnat ko ay malinaw ko pa ring naaalala kung paano akong inalagaan ng lalaking iyon. Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas ang lalaking hindi ko pa rin nakikilala. Ibinaling ko ang aking tingin sa ibang direksyon ng makita ko na tanging kapirasong tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. “S-Sorry sa maling inasal ko.” Nahihiya kong sabi sabay yuko ng aking ulo, matinding hiya ang nararamdaman ko dahil sa kabila ng kabutihan na ginawa nito sa akin ay ito pa ang isinukli ko. “Take a rest, I’m leaving.” Suplado nitong sabi habang ibinubutones ang kanyang polo. Pagkatapos niyang magbihis ay dinampot na nito mula sa lamesa ang kanyang wallet at akmang lalabas na sana ito ng kwarto ng magsalita ako. “Ahm, p-pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?” Alanganin kong tanong, saka tumitig sa kanyang mga mata., Pakiramdam ko ay para akong nahipnotismo dahil napakahirap para sa akin na bawiin ang tingin ko sa mukha nito kaya naghinang ang aming mga mata. “Asher.” Seryoso nitong sagot bago ako tuluyang talikuran at iwanang mag-isa sa loob ng silid. Hindi ko na namalayan na kusang lumitaw ang mga ngiti sa aking labi, at maya-maya ay naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ko ng biglang sumagi sa isipan ko ang ginawa ng aking Ama. Galit at lungkot ang lumukob sa puso ko, nasasaktan ako kung bakit kailangan pang humantong ang lahat sa isang masalimuot na pangyayari..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD