Chapter 16

1014 Words
Tahimik akong naglalakad sa kahabaan ng pasilyo nang university habang kipkip ko ang maraming libro sa tapat ng aking dibdib. Tapos ko ng aralin ang lahat ng ito at ngayong araw ko balak na isauli ang mga ito sa library. Mas gusto ko kasi ang gumamit ng libro kaysa sa laptop, pero ayoko namang bumili ng libro dahil masyadong magastos. Sa panahon kasi ngayon kailangang maging praktikal dahil hindi ko hawak ang bukas. Tulad na lang ng aming kumpanya, sa isang iglap ay naglaho ito sa aming mga kamay. “Wesley..” malungkot na tawag sa akin ng isang boses lalaki, at maya-maya ay biglang sumulpot sa harap ko si Lander. Tulad ko ay nakasuot din ito ng uniform, gwapo ang ex-boyfriend kong ito at higit sa lahat ay mayaman, kaya no wonder kung bakit ito nagustuhan ng stepsister ko. Tumitig sa akin ang malungkot niyang mga mata habang ang ekspresyon ng kanyang mukha ay wari moy nakikiusap. Ilang araw na akong sinusundan nito at pinipilit na makipag-usap sa kanya pero lagi ko itong nire-reject. Nanatiling blanko ang ekspresyon ng aking mukha, at pilit ko siyang nilampasan ngunit sa tuwing dadaan ako sa gilid nito ay kaagad siyang humaharang sa daraanan ko. “Babe, please, kausapin mo naman ako, let’s try to fix this, you know how much I love you. So please, give me a second chance. And I swear to God na hindi na ito mauulit pa.” Nagmamakaawa nitong turan ngunit buo na ang desisyon ko na alisin siya sa buhay ko. Lalo na at nalaman ko na nabuntis pala niya ang malditang ‘yun. “You know, Lander, wala ng aayusin pa sa ating dalawa. Tapos na tayo, and besides dapat noong una pa lang ay naisip mo na ang kahihinatnan ng lahat bago mo ako niloko.” Ani ko sa matigas na tinig, pero mukhang wala itong balak na sumuko at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. “No, hindi ako papayag! I love you so much, Wesley, believe me, inakit lang ako ni Marice, sinadya niya na lasingin ako at nagulat na lang ako, paggising ko kinaumagahan ay kapwa na kami hubo’t-hubad na magkatabi sa kama. I told her na layuan ako, pero binalockmail niya ako. Sinabi niya na ipapadala daw niya sayo ang kopya ng bed scene namin sa oras na tumanggi akong makipagkita sa kanya. I don’t have choice kundi ang sumunod dahil sa takot ko na mawala ka sa akin. Babe, I’m sorry, please, give me another chance at babawi ako sayo...” halos umiyak na ito habang nagpapaliwanag, ramdam ko ang matinding emosyon nito mula sa nanginginig niyang katawan. Nakadama ako ng awa para kay Lander, yes, I still love him. Sa haba ng taon na pinagsamahan namin ay hindi basta mawawala ang love, pero hindi ibig sabihin nito ay babalikan ko pa siya. “You need to face the consequences ng mga ginawa mo, Lander, and we should to accept everything, na talagang wala ng tayo.” Malungkot kong sagot bago masuyong hinagod ang kanyang likod. Upang ipaalam sa kanya na magiging okay din ang lahat. Naramdaman ko na mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa ‘kin na para bang ayaw na nitong bumitaw sa akin. Natigilan ako ng ibinaon nito ang kanyang mukha sa pagitan ng aking leeg. Hindi kasi ako kumportable dahil ibayong kilabot ang gumagapang sa bawat himaymay ng aking laman. Mabuti na lang at walang ibang estudyante sa hallway dahil kung hindi ay magiging isyu ito sa buong campus. Balak ko na sanang humiwalay kay Lander, ngunit, kapwa pa kami nagulat dahil sa biglaang pagsulpot ng mga lalaki mula sa aking likuran. Marahas na hinatak ng mga ito si Lander palayo sa akin at ng akmang lalapit ako sa kanila ay may biglang humawak sa kaliwang braso ko. Napa-atras ako dahil sa lakas ng pagkakahatak nito sa akin. Bumangga ang katawan ko sa malapad na dibdib ng lalaki, at nang mag-angat ako ng mukha ay sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Asher. “Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito sa aming university?” Naguguluhan kong tanong sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot sa kanya, na para bang buong buhay mong pagsisisihan sa oras na banggain mo ang isang tulad nito. Napangiwi ang mukha ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko ngunit hindi ko magawang magreklamo dahil sa takot. “Sino ka!? Bitawan mo ang girlfriend ko!” Galit na sabi ni Lander habang matalim na nakatingin kay Asher. “Huh? Girlfriend?” Tila nang insulto na tanong ni Asher bago ako nito hinarap, halos mabingǐ na ako dahil sa lakas ng kabôg nang dibdib ko. “Hi”- hindi na natuloy ang sanay sasabihin ko ng lamukusin niya ng halik ang mga labi ko sa mismong harap ni Lander at ng mga tauhan nito. Matinding hiya ang naramdaman ko pero wala akong lakas ng loob na tumutol. “S**t! Let her go! You, bastard!” Narinig kong wika ni Lander na pilit nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng mga tauhan ni Asher. Halos nag sugat na ang mga labi ko bago pa ito nilubayan ni Asher. “Ito na ang huling pagkakataon na makikita kong nakikipag-usap ka sa lalaking ‘yan, kung ayaw mong patayin ko siya, sa mismong harapan mo.” Bulong niya sa tapat ng bibig ko kaya langhap ko ang mabangong hininga nito. Nagimbal ako sa aking narinig at pakiramdam ko ay natuyuan na yata ako ng dugo dahil sa matinding takot. Wala sa sarili na mabilis na yumakap sa kanya ang nanginginig kong mga kamay. “P-Promise, hindi na.” Natatakot kong sagot, naramdaman ko na pumulupot ang kanang braso nito sa katawan ko saka ako iginiya palayo kay Lander. “Wesley! No please, huwag kang sumama sa kanya, Babe!” Natataranta na tawag ni Lander, ngunit, nagkunwari ako na hindi ko siya naririnig at ni hindi ko na binalak pang lumingon sa aking likuran hanggang sa tuluyan kaming nakasakay sa loob ng kotse ni Asher.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD