CHAPTER 4
Marahas na tumayo na si Vincent mula sa kama at hinagilap ng kanyang mga mata ang sariling polo na basta na lamang inihagis kanina. He saw it on the floor and he picked it up together with his pants and underwear. Isa-isa ay ibinalik niya sa kanyang katawan ang mga damit na kanina lang ay nagmamadaling tinanggal sa kanya.
"You are leaving?" tanong sa kanya ng babaeng kanina lamang ay kaulayaw niya.
Lumingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang malagkit na tinig ni Bianca. Nakaupo na ito sa kama at nakasandal sa headboard niyon. Ni hindi man lang nito pinagkaabalahang takpan ang hubad nitong katawan.
He took a look on her. Vincent can still see the fire in her eyes even after their activity in bed a while ago. Lust was all over her beautiful face as she watched his body. Ni hindi man lang nabawasan ang init na binabadya ng mga mata nito sa kabila ng katotohanan na katatapos lamang nila ng isang mainit na p********k.
She is beautiful, no doubt about it. Siya ang uri ng babae na ipagmamalaki mo na ipakilala sa lahat ng iyong kakilala bilang nobya, kung pisikal na kaanyuan lang naman ang pag-uusapan. Beautiful and with a body that every man would ogled. But Vincent knows better. Hindi niya kailan man gugustuhing itali ang sarili sa mga uri ni Bianca. She was not even a v*irgin when he first took her.
"Why not just stay here with me, Vince?" mapang-akit pa nitong tanong sa kanya.
"I need to go back to Rancho Olvidares, Bianca," wika niya habang ibinubutones na ang kanyang polo.
"So, just like that?" she snapped on him. Naiangat nito ang likod mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama.
Muli ay tinitigan niya ito. Pilit nitong ikinukubli ang pagkairita sa sopistikadang mukha nito.
"You know our score, Bianca," balewala niyang sambit dito.
Nagsalubong ang mga guhitang kilay ng dalaga dahil sa mga sinabi niya. "But... but we had a great... great and wonderful s*ex just a while ago. You can't deny that, Vince."
Natigil si Vincent sa ginagawang pagbihis at linapitan ang dalagang nakatunghay sa kanya. Naupo siya sa tabi nito at sadyang itinukod ang kanyang mga kamay sa magkabilang tagiliran ni Bianca, dahilan iyon para makulong ito sa mga bisig niya. Then, he looked straight into her eyes.
"S*ex," pag-uulit niya sa sinabi nito habang mataman itong tinitigan. "You were right, Bianca. It was great and wonderful, Babe. Bagay na pwede ko ring makuha mula sa iba."
Nagpupuyos ang kaloobang tinitigan siya ng dalaga. Muli ay tumayo si Vincent at kinuha ang kanyang sapatos.
"No wonder, hindi nagtagal si Mariz sa iyo," galit nitong saad.
"At least, Mariz knew where she stand," bwelta niya dito.
Mariz was his ex-partner in bed. Isa si Mariz sa mga nag-eendorso ng mga gamot na ginagawa sa Olvidares Manufacturing Corporation. Nang minsang magkaroon ng thanksgiving ang nasabing produkto ay ipinakilala ito sa kanya ng producer ng ginawang advertisement nito.
And they were good for eight months. Until he got tired of their relationship. But unlike Bianca, Mariz knew their score. Kailan man ay hindi ito naghangad ng higit pa sa relasyong kaya niyang ibigay dito.
"So it is true. Na kailan man ay wala kang sineryosong babae." Muli niyang narinig na wika ni Bianca.
Tinitigan niya ito. His relationship with her is now running to three months. Pero nasasakal siya dito. Vincent knew that she is expecting. Expecting something na hindi niya kayang gawin at ibigay.
"Sa ngayon. . . wala pa," wika niya rito.
"Damn you, Vince," she hissed angrily to him.
"I told you about it from the very start, Bianca. And you said you were game," aniya kasabay ng pagkibit ng kanyang mga balikat.
Tuluyan na siyang tumayo at inayos ang sarili. Mula sa bulsa sa likod ng pantalon ay kinuha niya ang isang pahabang kaheta. "Usually, I do not pay my woman. I can get them freely, you know. But as you have said," nagkibit siya muli ng mga balikat. "it was great and wonderful. Why, you were a tigress on bed."
Ilinapag niya sa night table ang kaheta na naglalaman ng isang mamahaling kwintas. Sadya niya itong binili kanina para ibigay sa dalaga. He wanted to end their relationship tonight. Kapag nararamdaman niyang naghahangad na ng seryosong relasyon ang mga babae ay nakikipaghiwalay na siya sa mga ito.
"Consider this as a gift, Bianca," he said firmly bago naglakad patungo sa may pinto. Hawak na niya ang doorknob nang muling lumingon dito. "And don't expect me to call you again."
Nakita niya pa ang pagtaas-baba ng dibdib nito dahil sa pinipigil na galit para sa kanya nang ilapat niya ang pinto pasara. Nasa labas na si Vincent nang marinig niya ang pagkabasag ng kung ano mang ibinato nito sa kanya. Isang bagay na hindi na sa kanya tumama dahil naipinid na niya pasara ang pinto.
"Woman," iiling-iling na saad ni Vincent habang naglalakad na patungo sa may elevator ng hotel.
Gusto siyang itali ni Bianca sa isang relasyon, nararamdaman niya iyon. And it is one thing that he does not like. He admits, he is a womanizer. Pero kailan man ay wala siyang pinagsabay na babae. He did it one woman at a time. If he got bored to it, he wanted his freedom back. Just like tonight with Bianca.
Nang nagdaang linggo ay nagpahiwatig na sa kanya si Bianca na nais na nitong lumagay sa tahimik. She even introduced him to her family as her boyfriend. Iiling-iling na pinindot ni Vincent ang button ng elevator nang maisip ang gabing iyon. Kulang na lang ay pilitin siya ni Bianca na bigyan niya ito ng singsing.
But Vincent knew better. Anak si Bianca ng isa sa mga kaibigan ng kanyang papa. Her father wanted to buy a share on their company but Jake did not approve of it. Sa mga matatagal nang kliyente lamang nila binenta ang naiwang shares ng kanyang mama nang mamatay ito. And so Bianca's father pushed his daughter to get along with him. Though he knew that Bianca was attracted to him since the very start, kaya madali para dito na sundin ang nais ng ama nito.
He learned all about their plans during the launching of their new product three weeks ago. Without their knowledge, narinig niya lahat ang pinag-usapan ng mag-ama.
Settling down? It is not his thing. He can never imagine himself waiting in front of the altar for a woman who is wearing a white gown. Ni hindi niya makita ang sarili na nagpo-propose sa isang babae.
Napatuwid ng tayo si Vincent nang makapasok siya sa loob ng elevator. May isang alaala ang pilit na naghuhumiyaw sa loob ng isip niya. Isang alaala na nakakubli lamang doon na kapag naaalala niya ay napapailing na lamang siya.
Hindi ba at inalok na niya ang kanyang pangalan labing-dalawang taon na ang nakalilipas... sa isang bata?
He chuckled as he thought about it. Isa lamang iyon na alaala na kailan man ay hindi niya makitang seseryosohin. Besides, ni hindi niya na nakita pang muli ang batang iyon. Nang tumungtong siya ng kolehiyo ay sobra na siyang naging abala dahilan para minsanan na lamang siyang makauwi sa rancho. He did not hear anything about the kid anymore.
Kid... Vincent smiled. For sure ay hindi na bata iyon ngayon.
Naglalakad na siya patungo sa parking lot ng hotel nang makatanggap ng tawag mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Jake.
"Hello, Jake," bungad niya dito.
"Vince, where are you?" wika nito sa kabilang linya.
"Pabalik na ako sa rancho. Nakipag-meeting lang ako kay Mr. Calderon, just like what you have said to me," sagot niya dito.
Kahapon ay nasa Rancho Olvidares siya nang tawagan siya ni Jake. Ayon dito ay nasa Laguna umano ito. Nagulat pa siya nang sabihin ng kapatid na may anak ito at iyon ang sinadya nito sa Laguna. His nephew was hospitalized according to his brother.
Kaya naman nakiusap ito sa kanya kahapon na kung maaari ay siya muna ang makipagkita kay Mr. Calderon--- isa sa kanilang mga kliyente. Ayon kay Jake ay hindi pa makakalabas ng ospital ang anak nito. Kaya kaninang umaga ay bumiyahe siya pa-Manila at nakipag-meeting sa kanilang kliyente.
At ang pagpunta niya sa Manila ang nagbigay ng daan kay Bianca para magkita silang muli. Mula nang gabing pinakilala siya nito sa buong pamilya bilang katipan nito ay iniwasan na niya ito. That was the reason why he stayed to Rancho Olvidares.
"Can you stay, at least until tomorrow?" Narinig niyang tanong ng kanyang kapatid mula sa kabilang linya.
"Why? Akala ko ba ngayong gabi ang dating niyo mula Laguna?" pagtataka niya.
"Yes," sagot nito. "Andito na kami sa bahay. It is just that sasamahan ko muna sila Francheska hanggang bukas dito sa bahay."
"Okay," napabuntong-hininga niyang sagot. "I got it. Kailan ko pwedeng makita ang mag-ina mo?" he asked him teasingly.
Mas malalim na buntong-hininga ang narinig niya mula sa kapatid. "Kapag medyo nakaadjust na sila dito sa bahay, Vince. You can visit them."
Mayamaya ay nagpaalam na ang kapatid niya. Until now ay hindi niya lubos na maisip kung paanong ang ina ng anak nito ay ang babaeng minsan nitong kinamuhian. Iba din naman maglaro ang tadhana.
And he wondered, what if fate play along with him too?
"Nah! That would never happen," sagot niya sa sarili.
Falling in love is out of his league.