CHAPTER 5
Nang sumunod na araw ay inabala ni Ysabella ang kanyang sarili sa pagtulong sa kanyang Uncle Menard sa pangangasiwa ng pagsisimula ng pagkokopra. Kahit sabihing lumaki siya sa lugar na ito ay aminado si Ysabella na wala siyang ideya sa pamamalakad ng niyugan. Lalong-lalo na sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga alaga nilang hayop.
Nakatayo si Ysabella ilang dipa mula sa mga trabahador na naghahakot ng mga bunga ng niyog. Inihahanda ng mga ito ang mga bunga para sa pagbibiyak niyon.
Ysabella is wearing a cotton t-shirt paired with a blue denim pants. Ang kanyang mahabang buhok ay ipinusod niya nang pataas. Kung ikokompara ang ayos niya ngayon ay napakalayo sa madalas niyang gayak sa Las Vegas. Oftentimes, she was wearing dresses that emphasized her gorgeous body in Las Vegas. Paired them with stilettos--- outfit that models wear most of the times.
Sino ang mag-aakala na nakapagrampa na siya sa ilang malalaking fashion show sa abroad sa itsura niya ngayon? Marahil ay walang sino man ang makakakilala sa kanya na siya ay isa sa modelo ng isang sikat na modelling agency sa ibang bansa.
"Ysabella."
Lumingon siya kay Claire na hindi niya namalayan na nasa kanya na palang tabi. Kasama ito ng isang katulong sa kanilang bahay at naghatid ng meryenda para sa mga nagkokopra.
"Nasa kubo na ang meryenda. Kumain ka na, hija," alok nito sa kanya nang nakangiti.
"Mamaya na lang, Tita. Kayo ho?" tugon niya dito.
"Huwag mo akong intindihin." Napansin niya ang paninitig nito sa kanya. "How are you here? Nakakapag-adjust ka na ba sa mga gawin sa rancho? Ibang-iba sa pagmomodelo, hindi ba?"
Nangiti siya sa tinuran nito. "Oho. Masasanay rin ako, Tita Claire."
Ang ano pa mang itutugon nito ay natigil dahil sa paglapit ng kanyang Uncle Menard sa kanila. Saglit nitong tinitigan si Claire bago siya binalingan.
"Ang kaliwang panig lang ang makukuhanan natin ng mga bunga, Ysabella. Walang masyadong makukuha sa kanang bahagi ng lupain," nag-aalalang wika ni Menard.
"Sapat ba iyon sa pagdadalhan ng supply ng kopra, Menard?" tanong dito ni Claire.
"I am afraid no, Claire," sagot nito. "Maaaring kulangin tayo ng kokoprahin."
"Why is that?" singit niya sa usapan ng mga ito. "Hindi ho ba at mas maraming puno ng niyog sa kanang bahagi ng rancho?"
Parehong natahimik ang dalawa at halos ayaw siyang sagutin. Nararamdaman niya ang pag-aalangan ng mga ito sa pagsagot sa kanya.
"May... may problema ho ba?" tanong niya na pinaglipat-lipat ang paningin sa dalawa.
"Nagkaroon ng... ng sunog sa bahaging iyon ng lupain isang buwan bago ka umuwi, Ysabella," tugon ni Menard.
"Sunog?!" gulat niyang tanong sa mga ito. "Paanong nagkasunog? At bakit hindi ko ho ito alam?"
"That was the reason why I called you to go home, hija. Hindi maganda ang nangyayari sa Rancho Estrella," saad ni Claire at tinitigan ang kanyang Uncle Menard. Napansin niya ang matalim nitong tingin sa kanyang tiyuhin.
"Paanong nag-umpisa ang sunog, Uncle?" usisa niya pa dito.
"Hindi rin namin alam, hija. Malalim na ang gabi noon nang mapansin ni Antonio ang apoy," tukoy nito sa isang tauhan ng kanilang rancho. "Naagapan naman ito ngunit may mga nadamay na mga puno."
Paanong hindi niya iyon napansin nang maglakad-lakad siya noong isang araw?--- Sapagkat sa bahagi kung saan matatagpuan ang kamalig ang pinuntahan niya.
"I wanna see it." Her words were spoken with firmness.
Sakay ng owner-type jeep ng tiyuhin ay pinuntahan nila ang kanang bahagi ng Rancho Estrella. Wala pang limang minuto ay nasa bahagi na sila kung saan nagkasunog.
Ysabella was horrified to realize what happened. Ilang puno din ng niyog ang napinsala dahil sa nangyaring sunog. Ang ilan ay hindi naman naabot ngunit bakas ang kulay itim na dulot ng apoy. Apoy na nahihinuha niyang madaling nagsimula dahil sa hindi naman tag-ulan. Madali nitong nakapitan ang mga tuyong dahon na nagkalat sa lupa.
"Why did it happen?" She asked the question more to herself. Kung nabubuhay lamang ang kanyang Lolo Victor ay nasisiguro niyang manlulumo ito sa nangyari. Her grandfather loved this ranch so much. Nararamdaman niyang naiwan na ng abuelo ang puso nito sa lupaing ito. And seeing the place right now, she is sure her lolo would be devastated if he happened to be still alive.
"Wala ho bang nasaktan?" nag-aalala niyang tanong.
"Wala naman, hija. Gabi iyon. Wala ng trabahador noon dito," her Tita Claire answered.
"Did you have this investigated?" tanong niya pa sa mga ito.
Napayuko si Menard at hindi makatitig sa kanya ng diretso.
"Nang gabing napansin ni Antonio ang sunog ay agad siyang nagpaabiso sa bahay." Si Claire ang tumugon sa kanya. "Nadaluhan naman ito agad kaya hindi na kumalat pa. At..." Hindi nito itinuloy ang sinasabi.
"At? What, Tita Claire?" she anticipated for her next words.
Tumingin muna ito kay Menard bago itinuloy ang sinasabi. "At natagpuan dito ang lighter ng Uncle Menard mo."
"Lighter?" Napabaling siya sa kanyang Uncle Menard.
"It was a chrome lighter, hija. With windproof design and metal construction. Mamahaling brand iyon at regalo lamang sa akin---"
"Ako na ang nagdesisyon na huwag na ireport ito sa mga inuukulan, Ysabella," putol ni Claire sa iba pang sasabihin ni Menard. "Or else your Uncle Menard would have been the primary suspect. Since wala namang may ganoong lighter sa mga tauhan natin. Idagdag pa na mamahalin ang brand na iyon. They can't even afford to spend that much just for a lighter."
"What---?"
"Believe me, Ysabella. I will never do such thing," pagsusumamo ng kanyang tiyuhin sa kanya.
Hindi na ito sinagot ni Ysabella. Gusto niya itong paniwalaan. Malapit ang kanyang Uncle Menard sa kanyang lolo at lola. And she is sure that he can never do things like this.
Hindi nga ba? Or so she thought?
*****
"HINDI ka ba muna kakain, Senyorito?" tanong ni Nana Corazon sa kanya.
Kaninang madaling araw lang siya nakabalik sa Rancho Olvidares. Dahil siya ang nakipag-meeting sa kliyente ng OMC noong isang araw ay kinailangan niya pang ipaliwanag kay Jake kung ano ang napag-usapan nila ni Mr. Calderon.
Kahapon ay pinuntahan niya ito sa kanilang bahay sa Manila. And for the first time, he saw Francheska. Ang babaeng inakala ng kanyang kapatid na kabit ng kanilang ama.
She is beautiful. With an angelic face, with thick eyelashes and expressive eyes. Francheska was unsophisticated unlike with those women that he has dated. Pero hindi na siya magtataka kung bakit nabighani dito ang kanyang kapatid.
And of course, he met his nephew, Lucas. No doubt, he is Jake's son. May ilang larawan si Jake noong sanggol pa ito na aakalain mong si Lucas sa unang tingin.
Nagbiro pa siya sa kapatid kung maaari niyang dalhin ang bata dito sa rancho. Natawa na lang si Vincent sa naging reaksyon nito.
"Bakit, hijo?"
Napatingin siya kay Nana Corazon. Hindi niya namalayan na napapangiti na siya habang inaalala ang nangyari kahapon nang dalawin niya ang kapatid at ang mag-ina nito.
"I just remembered something, Nana," sagot niya dito. "Tutuloy na ho ako sa kural ng mga hayop."
"Hijo," muling tawag nito sa kanya nang akmang lalabas na siya. "Napadaan dito kahapon ang may-ari ng kabilang lupain, si Menard."
Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya kilala ang pangalang binanggit nito. "Bakit daw ho, Nana?"
"Nangangailangan sila ng ilan pang karagdagang kokoprahin. Nakiusap si Menard na kung maaaring mag-angkat ng ilang bunga ng niyog dito sa atin, Senyorito. Kulang ang mga nakuha nilang bunga para koprahin. Alam naman natin na may regular na pinagdadalhan ng mga kopra ang kabilang rancho. At kukulangin sila ng isu-supply dahil sa nangyaring sunog sa kanilang lupain."
He knew about it. Nasa Rancho Olvidares siya nang mangyari ang sunog sa kabilang lupain. Dahil tag-araw at marami ang tuyong dahon sa lupain ay madaling nag-apoy doon. Ilan sa mga tauhan na rin nila ang tumulong sa pag-apula ng apoy dahil ang bahaging iyon ng lupain ay ang bahagi kung saan makikita ang bakod na naghahati sa dalawang rancho.
Naapula naman agad ang apoy ngunit ayon sa kanilang mga tauhan ay naapektuhan ang ilang puno doon. Kung ano man ang naging sanhi ng sunog ay hindi na nila nalaman pa.
"Sige ho. Kakausapin ko itong... Menard?"
"Opo, Senyorito. Pamangkin siya ni Mr. Dominguez. Ang alam ko ho isa na siya sa namamalakad sa Rancho Estrella ngayon. Katulong niya ang nag-iisang apo ni Mr. Dominguez."
Ang nais na pagpunta sa kural ng mga hayop ay saglit na nakalimutan ni Vincent. Tuluyan nang nakuha ng matandang kausap ang buong atensyon niya. Muli ay humakbang siya palapit dito.
"Apo?"
"Oho. Narinig ko sa mga tauhan natin na nagbalik na ang apo ni Mr. Dominguez mula sa ibang bansa. Naku, eh sa kanya na ho nakapangalan ang kabilang rancho ngayon. Sa kabilang rancho din lumaki si Ysabella bago pa siya nagpunta sa ibang bansa kaya marahil ay hindi siya mahihirapan pangasiwaan ang lupain ng kanyang abuelo."
"Ysabella." The name slipped out of his lips as a soft whisper.
Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng antipasyon na muling makita ang batang nakausap niya ilang taon na ang lumipas. Ano na ba ang itsura nito ngayon? Did she grew up as lovely as her name? Or may kapilyahan pa rin ba ito?
So, sa kanya na pala nakapangalan ang kabilang rancho. A woman rancher, huh? Now that sounds interesting.
"Ako na ho ang kakausap sa mga taga kabilang lupain," wika niya kay Nana Corazon. A mischievous smile is playing on his lips.