CHAPTER 3

1647 Words
CHAPTER 3 "Sa susunod na linggo ay uumpisahan na natin ang pagkokopra dito sa rancho, hija," her Uncle Menard informed her the next day. Pagkarating niya kahapon sa rancho ay nadatnan niya sa bahay ang kanyang Uncle Menard at Tita Claire. Kapwa pa nagulat ang mga ito sa pagdating niya. Si Claire ay nag-alala nang malaman na hindi man lang siya nagpaabiso na darating para daw sana ay nasalubong siya sa airport. Pagkatapos kumustahin ang mga ito at maghapunan ay nagpahinga na siya sa sariling silid. She missed the place where she grew up. Napagtanto niya na iba pa rin talaga ang pakiramdam nang nasa rancho kaysa noong nasa Las Vegas pa siya. At ngayon nga ay kasama niya ang kanyang Uncle Menard upang pag-aralan ang pasikot-sikot ng pamamahala sa rancho. Sa malaking lupain ng kanyang lolo, malaking porsiyento nito ay niyugan. Nasa elementarya na siya nang mag-umpisang magtanim doon ng mais ang mga tauhan nito. Kasabay niyon ay ang pag-aalaga ng mga hayop sa kanilang rancho. Ang lolo niya, sa tulong ng kanyang Tita Claire, ay kumuha pa sa ibang bansa ng ilang magagandang breed ng kabayo. Napansin niya rin kanina habang naglalakad sila ng tiyuhin ang ilang kambing at baka na nanginginain sa damuhan. She felt happy knowing na hindi pinabayaan ng kanyang Uncle Menard at Tita Claire ang lupain kahit pa nasa ibang bansa siya sa loob ng ilang taon. "Thank you, Uncle," wika niya dito nang nakangiti. Nagpapasalamat siya nang lubos sa pag-aasikaso nito ng rancho habang nasa Las Vegas pa siya. Lumingon ito sa kanya at gumanti ng matamis na ngiti. "Alam mong malaki ang utang na loob ko kay Uncle Victor. That was why I am doing this." She smiled to him again. "How is your business in Manila anyway, Uncle?" pag-iiba niya ng usapan. Ang kanyang Uncle Menard ay may isang restobar sa may Quezon City. Noong kabataan ng kanyang tiyuhin ay parte ito ng isang banda. Na kalaunan ay ang nag-udyok dito na magtayo ng isang restobar at doon ay nagtugtog kasama ng mga kabanda nito. Ngayong may edad na ito ay pinapamahalaan na lamang nito iyon at isang bagong usbong na banda na ang umaawit doon." "It is doing fine, hija," sagot nito sa kanya. Mayamaya pa ay nagpaalam na ito at nag-aya na sa kanya na bumalik na sa bahay. But she decided to take a stroll. Nagpaiwan siya sa tiyuhin at naglakad-lakad sa kanilang lupain. Sa tagal ng panahong nawala siya dito ay nais niya munang makita ang buong lugar. Nagtataasang mga puno ng niyog ang nasa paligid niya. Alas-diyes na ng umaga at mataas na ang sikat ng araw ngunit dahil sa mga puno ng niyog ay hindi niya maramdaman ang init ng sikat ng araw sa kanyang balat. Sa kanyang paglalakad ay nakarating siya sa may kamalig. Sa maraming pagkakataon ng kabataan niya ay naging 'playground' niya ang lugar na iyon. She smiled at the thought. Madalis rin na doon siya tumatakbo kapag napapagalitan siya ng kanyang lolo noon. Lumaki siyang masasakitin ang kanyang lolo. Ngunit sa kabila niyon ay hindi nito napapabayaan ang pamamahala ng ranchong ito. Maging sa pagtanda nito ay masyado itong maasikaso sa rancho na itinayo nito kasama ang kanyang Lolo Estrella. Unti-unti ay naglakad siya palapit sa kamalig. Dahil sa hindi pa nag-uumpisa ang pagkokopra ay walang trabahador na andoon. Mga tuyong dahon ang kanyang mga naaapakan sa daan. Iginala niya ang paningin sa paligid. Halos wala ding nabago sa lugar sa kabila ng halos dalawang taong pamamalagi niya sa ibang bansa. Until her gaze went on the right side of the barn. From her peripheral view a while ago, nakita niyang may gumalaw sa likod ng mga mayayabong na halaman na andoon. At ang pakiramdam na may nagmamasid sa kanya ay ang nakapagpalingon kay Ysabella. Slowly, she walked towards there. "May tao ba d'yan?" tanong niya nang makalapit, ilang hakbang mula sa gilid ng kamalig. Walang sumagot. Posible kaya na kung anong hayop ang andoon? Pero hindi maaari. Ang lupain nila, maski ang katabi nilang rancho, ay hindi pinamumugaran ng mababangis na hayop. Kaya malakas ang loob niya na maaaring may tao sa gilid ng kamalig. She stepped closer again. Sa muling hakbang ni Ysabella ay mga inipong tuyong dahon ang nandoon. Malamang ay inipon para sigaan. Ngunit sa muli niyang apak doon ay isang tili ang nanulas mula sa kanyang bibig. Bumagsak si Ysabella sa isang hindi kalakihang hukay na natatakpan ng manipis na tabla, saka pinatungan ng mga tuyong dahon. "Oohh. . ." daing niya saka sinapo ang kanyang balakang. Saglit niya pang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Nagbagsakan sa kanyang katawan ang mga tuyong dahon. "Aray." She looked at her legs. Naroon ang ilang galos na marahil ay nagmula sa tablang nabali dahil sa pagkakaapak niya. Napatingala si Ysabella at unti-unti ay tumayo. Ang hukay na kanyang kinabagsakan ay abot sa kanyang balikat. "What is this?" aniya sa sarili. ***** "BAKIT hinayaan ka ni Menard na magtungo mag-isa sa kamalig, Ysabella?" nagagalit na wika ni Claire sa kanya nang makauwi siya. Pagkauwi niya mula sa kamalig ay nadatnan niya sa bahay si Claire. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita ang ilang galos sa binti niya. Naikwento niya dito kung ano ang nangyari sa kanya kanina. "Nauna na ho umuwi si Uncle Menard. It was my decision to go to the barn," aniya sa tiyahin. "Nais ko sanang mag ikot-ikot sa buong rancho, Tita Claire." "Kahit na," wika pa nito, saka inipon ang lahat na nagamit na bulak na may alcohol. Nagprisinta itong gamutin ang mga sugat niya. "Alam naman ng Uncle Menard mo na kararating mo lang---" "Tita Claire," putol niya dito. "Hindi naman ako bago sa lugar na ito. I grew up here." "Dapat ay inuwi ka niya muna dito sa bahay, hindi iyong pagkatapos ninyong mag-ikot ay basta na lamang siyang umalis." Ayon kay Claire, pagkabalik sa bahay ni Menard ay umalis din ito agad gamit ang sariling sasakyan. Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ito. "Hinayaan ka niya na pumuntang mag-isa sa kamalig na para bang---" Sadyang ibinitin nito ang sinasabi bago tumitig sa kanya. "What are you trying to say, Tita?" usisa niya dito. "Wala naman ganoong hukay nang hindi ka pa umuuwi, Ysabella. Alam mo namang ligtas ang lugar na ito, maging ang katabi nating rancho, mula sa mababangis na mga hayop. So, there was no need to make a trap like that." Ayaw niyang bigyang pansin ang nais ipahiwatig ng kanyang tiyahin. Oo at alam niyang ligtas ang lupain ng kanyang abuelo. But she does not want to entertain the idea that someone made that trap intended for her. At mas lalong ayaw niyang ilagay sa isip ang ideyang sinadya siyang dalhin at hinayaan ng kanyang Uncle Menard na baybayin niya ang daan patungong kamalig. Why would he do such thing anyway? "B-baka naman po may mga nagkatuwaang bata lamang. Mga anak ng trabahador natin," giit niya pa. Tumayo si Claire mula sa kanyang tabi at ilinagay sa basurahan ang mga nagamit na bulak. "I don't know. Malayo ang kamalig sa bahay ng mga trabahador, hija." Bago pa man pumanaw ang kanyang lolo ay binigay nito ang maliit na bahagi ng Rancho Estrella sa mga matatagal na nilang tauhan. Parte iyon ng lupain na matatagpuan sa dulo ng maisan. At tama ang Tita Claire niya, that was too far from the barn. "Maaaring nagkataon lang, Tita. Kakausapin ko na lamang ang mga trabahador bukas," wika niya. Tumayo na siya mula sa sofa at nagbalak nang pumanhik sa kanyang silid. Nananakit ang kanyang balakang sa hindi sinasadyang pagkahulog kanina. "Papanhik muna ako sa aking silid, Tita," paalam niya dito. "Ysabella." Nasa bungad na siya ng hagdan ng tawagin siya ni Claire. Lumingon siya dito at matamang tinitigan ang matandang babae. Matangkad si Claire. Sa edad nitong limampu't isa, sa kabila ng ilang kulubot sa balat, ay kababakasan pa rin ito ng ganda. And she wondered why all these years ay hindi ito nakapag-asawa. Ni wala siyang natatandaang nagkaroon ito ng relasyon kanino man. She worked hard to help her Lolo Victor to manage the ranch when her Lola Estrella died. Hindi lang oras at panahon nito ang ilinaan para sa rancho. Alam niyang pati ang puso ay ilinaan na ng matanda para sa Rancho Estrella. Kaya naman ng basahin ng abogado ng Lolo Victor niya ang huling habilin nito ay ikinagulat niya pa kung bakit wala man lang parte ng rancho ang iniwan para kay Claire. Ang Rancho Estrella ay iniwan sa kanya bilang nag-iisang apo, maliban sa ikapat na bahagi na iniwan ng kanyang lolo sa kanyang Uncle Menard. Alam niyang hindi nila kamag-anak si Claire. Ngunit ang dedikasyong ibinigay nito para sa buong lupain ay sapat na rason upang kahit papaano ay ipaubaya dito ang ilang porsiyento ng rancho. She tried telling those to her grandfather's lawyer. Ngunit inawat siya ni Claire. Ayon dito ay sapat na umano ang perang iniwan ng lolo niya para dito. Idagdag pa ang prebilehiyo na manatili sa bahay ng abuelo at magtrabaho sa rancho. Iniwanan ito ng kanyang Lolo Victor ng pera na ang halaga ay sapat na, o mas tamang sabihing higit pa para makapamuhay si Claire nang maalwan kahit pa ilang taon ito hindi magtrabaho. Lalo na kung sa matalinong paraan nito gagamitin ang pera. But Ysabella disagreed with the thought. She believed na may karapatan din si Claire kahit sa maliit lang na bahagi ng Rancho Estrella. "Sa susunod, mag-ingat ka na." Narinig niyang wika nito na pumutol sa daloy ng isip niya. "Baka hindi na lang ito ang abutin mo sa susunod na pag-ikot mo sa rancho." Kunot-noong tinitigan niya ito. Nasa tono nito ang babala para sa kanya. Sa huli ay ngumiti siya sa tiyahin at umusal na lamang ng pasasalamat bago tuluyang pumanhik sa kanyang silid. Sinundan na lamang siya ng makahulugang tingin ni Claire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD