PROLOGUE
PROLOGUE
Maingat na ipinarada ni Vincent ang kanyang sariling sasakyan sa harap ng kubo sa may kanilang manggahan. Nasa Rancho Olvidares na siya at sa tuwing umuuwi siya dito ay mas madalas siyang naglalagi sa kubong ito.
Ayon sa kanilang ama na si Don Benedict Olvidares ay pinasadya nitong ipagawa ang nasabing kubo. Dito rin daw madalas maglagi ang kanyang ama at magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na gawain sa maghapon sa rancho.
Just like his father, he found this place so peaceful. Kung ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jake ay mas nais manatili sa siyudad at pamahalaan ang kompanyang pag-aari nila sa Manila, siya naman ay mas pinili na ang rancho na ito ang hawakan. He loves the serenity that this place is giving to him.
Lumabas na siya ng kanyang sasakyan at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa may kubo. Sa paglipas ng mga panahon ay marami na rin siyang napaayos dito, though he made sure of it, na naroon pa rin ang kasimplehan ng naturang bahay.
Varnished ang mga kawayan na ginamit nila para sa dingding nito at ang bubong naman ay pinapalitan na niya ng yero. This is his sanctuary and he spent most of his times here than in their house at the ranch.
Pagtapat sa may pinto ay saglit na natigilan pa si Vincent. Ang pinto ay hindi masyadong nakapinid at bahagyang nakabukas pa. Ilang sandaling napaisip siya kung hindi niya ba nailock ang pintuan kaninang pag-alis niya ng rancho.
He remembered he was talking to his brother, Jake, this morning. Dahil sa ibinalita nitong problema sa Olvidares Manufacturing Corporation, ang kompanyang pag-aari nila sa Manila, ay dali-dali siyang lumuwas patungo roon. At hindi na niya maalala pa kung naisara niya ba ang pinto ng kubo.
He opened the door widely and stepped inside of it. Balot na ng dilim ang loob nito at ang liwanag lamang na galing sa buwan na pumapasok sa bintana ang tanging nagbibigay ilaw sa loob ng bahay.
Ilinapag niya sa silyang naroon ang bag na kanyang dala at nagtuloy na sa maliit na silid ng kubo. Isang kawayang dingding ang nagsisilbing dibisyon ng silid mula sa pinakasala nito. Ang paglalagay ng silid sa kubong iyon ay ideya niya na rin. Noon ay walang dibisyon ang buong bahay. Pagpasok mo ay makikita na agad ang apat na sulok nito. Sadyang pinagawa lamang talaga para pahingaan ng kanyang ama noon. But since he considered this as his sanctuary, he decided to make a room for himself.
He switched on the light.
Muli ay natigilan sa may hamba ng pintuan si Vincent. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang bulto ng isang babae na nasa pandalawahang papag na nalalatagan ng manipis na kutson. Nakadapa ito at nakabitin pa ang isang kamay sa may sahig. Ang mukha nito ay nakaharap sa kanya ngunit natatabunan ng ilang hibla ng buhok nito.
He walked closer. Who is this woman at ano ang ginagawa nito sa loob ng teritoryo niya?
Sa loob ng halos dalawang taong pamamahala niya sa Rancho Olvidares mula nang mamatay ang kanilang ama ay ngayon niya lang nakita ang babae. At nakasisiguro siyang hindi ito anak ng isa sa mga tauhan nila sa rancho. No one will ever dare to step inside his sanctuary. Idagdag pa ang makinis at maputing kutis ng dalaga na nahihinuha niya na hindi kailan man nagtrabaho sa ilalim ng arawan.
"Miss. . ." marahang gising niya dito. Bahagya niya pa itong niyugyog para gisingin. "Miss."
Isang ungol ang narinig niya mula sa dalaga at bahagyang gumalaw. A muffled groan escaped from her lips. Vincent looked at her intently, wari ba ay may iniinda itong sakit.
"Miss. . ." muli niyang gising dito sa banayad na tinig.
Sa puntong iyon ay tumihaya na ang babae, sa laking gulat ni Vincent. Sa kaliwang kamay nito na nadadaganan ng dalaga kanina ay bakas ang sariwang dugo na umaagos.
"Hmmm. . ." ungol ng dalaga na marahil ay dahil sa sakit na nadarama.
"s**t!" Vincent hissed abruptly at dali-daling dinaluhan na ang babae.