CHAPTER 6 Kanina pa nakatayo sa may teresa ng kanyang sariling silid si Ysabella. Nakatanaw siya sa malawak nilang bakuran. Hindi siya dalawin ng antok dahil sa dami ng kanyang iniisip. Lalong-lalo na ang naging problema ng rancho, ang tungkol sa nangyaring sunog. Was there a foul play? May nangyari nga bang ganoon? Pero bakit? Sa anong dahilan? Hindi niya gustong bigyan ng kahulugan ang anggulong nagtuturo sa kanyang Uncle Menard. Pero natagpuan sa pinangyarihan ng sunog ang lighter na pag-aari nito. Lighter na pinaniniwalaan ni Claire na pinagmulan ng sunog. Her Uncle Menard is a sensible man. Ni wala siyang nabalitaan na may naging kaaway ito o naging marahas sa ano mang dahilan. Lagi na ay mahinahon ito at pasensyosong kausap. Kaya hindi matanggap ng utak niya na maaaring kasalanan