CHAPTER 29 Matulin na lumipas ang dalawang linggo at sa bahay na nga ng mga Dominguez nagsimulang manuluyan si Claire mula nang mamatay ang mga magulang niya. Masaya siya at kontento sa atensyon na ibinibigay sa kanya ni Estrella. She really treated her like her own child. At wala siyang mairereklamo pagdating sa kung ano ang ipinapakita nitong pakikitungo sa kanya simula nang tumira siya sa poder ng mga ito. Kumpara sa asawa nito na si Victor ay mas magiliw sa kanya si Estrella. Kailan man ay hindi siya pinagmalupitan o pinakitaan ng hindi maganda ni Victor ngunit hindi rin naman siya nito pinagtuunan ng pansin katulad na lamang ng binibigay sa kanyang atensyon ni Estrella. Kailan man ay hindi ito naging magiliw sa kanya. Sapat na dito na nasa bahay siya at kasa-kasama ng asawa nito. At