CHAPTER 30 Several years ago. . . Napuno ng buhay at galak ang buong Rancho Estrella dahil sa pagdating ni Herietta, ang nag-iisang anak nina Estrella at Victor Dominguez. Hindi man naging madali ang pagdadalang-tao ni Estrella sa unang pagkakataon ay masaya pa rin ang mag-asawa na sa wakas ay biniyayaan sila ng Diyos ng isang anak. At dahil sa may edad na nga nang magsilang ng sanggol si Estrella ay halos manganib ang sariling buhay nito sa mismong araw ng pangangak nito. Kaakibat din niyon ay ang pagkakaroon ng komplikasyon sa kalusugan maging ng bata nang ilinuwal ito. Herietta was diagnosed with congenital heart disease since the day that she was born. At dahil sa kalagayan nito ay mas dumoble pa nga ang atensyon na binibigay dito nila Victor at Estrella. Lahat ng mga makabubuti pa