CHAPTER 28 (FLASHBACK) Several years ago. . . . . "Bakit hindi ka pa pumasok sa loob ng aming bahay, hija? Bakit narito ka lang sa labas?" malumanay na wika ni Estrella sa batang kanyang kaharap na si Claire. Mag-isa lang itong nakatayo sa labas ng kanilang bahay. Papadilim na at halos wala na ring tao sa harap ng kanilang buong solar. Pinagmasdang maigi ni Estrella ang batang si Claire. She was eight years old, if she was not mistaken. Matangkad ito ngunit may kapayatan lamang ang katawan. Ganoon pa man ay masasabi niyang magandang bata ang nasa kanyang harapan ngayon. Parang dinudurog pa ang puso ni Estrella habang nakatitig siya sa hitsura nito. Ang mga mata nito ay halata na may mga luha na pinipigilan lamang nito na huwag pumatak. Alam niyang iniiwasan nitong mapaiyak sa kanyang