CHAPTER 36 Pinakatitigan nang mataman ni Ysabella ang mukha ni Claire, na wari ay wala na sa sarili nito habang tumatawa. "Ngayon ay alam ko na kung bakit kailan man ay hindi ka nagawang mahalin ng aking papa. You are never worthy of his love. Even his attention. Ngayon ko nasisiguro na hinding-hindi mo mapapantayan man lang ang aking ina," saad niya kay Claire. Dahil sa mga sinabi niya ay natigilan ito at galit na galit na humarap sa kanyang kinaroroonan. Inilang hakbang lamang nito ang kaunting distansiya sa pagitan nilang dalawa saka siya binigyan ng isang malakas na sampal sa kanyang kanang pisngi. Ysabella's face was tilted because of what she did to her. Napangiwi pa siya dahil sa sakit na dulot ng sampal na iginawad nito sa kanyang pisngi. Halos malasahan niya pa ang lasang kala