CHAPTER 37 Unti unti ay iminulat ni Ysabella ang kanyang mga mata. Bahagya pang nananakit ang kanyang katawan ngunit kahit papaano ay naibsan na iyon. She looked around her. Nasa loob siya ng isang silid at nakahiga sa isang pang-isahang kama. Hindi na niya kailangan pang manghula kung nasaan ang kanyang kinaroroonan ngayon. From the look of it, alam niya na nasa loob siya ng silid sa isang ospital. Muli niyang iniikot ang kanyang mga mata sa kanyang paligid. Mag-isa lamang siya sa loob ng silid na iyon at wala ni isang kasama. May dextrose pa na nakakabit sa kanyang kamay na hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang hapdi dahil sa higpit ng pagkakatali ng lubid doon. Kahit hindi niya tingnan ay alam niyang may pasa siya roon. Agad na namuo ang mga luha sa kanyang mga mata at mariin na