CHAPTER 35 PRESENT TIME: "Hindi lang isang beses na inilapit ko ang aking sarili kay Manuel noon, Ysabella," patuloy sa pagsalaysay ni Claire. Nagniningning na ang mga mata nito sa mga luha na alam niyang pinipigilan lamang nito na huwag tuluyang pumatak. "Inintindi ko siya noon. Hinayaan ko siya na patuloy na magluksa para sa isang babaeng kailan man ay alam nating lahat na hindi na magbabalik pa." Ysabella also wanted to cry that time. She was also too close on bursting in tears. Pero pinili niya na magpakatatag at huwag siyang lamunin ng kanyang emosyon. Kailangan niya na mag-isip ng paraan para makuha ang loob ni Claire at nang magbago ang isip nito. Na itigil na nito ang mga balak gawin sa kanya. "Ginawa ko ang lahat para mapakita kay Manuel na karapat-dapat akong babae para sa ka