CHAPTER 38 Nakaupo si Ysabella sa kama at nakasandal ang kanyang likod sa headboard nito. Kahit papaano ay maayos na ang kanyang pakiramdam sa kabila ng lahat ng mga nangyari. Siguro ay dahil na rin sa panatag na ang kanyang loob na alam na niya na pagbabayaran na ng kanyang Tita Claire at maging ni Mang Antonio ang mga kasalanan ng mga ito. Lalong lalo na ang ginawa nitong pagpatay sa kanyang ama noon. Kanina pa umalis si Vincent. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ng binata kanina ay muli nang naligalig si Ysabella. Pilit niyang iniisip kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng mga sinabi nito. Hanggang ng mga sandaling iyon ay laman pa rin iyon ng isipan ni Ysabella. Alam niya na bukal sa loob nito ang pagtulong na ginawa sa kanya. Nararamdaman niya sa kilos at pananalita nito ang sobra