CHAPTER 39 Sandaling natahimik si Luis sa kanyang harapan. Mataman lamang nito na pinagmasdan ang kanyang mukha. Kahit magaling na ang kanyang mga pasa ay alam niya na kahit papaano ay may kaunting bakas pa iyon dahil na rin sa kaputian niya. Ysabella heaved out a deep sigh. Naglakad siyang muli pabalik sa tagilirang bahagi ng kanilang bahay kung saan naroroon ang kanilang hardin. Luis followed her. Naramdaman niya ito na naglakad sa kanyang likuran. Tahimik lang nitong pinagmamasdan ang bawat niyang galaw. Hanggang sa naupo si Ysabella sa isang upuang bakal na nasa harap ng pabilog na mesa, na katulad nito ay gawa rin sa bakal. "Take a seat, Luis," alok niya sa binata sabay turo sa upuan na nasa kanyang harap. Pero hindi ito natinag sa kinatatayuan nito. Sa halip ay nakatayo lamang i