CHAPTER 18 Tinupad ni Ysabella ang mga sinabi niya kay Vincent kanina bago sila umalis ng bahay ng mga Olvidares. She just watched them training the horses. Ni hindi niya inabala ang mga ito. And looking at them, lubhang mailap nga ang isang kabayo na dinala sa Rancho Olvidares nang nakaraang araw. Naroong naghuhurumentado pa ito sa tuwing hahawakan ng mga tauhan ng Rancho Olvidares. No one of them succeeded to ride the horse, maging si Vincent pa man. Nang dinala ng mga ito ang mailap na kabayo sa malawak na damuhan upang muling subukang sakyan at paamuhin ay nagpaiwan na si Ysabella sa malapit lamang sa may kwadra. Anu at ano pa man ay ayaw niyang makaistorbo sa mga ginagawa ng mga ito. Lalo pa at tama si Vincent sa tinuran nito kanina. Napapansin niya nga ang mga tingin ng mga tauhan