CHAPTER 17 Pagdating nila sa bahay ng mga Olvidares mula sa kural ng mga hayop ay agad na nagpahanda si Vincent ng mga pagkain kay Nana Corazon. Mas pinili niya na ipahain ang mga iyon sa may patio ng kanilang bahay. Doon niya iginaya si Ysabella at pinaupo sa isang silyang naroon. Pagkatapos mailapag ang mga pagkain ay agad niyang kinuha ang bandehado ng sinangag at naglagay sa pinggan na nasa harapan ng dalaga. Sunod ay ilang piraso ng ham at bacon naman ang idinagdag niya sa plato nito. Akmang maglalagay pa siya ng isang itlog nang awatin na siya ng dalaga. "Vincent, I told you I am done eating---" "Ayon kay Nana Corazon ay nagkape ka lang bago ka sumama kay Bettina," sansala niya sa mga sasabihin pa sana nito. "Oh my God, si Bettina nga pala!" wika ni Ysabella pagkaisip sa dalagit