CHAPTER 19 Gabi na at nakahiga na si Ysabella sa kanyang kama. Nasa loob na siya ng silid na inookupa niya sa bahay ng mga Olvidares. Ang silid na iyon ay halos kasinglaki lang din naman ng silid na meron siya sa Rancho Estrella. May malaking kama at may sarili na ring banyo iyon. But comparing the two rooms ay mas moderno ang kanyang silid na nasa Rancho Estrella kaysa sa silid na kinaroroonan niya sa ngayon. But nevertheless, both rooms are comfortable for her. Kung sa ibang pagkakataon ay ituturing niya na talagang bakasyon ang pananatili niya sa rancho na ito. It was so peaceful, with fresh air at magandang bahay na nagpapaalala sa kanya ng sinaunang panahon. At ang sarap sa pakiramdam na manatili sa ganoong lugar. But her stay here was different. Dahil iyon sa madalas niyang pakiki