CHAPTER 2
Twelve Years Later:
"You really need to be home, hija. It is the right time na pamahalaan mo na ngayon ang ranchong iniwan ng iyong Lolo Victor sa iyo," narinig ni Ysabella na wika ng kanyang Tita Claire sa kabilang linya.
Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa kanyang dressing room kasunod ang kanyang personal assistant na si Tinay--- who is actually Christian in real life. Hindi lang ito personal assistant sa kanya kung hindi isa na rin ito sa mga naging malapit sa kanya sa panahon ng pananatili niya sa lugar na iyon.
Katatapos lang ng isang fashion show na kinabibilangan niya kung saan mga wedding dresses ang kanyang inirampa kasama ang ilan pang modelo na nasa ilalim ng pangangalaga ni Jelle Pennington, ang kanyang manager.
Bitbit ang laylayan ng wedding dress na suot niya ay nagtuloy na siya sa harap ng isang malaking vanity mirror. Habang nasa tainga niya pa ang aparato ay tinatanggal naman ng PA niya ang belo na nakakabit pa sa kanyang buhok.
It was a successful fashion show held in one of the biggest stadiums in Las Vegas. Ang nasabing fashion show ay pinangunahan ng isa sa pinakasikat na fashion designer sa bansang Belgium, na ngayon ay gumagawa na ng ingay sa Las Vegas--- si Blessen Leliaert.
After graduating in college, Ysabella decided to go to Las Vegas, sa kanyang Tita Amelia. Nakababatang kapatid ito ng kanyang ama. She was there only for a vacation. Kasama niya si Amelia sa pamamasyal sa isang mall roon nang lapitan siya ni Jelle Pennington, a gay who handles ramp models.
Ysabella has a fair complexion, tall in her five feet and eight inches height, with slim body na pasok na pasok na mga katangian para sa isang modelo. Idagdag pa ang kanyang magandang mukha na hindi lang ilang lalaki ang nahuhumaling.
Una pa lang ay inilahad na ni Jelle ang pagnanais nito na kunin siya bilang isa sa mga modelong hawak nito.
Pagkatapos siyang bigyan ni Jelle ng isang calling card at alukin ng pagiging modelo ay isinangguni niya muna iyon sa kanyang Tita Amelia. Noong una ay labag dito ang pagpasok niya sa mundo ng pagmomodelo. Lalo pa at dapat talaga ay babalik pa siya ng Pilipinas. But in the end, she supported her.
Pagkatapos ng isang subok niya sa pagrampa ay ilang ulit pa siyang napasama sa ilang fashion show. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na nagkaroon na siya ng kontrata sa ilalim ng pangangalaga ni Jelle Pennington. Naging dahilan iyon upang ang isang bakasyon ay nauwi sa pananatili doon ng mas natagal. Namalayan na lamang ni Ysabella na ang pagmomodelo na ang naging stable niyang trabaho pagkatapos niya ng pag-aaral sa kolehiyo.
She was enjoying it, actually. Maliban sa nakakapagod na schedule ay masaya siya sa ginagawa niya. Nakatutulong pa siya sa tiyahin na nagkakaedad na rin.
Dahil sa pagiging abala sa kanyang trabaho ay minsanan na lamang siya nakakauwi ng Pilipinas, partikular sa rancho na pag-aari ng kanyang abuelo.
Pagkalipas ng isang taon at walong buwan nang siya ay maging modelo ay pumanaw ang kanyang lolo, si Victor Dominguez. And that was three months ago. She went home in the Philippines. At noon niya lamang muling nasilayan ang kanyang Tita Claire.
Claire Santillan was her grandparents' adopted child. Hindi man legally, ngunit palaki ito ng Lolo Victor at Lola Estrella niya. As far as she knew, anak si Claire ng isa sa mga tauhan nila sa rancho noon. Nang mamatay ang mga magulang nito sa aksidente ay kinupkop na ito ng kanyang lolo at lola. Pinag-aral ito hanggang makapagtapos ng kolehiyo at ngayon nga ay katu-katulong niya ito sa pamamahala sa kanilang rancho--- together with her Tito Menard, ang pinsan ng kanyang mama.
"Hija," muling wika ni Claire mula sa kabilang linya dahilan para maputol ang paglakbay ng kanyang diwa.
"Hindi ko pa po alam, Tita. I will check my schedule," sagot niya dito sa banayad na tinig.
"Kailangan ka dito sa Rancho Estrella. Alam mo naman na sa iyo na ngayon nakapangalan ng rancho na ito, hija," pamimilit pa nito sa kanya.
She swallowed a lump in her throat. Since her grandfather succumbed to death three months ago, sa kanya na naiwan ang pamamahala ng buong rancho. Umuwi siya noon para sa huling sandali ng kanyang abuelo. Paglipas ng isang buwan ay kinailangan niya nang bumalik sa Las Vegas para sa mga nabinbing kontrata. She left the whole ranch to her Uncle Menard and of course, to her Tita Claire. At ngayon nga ay kinukulit na siya ng kanyang Tita Claire para umuwi at mamahala na sa kanilang lupain.
"Sige po. After ng show next week, I will go home, Tita," sa huli ay pagpahinuhod niya dito.
Parang nakikinita niya pa ang pagngiti ng kanyang tiyahin sa kabilang linya dahil sa naging sagot niya. "Thank you, hija. I will wait for you," saad nito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lamang nang malalim si Ysabella pagkatapos magpaalam sa kausap at maibaba ang kanyang cell phone.
*****
TWO weeks after her conversation with her Tita Claire, Ysabella decided to go back to the Philippines. Pagkalapag pa lang ng eroplano sa NAIA ay samo't saring emosyon na ang bumalot sa kanya sa kanyang dibdib.
Her life was in Las Vegas. But she can't possibly forget about the ranch that her family owns. Sa malaon at madali ay siya pa rin ang mamamahala ng kanilang lupain.
Ysabella heaved out a deep sigh. Pagkagaling sa NAIA ay agad na siyang bumiyahe patungo sa Quezon Province kung saan matatagpuan ang malawak na lupain ng kanyang abuelo.
May bahagi sa kanyang sarili na nagsisisi dahil umuwi siya nang hindi man lang ipinaalam sa mga taga-rancho ang kanyang pagdating. Sana man lang pala ay nagpaabiso siya sa mga ito para kahit papaano ay nasundo siya ng ninuman mula sa airport.
But after finishing the last show eight days ago ay nagpasya na siyang umuwi. That last show that she had was the last one on her contract. At kahit pa pinipilit siya ni Jelle Pennington na pumirma ulit ng kontrata sa ilalim nito ay hindi muna niya ginawa.
She wanted to give it a try on running the ranch that is now under her name. And who knows, baka mag-settle na siya sa Rancho Estrella kung sakaling maibigan niyang manatili na roon.
Tirik pa ang araw nang bumaba siya mula sa pampasaherong bus na patungo sa pinakabayan ng San Sebastian. Ang rancho ng kanyang lolo ay matatagpuan sa bayan ng San Sebastian. Mula sa bukana ng kalsada ay ilang metro pa ang distansiya patungo sa kanilang lupain. Swerte na kung may mapadaan na sasakyan patungo sa daang iyon. Sasakyan na kung hindi kaya patungo sa may sa kanila o sa katabing rancho ng kanilang lupain.
But she doubted it. Walang tatahak na pampasaherong sasakyan sa daang iyon kung walang sadya sa lupain nila o sa katabing lupain--- ang lupain ng mga Olvidares.
Hila-hila ang kanyang maleta at bitbit ang kanyang shoulder bag ay inumpisahan na niyang maglakad. While walking, she was trying to call her Uncle Menard. For sure, nasa rancho lang ito at magpapasundo siya sa may bukana ng kanilang lupain. But no one was answering her call.
Matapos makailang ulit sumubok na tumawag ay ipinasya niya na isilid na lamang muli ang kanyang cell phone sa loob ng kanyang shoulder bag. Saka niya ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad.
Nasa parte na siya kung saan nagsanga na ang daan. Isa ay patungo na sa kanila. Ang isa ay papunta naman sa katabing rancho. She stopped from walking and stared to the left road momentarily. Maraming pagkakataon sa kabataan niya ang nakapasok na siya sa lupain na iyon. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay sa may niyugan siya dumadaan. Doon ay ilang barred wire ang nagsisilbing pinakabakod at naghahati ng dalawang lupain.
Dahil sa maliit pa siya noon ay madalas siyang lumulusot sa mga barred wire at walang kahirap-hirap na lumilipat sa kabilang rancho. And she would spent a lot of time there. Maraming trabahador din ang nakakapansin sa kanya at nakakakilala na apo siya ni Victor Dominguez. That was why some of them would allow her to stay there. Paglipas ng ilang minuto ay papayuhan na siya ng mga ito na umuwi na at baka hinahanap na siya sa kanila.
Masaya siyang magpalipas ng oras sa lugar na iyon tuwing walang pasok sa paaralan. Sa ilang pagkakataon ay nakikita niya doon ang matandang lalaki na labis na maasikaso sa kanyang mga tauhan. Maaliwalas ang mukha nito at lagi na ay nakangiti.
Dahil lumaki siyang wala ng ama ay pinangarap niyang magkaroon ng isang amang katulad ng nasa kabilang lupain. Her adoration for him made her believe that he was a father figure.
And she remembered someone promised to her that he would be her father-in-law someday.
Ysabella chuckled softly. Ni hindi niya alam ang pangalan ng lalaking nakausap niya noon. Ni hindi na niya ito nakita pang muli matapos ng pag-uusap nila. Ang insidenteng iyon ay tinatawanan niya na lamang sa tuwing naaalala niya. Some childish memory!
Muli na niyang hinila ang kanyang maleta at tinahak na ang daan patungo sa kanilang rancho. Sigurado siyang may mangilan-ngilang tauhan siyang makikita sa may niyugan at maisan. Maaari niyang hilingin sa mga ito na ihatid siya sa bahay ng kanyang abuelo.