CHAPTER 1
Humihingal pa si Vincent kasabay ng pagtigil ng sinasakyan niyang kabayo mula sa pagtakbo. Unti-unti ay linapitan niya ang kanyang nakatatandang kapatid na sakay pa rin ng puting kabayo at kanina pa siya hinihintay sa lilim sa ilalim ng puno ng niyog.
"Paano ba iyan, Vince? You lost," wika ng disiotso anyos na si Jake, ang kanyang nakatatandang kapatid.
Bumaba mula sa kabayo si Vincent habang nakasimangot ang mukha at naglakad palapit sa may barred wire na nagsisilbing pinakabakod ng kanilang lupain.
He is fifteen but with well-built body just like his brother. Bakasyon at dahil wala ng pasok sa paaralan na pinapasukan nilang magkakapatid ay umuwi silang mag-anak sa Rancho Olvidares. Kaugalian na nila ang pag-uwi sa Rancho Olvidares sa tuwing bakasyon. Silang tatlong magkakapatid ay kapwa sa Manila na nagsisipag-aral. Ang ekta-ektaryang lupain na ito ay minana pa ng kanilang ama mula sa mga magulang nito.
It was one fine afternoon at napagkatuwaan niya at ng kanyang kapatid na si Jake ang magkarera sakay ng mga kabayo na alaga sa kanilang rancho.
Bata pa ay pinaturuan na sila ng kanilang ama kung paano sumakay ng kabayo. At sa kanilang magkakapatid, masasabi niya na siya ang nagmana sa kanilang amang si Benedict Olvidares pagdating sa kagustuhang manatili sa rancho na ito.
He loves the place. Kung siya ang papipiliin dito at kumpara sa Manila, mas pipiliin niya ang manatili na lamang sa rancho.
"You are so unfair, Jake. Si Blink ang gamit mo kaya ikaw ang nanalo," tukoy niya sa kabayong sinasakyan nito.
"And so?" tanong nito sa kanya. Amusement lit his handsome face.
"Alam mo na siya ang pinakamahusay sa mga kabayo dito sa ating rancho. So tell me, how can I win?" himutok niya pa dito.
Nakaloloko itong tumawa sa kanya. "Come on, Vince. Just accept the fact that I defeated you and you are---"
Natigil ito sa pagsasalita nang marinig ang mga yabag ng paparating pa na kabayo. Lulan nito ang kanilang ama na si Benedict. Bigla ay naging seryoso ang mukha ni Jake. For some reasons ay nararamdaman niya ang pagkailag nito sa kanilang sariling ama.
"Kanina pa kayo hinahanap ng inyong ina," wika ni Benedict nang tuluyang makalapit na sa kanila. "Naghanda sila ng meryenda ni Ate Corazon," tukoy nito sa matandang matagal nang katiwala sa kanilang rancho.
Kapwa sila hindi sumagot ni Jake. Kapagkuwan ay nagpatuloy pa sa pagsasalita ang kanilang ama, "Alam kong nagkarera kayong dalawa. And I warned you already, didn't I? Baka mapahamak kayong dalawa sa ginagawa niyo."
"Bata pa lang ay tinuruan niyo na kami mangabayo, Pa. Walang masamang mangyayari sa amin---"
"Kahit na. Ayaw ko na mapahamak kayong dalawa," putol nito sa mga sinasabi niya sa mariin na tinig bago sila kapwa tinapunan ng tingin ni Jake.
Mayamaya ay nagpatiuna na ito sa pag-uwi lulan ng kabayo, na agad namang sinundan ni Jake. Narinig niya pa ang pagtawag ng ama sa kanya at pagbilin na sumunod na siya sa mga ito.
Napabuntong-hininga na lamang si Vincent bago naglakad muli palapit sa kabayo. Akmang sasampa na sana siya sa likod nito nang makarinig siya ng munting kaluskos sa likod ng matataas na talahib.
Napukaw ang kanyang interes dahil sa tunog na kanyang narinig. Kaya sa halip na tuluyang sumampa sa kabayo ay naglakad siya palapit sa mga talahib. Ang parteng iyon ay boundary na ng lupain nila at ng katabi nilang rancho--- ang Rancho Estrella.
Pagkalapit sa matataas na d**o ay bahagya niya iyong tinabing.
"Holy s**t!" gulat na bulalas ni Vincent.
Isang batang babae ang kanyang nabungaran doon. Must be nine or ten years old, he was not sure. Pero sa hinuha niya ay halos kasing-edad lamang ito ng bunso nilang kapatid na si Beatrice.
"W-who... who are you and what are you doing there?" tanong niya dito sa nagtatakang tono.
Napansin niya ang pagkagulat sa mga mata ng bata. Tumayo ito at kunwang pinagpag ang damit sa likuran nito. He noticed her faired skin, na ngayon ay namumula-mula na sanhi ng init ng sikat ng araw.
"I. . . I---" nauutal nitong wika sa kanya.
"Hindi ka taga dito, tama ba? Hindi ka rin anak ng isa sa mga tauhan namin sa rancho," saad niya pa dito.
He was so sure of that. Sa hitsura nito ay halatang anak ng may-kaya.
Lumingon ang bata sa likuran nito at lumampas sa barred wire ang mga paningin. Sinundan ni Vincent ang hinayon ng mga mata ng bata.
"Taga kabilang rancho ka ba? Apo ka ba ni Mr. Dominguez?" tukoy niya sa matandang may-ari ng kabilang rancho.
Alanganin itong tumango bilang sagot sa naging tanong niya. "I am Ysabella."
"And what are you doing here, kid?" susog niyang tanong dito.
Nagdikit ang mga munting kilay nito dahil sa mga tinuran niya. "I am not a kid anymore."
Vincent twisted the corner of his lips in a lopsided smile. What she said a while ago really amused him. "And how old are you para sabihin mo sa akin na hindi ka na bata?" naaaliw niyang saad dito.
"I am ten years old in three months time," tugon nito sa kanya.
He was right after all. Halos magkasing-edad nga ito ni Beatrice. Napahawak siya sa kanyang batok dahil sa sinagot nito.
"So tell me, what are you doing here? Lumampas ka na sa boundary, young lady," saad niya kay Ysabella.
"I always go here. Minsan ay doon pa," turo nito sa isang tumbang katawan ng puno ng mangga. Ang tinuro nito ay ilang hakbang mula sa mga nagkokopra.
"And why?" kunot-noong tanong niya dito.
"Ama mo ang lalaking kausap mo kanina," she said instead of answering him. It was more of a statement than a question.
"Yes. Do you know him?" taka niyang tanong dito.
Naglakad ito palapit sa isang malaking bato at doon ay marahan na naupo. "Yeah. For so many times, I saw him here at your ranch. I adore him, you know."
Tumaas ang isang kilay ni Vincent dahil sa kanyang mga narinig. Linapitan niya si Ysabella at sumandal sa puno ng niyog na katabi lamang ng nakausling batong inuupuan nito.
Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "I wanted to have a father like him. I heard what you were talking about a while ago. He has so much concern for you and the other guy. How I wish I could also have a father like him."
Parang hinaplos ang puso ni Vincent dahil sa nakikitang kalungkutan sa mga mata nito. "Bakit? Hindi ba ganoon ang ama mo?" Dinaan niya sa biro ang kanyang tanong.
"I do not have a father anymore. He died when I was just three years old. And my mom died after she just gave birth to me."
Bigla ay napatayo nang tuwid si Vincent. Hindi niya alam kung bakit bigla ay nakaramdam siya ng simpatya para sa kanyang kaharap.
"Pwede ko ba siya maging ama?" He heard the excitement on her voice as she said that.
"My father? How? That is impossible," kibit-balikat niyang wika dito. "Hindi ba at kasama mo naman ang lolo mo---"
"He is old already. Lagi na ay may sakit si Lolo," putol nito sa kanyang pagsasalita. "He can't even talk to me longer than necessary. Lagi siyang bawal pagurin sabi sa akin ni Tita Claire." Kung sino man ang tinutukoy nito ay hindi niya alam.
"Kaya sa maraming pagkakataon ay gusto ko na lamang maging anak ng tatay mo," narinig niya pa na patuloy nito.
"Which is impossible to happen. Magpapaampon ka ba?" he said mockingly to her.
Saglit itong natigilan at waring nag-isip. Ilang saglit na namagitan sa kanilang dalawa ang katahimikan. At hindi malaman ni Vincent kung bakit naroon pa siya at nakikipag-usap pa sa bata. Dapat ay kanina pa siya sumunod kila Jake at sa kanilang ama. But for some reasons, he still wants to talk to her.
"I know how!" wika nito pagkalipas ng ilang minuto, na para bang na-excite pa ito sa kung ano man ang naisip. "Marry me someday!"
"What?!" mulagat niyang tanong dito.
"Hindi ba? If you marry me someday, magiging tatay ko siya," she said excitedly.
"You are insane, kid," iiling-iling niyang saad dito.
Naglakad na siya palapit sa kanilang kabayo at nagbalak nang umuwi sa kanilang bahay. Naramdaman niyang sumunod ito sa kanyang paghakbang. "Napakabata mo pa para mag-isip niyan."
"Sinabi ko ba na ngayon? Of course, when I grow up," sansala nito sa mga sinabi niya.
"Do you even know what you are talking about?" bahagyang lingon niya dito.
"Of course, I do. Gusto kong maranasan magkaroon ng ama," giit pa nito sa kanya.
"By forcing someone to marry you?" dagdag niya sa mga sinasabi nito.
"I do not have to force you because when I grow up---"
"Hey! You are not even ten yet, for Heaven's sake! Go home, kid."
Hinawakan niya na ang renda ng kabayo at sasampa na sana dito nang mapalingon ulit siya kay Ysabella. He was expecting to see embarassment on her face but what he saw was bitterness.
"You do not even know me, Ysabella. And you don't ask anyone just to marry you. When you grow up, you will understand that. That you will marry the man because you love him at hindi dahil gusto mong maging ama ang ama niya," paliwanag niya dito.
Bigla ay natigilan si Vincent dahil sa kanyang mga sinabi. He is fifteen years old at naranasan na rin niyang magkaroon ng nobya noon sa kanilang paaralan. Sa murang edad nila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Jake ay kinakakitaan na sila ng pagiging magandang lalaki, dahilan para marami ang magkagusto sa kanilang dalawa. Kaya naman, hindi na bago sa kanya ang konsepto ng tungkol sa pag-ibig.
At sa hindi malamang dahilan, hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila ng kakulitan ng batang kanyang kaharap ay hindi niya ito basta maiwan doon. Kung tutuusin ay pwede na lang siyang basta sumakay ng kanilang kabayo at iwan ito doon. Ngunit ang lungkot sa mga mata nito na nakikita niya ay nagpahinto sa kanya sa pagsasalita at pag-alis. As if he wanted to see her smile, even just for once.
"Okay," wika niya dito habang sumasakay sa kabayo. "Grow up fast and I will marry you."
Hindi nga siya nagkamali. Nag-angat ito ng mukha sa kanya at sumilay ang isang ngiti mula sa munti nitong labi. "Is that a promise?" tanong nito sa kanya.
Vincent almost rolled his eyes upwardly. Bakit ba kinausap niya pa ang makulit na batang ito?
"Yeah," he answered without even meaning it.
He heard her chuckled. Kung sinasakyan lang din nito ang pag-uusap nilang dalawa ay hindi niya alam.
Naglakad ito palapit sa kanya habang tinatanggal nito ang suot na bracelet sa kamay at inabot iyon sa kanya.
"Take it," saad nito sa kanya sa mahinang tinig.
"Para saan ito?" tanong niya nang kinuha ang inabot nito. Puzzlement was on his face.
"Our engagement bracelet."
Pumuno sa paligid ang halakhak ni Vincent dahil sa naging tugon nito.
"Now I know you are really insane," wika niya sabay tingin sa inabot nito. It was a silver bracelet with a name engraved on it--- YSABELLA.
"Goodbye my groom. See you when I grow up," saad nito sa kanya bago tuloy-tuloy na lumipat sa kabila ng barred wire at tumakbo patungo sa lupain ng mga ito.
Nangingiti habang iiling-iling na lamang si Vincent. Crazy little kid! At hindi niya alam kung bakit sinakyan niya ang mga kakulitan at kalokohan nito.
Nang bigla ay may naalala siya. Ni hindi pala alam ng 'fiancee' niya ang kanyang pangalan. Ni hindi na niya naisipang banggitin pa iyon kanina.
Naglalaro pa ang isang pilyong ngiti sa mga labi niya nang hawakan niya na ang renda ng kabayong sinasakyan. Iginiya na niya ito pabalik sa kanilang bahay at alam niyang kanina pa siya hinihintay ng kanyang mga magulang at kapatid.