CHAPTER 13 Unti unti ay iminulat ni Ysabella ang kanyang mga mata. She felt so disoriented. Nang magawa niyang buksan ang mga mata ay nasilaw pa siya sa sinag ng araw na pumapasok sa silid na kinaroroonan niya sa ngayon. Sa kanyang kanang bahagi ay napansin niya ang pintong kung hindi siya nagkakamali ay patungong teresa ng kwartong iyon. Bahagya na itong nakabukas at mula doon ay pumapasok ang sinag ng araw na siyang sumisilaw sa kanya. Sinag ng araw! Agad siyang napaisip. Hindi ba at papadilim na nang walang tigil siyang tumatakbo para makalayo mula sa taong nais siyang barilin at patayin? She tried so hard to run towards Rancho Olvidares to escape. Na sa walang tigil na pagtakbong ginawa niya ay nakarating siya sa isang kubong maliit at doon ay itinago niya ang sarili. Yes! Kubo! S