CHAPTER 14 Mataman na napatitig si Ysabella sa mukha ng lalaki na kanyang kaharap. For some reasons ay nakaramdam siya ng biglang pagkailang dahil sa mga tingin nito sa kanya. Na para bang may ibig pa itong ibang ipakahulugan sa mga salitang binitawan nito kanina. Na para bang may nais pa itong sabihin ngunit mas pinili na lamang na huwag nang ituloy ang mga iyon. She felt so uneasy on how he looked at her now. Ang mga titig nito ay nanunuot sa kanyang kalamnan, waring nangungusap ang mga iyon maging sa kanyang kalooban. "You can start telling me now your story, Ysabella, about what happened to you," walang anumang turan nito sa kanya makaraan ng ilang saglit. Marahan na itong nag-umpisa na nagsandok ng pagkain sa sarili nitong plato at inumpisahan na ang pagkain ng almusal. Hindi magaw