CHAPTER 12 Ysabella did not even bother to stop from running. Patuloy lamang siya sa ginagawang pagtakbo palayo sa kanilang lupain. Naroong muntik-muntikan na siyang madapa dahil sa mga nakausling ugat ng ilang puno ng mangga na naroon na hindi na niya namamalayan pa. Sa bawat pagtakbo niya palayo ay hindi maiwasang lumingon si Ysabella sa kanyang likuran. Sinisiguro niya na nakalayo na siya sa kung sino man ang may nais na saktan siya. Pero duda siya kung susundan pa siya doon ng kung sino mang nasa loob ng sasakyan. Alam niyang hindi na ito magkakaroon ng lakas ng loob na sundan pa siya sa loob ng lupain ng mga Olvidares. Pasado alas singko na ng hapon at alam ni Ysabella na tapos na rin ang trabaho ng mga tauhan sa Rancho Olvidares. Ngunit sa loob loob niya ay umuusal siya ng dalangin