CHAPTER 20 Nang sumunod na araw ay pasado alas otso na ng umaga nang magising si Ysabella. Sa kakaisip niya sa mga nangyari kagabi ay halos hindi siya nakatulog kaagad. Sa hinuha niya ay halos pasikat na ang araw at titilaok na ang mga manok nang hayaan niyang lamunin siya ng antok. Sa ngayon ay mas lalong hindi na alam ni Ysabella kung paano pakikiharapan si Vincent. May pakiramdam siya na mas nanaisin niya pang umalis na lang ng Rancho Olvidares at bumalik sa Rancho Estrella. Ngunit kasabay niyon ay ang pakiramdam na mangungulila siya sa pag-alis sa rancho na ito. Kung para kanino o kung para saan ay hindi niya alam. O mas tamang sabihin na hindi niya lang nais aminin sa kanyang sarili? May isang damdamin na pilit umuusbong sa kanyang dibdib ngunit hindi niya nais pag-ukulan ito ng pa