CHAPTER 11

1989 Words

CHAPTER 11 Hapon na at hinintay lamang talaga ni Ysabella na medyo lumilim bago siya nagpasya na pumunta sa may kural ng mga hayop. Ilang kilometro din ang layo niyon mula sa kanilang bahay rancho. At sadyang may distansiya ito sa bahay nila dahil sa rin sa hindi magandang amoy ng mga hayop. Pagdating ni Ysabella doon ay naabutan niya pa si Mang Antonio na kasama ang isa pang tauhan nila. Abala ang mga ito na naglilinis ng kural. Linapitan niya ang mga ito. Agad namang napatayo si Mang Antonio nang makitang papalapit siya sa mga ito. "Magandang hapon ho, Ma'am Ysabella," bati nito sa kanya na may nakapaskil na ngiti sa mga labi. "Magandang hapon naman ho, Mang Antonio," magalang niyang ganti ng bati dito. Tumayo din ang kasama nito na bumati din sa kanya. Ysabella politely greeted him

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD