THE RING 3

1358 Words
BY: SRRedilla "Aba may dila ka rin pala at nakakarinig," wika ng lalaking kaharap ko. Humakbang siya papalapit sa akin, kaya napaatras ako kaya lang isang malamig na pader ang nasalikuran ko. "Trespassing ka, babae, at anuman ang mangyari sa iyo ngayo'y kasalaman mo. Masyado kang mapangahas na pumunta sa hindi mo dapat puntahan." Lalo akong kinabahan sa klase ng tingin niya sa akin. Nabigla pa nga ako ng hawakan ako sa palapulsuhan at hinila palabas ng silid. "Stkkk! Paakyat pa lang kayo nang kasama mo'y nakikita ko na ang bawat kilos ninyong dalawa." "Anong balak mong gawin sa akin?" tanong ko habang nagwawala ako sa pagkakahawak niya." Humalakhak ang lalaki. "Nakaawa ka babaeng magnanakaw. Hindi ka lang namumutla kundi nanginginig din ang iyong baba dahil sa takot. Hahayaan kitang makaalis dito sa bahay ko, babae, pero hindi ko rin alam kong hahayaan kang makaalis ng mga alaga ko," wika nito. Tumingin ako sa lalaki habang kinakaladkad ako palabas ng bahay. "Bakit? A-anong bang balak mong gawin sa akin?" kabadong tanong ko. Hindi na muling umimik ang baliw na lalaki. Ngunit nakita kong papalabas kami ng bahay. Sobrang liwanag na nang buong paligid. Lalo akong kinabahan ng tumingin sa akin ang lalaki. Naniningkit ang mga mata ng lalaki. Gwapo ang lalaking kaharap ko kaya lang iba ang nakikita ko sa mukha niya. "Ingrata!" bulalas ng lalaki bago dinala ang dalawang daliri sa labi niya at pumaswit. Nangilabot ako ng marinig ko ang mga tahol ng aso na nagmumula sa kulungan at bukas na rin ang pinto. Nagmamadaling lumapit sa aming direksyon ang dalawang aso na naglalakihan. Taranta akong napahakbang papunta sa pader na kung saan kami dumaan kanina. Hirap na hirap pa akong makatakbo dahil sa suot kong mini dress. Pero hindi naman ako papayag na mamatay sa lapa ng mga aso ng baliw na lalaking iyon. "Bilisan mo, babae, bago ka malapa ng mga alaga ko!" sigaw ng lalaki na lalong nagpataranta sa akin. Nakita ko agad ang lubid na ginamit namin kanina kaya agad ko iyong hinawakan at mabilis na umakyat papunta sa malaking puno. Nangangatal ang buong katawan ko sa takot, sindak at pagkasuklam sa baliw na lalaking iyon. Nakahinga ako nang maluwag nang makatungtong na ako sa ibabaw ng pader. "Hooooh!" sigaw ng lalaki sa mga aso at tumigil naman ang mga alaga niyang aso. Mula rito sa ibabaw ng pader ay tumingin ako sa lalaking baliw. Pansin ko sa lalaking baliw na ito ay isang sadista. Tumingin din sa akin ang lalaki at ganoon na lang ang gulat ko nang makita kong may hawak na baril ang lalaki at nakatutok sa akin. Pakiramdam ko'y nanuyo ang lalamunan ko sa takot. Dahil isang kalabit lang niya sa hawak niyang baril ay siguradong paglalamayan na ako. "Sige, umalis ka na at siguraduhin mo lamang na hindi ka na babalik dito sa lugar ko, babae," sigaw ng lalaki. Wari'y isang makapangyarihang panginoon na nag-uutos sa isang alipin. Mabilis akong nakababa gamit ang lubid. Ngunit narinig ko ang malakas na putok ng baril na nanggagaling sa bahay ng baliw na lalaki. Hinanap ng mga mata ko ang bulto ni Laylay. "Shylyn, nandito ako!" Tumingin ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko roon si Laylay, nakakubli sa dilim kay nagmamadali akong lumapit dito. "Kailangan na nating makaalis dito," wika ko. Sumang-ayon naman si Laylay, kaya matulin kaming tumakbo palayo sa bahay ng baliw na iyon. Hindi na nga kami nagdalawang-isip na sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Nakahinga ako nang matiwasay ng makauwi na kami. "Muntik na akong mamatay sa lapa ng aso," wika ko kay Laylay. "Sorry, dahil ang akala ko'y walang tao sa bahay na iyon," wika ni Laylay. "Ayos lang ang mahalaga ngayon ay nakaligtas tayong dalawa," anas ko. Pupuntahan sana kita sa kwartong pinasukan mo dahil may nakita akong mga tao na mga nagdatingan. Kaya lang ay naunahan ako ng lalaking iyon na makapasok sa silid na pinuntahan mo. Nagmadali na rin akong umakyat sa pader. Pero sobra ang pag-aalala ko sa 'yo, Shylyn," wika niya sa akin. Nakangiti akong tumingin dito. "Ang mahalaga ay nakaligtas tayo sa baliw na lalaking iyon," usal ko. Hindi na rin naman nagtagal dito sa bahay si Laylay at umalis din agad. Pumunta ako sa kwarto naming magkapatid at nakita kong natutulog na si Sheen. Sobrang malas ng lakad namin wala na nga kaming nakuha na pwedeng ibenta ay halos mamatay pa ako. Humiga ako sa tabi ng kapatid ko at marahas akong napabuntonghininga ngayon ko napagisip-isip na paano na ang aking kapatid kung sakaling mamatay ako sa lapa ng aso. "Diyos ko po!" malakas kong wika. Siguro'y kailangan ko nang magbagong buhay. Para kasing iyong nangyari kanina ay nagbibigay babala na sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko upang makapagpahinga na ako, bukas ko na lang iisipin kung saan ako kukuha nang makakain namin. Alas-singko y medya ng umaga ng magising ako. Mag-iisip na naman ang kung saan kukuha ng pambili ng makakain namin ni Sheen. Pumunta muna ako sa bakery upng bumili ng isang pirasong itlog at dalawang pirasong pandesal, pasalamat na lamang ako dahil mabait ang may-ari ng bakery na pinagbibilhan ko, bumili rin ako ng mumurahing kape. Tama lang sa akin itong dalawang pirasong pandesal at itong itlog naman ay para sa kapatid ko. Kailangan ko kasing magtipid para makaipon ako ng sapat na pera pambili ng mga gamit ni Sheen para sa darating na pasukan. Pagsapit ng alas-nuwebe ng umaga, heto ako at nakahanda na sa aking pag-alis, alam kong sobrang laki na nang kasalanan ko sa diyos dahil pati ang damit ng isang madre ay ginagamit ko para lang magkapera. Pero nangako na ako na last ko na itong susuotin ngayon dahil sa susunod na araw ay iba na ang susuotin ko. Nagmamadali akong umalis nang bahay. Sumakay ako ng jeep at bumaba sa aking pwesto. Hindi pa ako nakakarating sa aking pakay ay mamataan ko ang lalaking iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kung siya ang lalaking iyon na gusto akong ipalapa sa aso kagabi. Sadyang napaka gwapo ng lalaki. Napakunot-noo ako nang masilayan ko nang lubusan ang buong mukha ng baliw na lalaki. "Peste!" makalas kong wika. Ang lalaking hinalikan ko kahapon at ang taong baliw na nagpahabol sa akin sa aso ay iisa lang. Kailangan kong gumanti sa kanya. Halos mamatay ako sa takot kagabi nang ipahabol ako sa aso nito. Pwes ako nama ang gaganti. Nakita kung papasok ito sa Mall. Kaya pumasok din ako sa loob upang sundan ang lalaki. Maingat ako sa bawat pagsunod ko sa kanya, bigla siyang tumigil at nakipag-usap sa sales lady. Habang papalapit ako rito ay naglalakbay naman ang mata ko sa matambok niyang bulsa sa likuran ng suot niyang pants. Hindi na ako nag-isip at basta ko na lang binangga ang lalaki gamit ang katawan ko, mabilis ding gumalaw ang malikot kong kamay patungo sa bulsa ni Tuod. Naitago ko agad ang wallet na nakuha ko sa lalaki. "Paumanhin po," nakatungo na paghingi ko nang tawad. Walang salita akong narinig mula sa lalaki. Kahit nang magpaalam ako'y wala pa ring salita si Tuod. Humalo ako sa mga tao habang ang aking isip ay nagdidiwang sa galak. Halos magtatalon ako sa tuwa nang makalabas ng Mall. Ngunit biglang kumulo ang tiyan ko. Nagwawala na ang mga alaga ko. Kaya pumasok ako sa loob restaurant. Gusto kung kumain ng marasap na putahe. Nag-order lamang ako ng kasya sa budget ko. Tahimik akong kumain dahil gusto kung namnamin ang sarap ng pagkain na inorder ko. Ngayon lang kasi ako uli nakatikim nang masarap na ulam. Isang ingay ang naririnig ko mula salabas ng restaurant at mukhang may pinagkakaguluhan ang mga babae. Nabigla ako nang may umupo sa bakanteng silya kung saan ako nakapwesto. "Sister," sabi nito sa pinakasuwabeng boses na narinig ko. "It's really nice to see you here." "Oh, My God!" Pagkagulat ang lumarawan sa aking mukha. Hindi ko akalain na magkikita pa kami ni Tuod. "Why do you look so surprised?" he asked. "Maliit lang ang Manila, Sister. Hindi ka na dapat nabigla kung magkrus man ang mga landas natin ngayon." "K-kilala ba kita, Sir?" kabadong tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD