bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

book_age18+
45.2K
FOLLOW
275.1K
READ
arrogant
dominant
manipulative
mafia
drama
comedy
mxb
city
virgin
punishment
like
intro-logo
Blurb

[Mature Content](R-18)SPG.

Shylyn Matigas, isang talamak na mandurukot. Sa edad na bente tres ay masasabi niyang isa na siyang professional sa uri ng kanyang trabaho. Batid niyang sa mata ng Diyos ay mali ang ginagawa niya.

Ngunit iyon lamang ang paraan na puwede niyang gawin para may mailaman sa sikmura nilang kumakalam. At sa kagustuhang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mahal na kapatid na si Sheen, niyakap niya ang balukot na katuwirang bumabawas lang siya ng pera sa mga mayayamang target.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging suwerte. Patunay nang dumating ang taong katapat niya, ang Mafia Lord na si Matteo Lane. Masasabing isa siyang lalaking pinagpala. Dahil tila sinalo nito ang lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae.

Hanggang natagpuan niya ang sariling nakayakap dito at hinahalikan. Ginawang panangga ang binata nang minsang habulin siya ng mga awtoridad. Pagkakataong naging pabor kay Matteo, hindi lang sa mala-gayumang halik ni Shylyn kung 'di dahil sa pang-iisa nito sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Shylyn, batid na ni Matteo ang ginawa nitong pandurukot sa kanya.

A simple revenge takes place nang walang magawa ang dalaga sa mas mapusok na ganting halik ng binata. And the worst ay nang sapilitan siyang isakay ng huli sa sasakyan at manatili sa poder nito. Pangyayaring nagpatunaw sa pader na binuo ni Shylyn upang 'di mahulog sa tukso.

Paano magsisimula muli ang dalaga kung ang dahilan ng kanyang baluktot na katwiran ay binawi sa kanya? Nalagay siya sa alanganin hindi lang ang buhay niya maging ang puso niyang nuknukan ng rupok.

chap-preview
Free preview
THE RING 1
BY: SRRedilla UMIIKOT ang mga mata ko sa paligid nitong Mall. Naghahanap ng tamang tao na puwede kong maging biktima. Tumingin ako sa entrance at nakikita ko mula rito sa kinatatauan ko ang lahat ng pumapasok dito sa loob. Napangisi ako nang masilayan ko ang pagpapasok ng isang lalaki. Naghanda ako sa aking gagawin hakbang. Kaya Inayos ko ang aking suot na salamin sa mata at gayundin ang wig na suot. Mukha akong wierd na tatanga-tanga. Sinundan ko ang lalaki kung saan siya patungo. Pumasok siya sa restaurant. Hinintay ko rin na mauna ang lalaki sa akin. Bumaba ang mga mata ko sa likuran niya. Natuwa ako nang makita ko ang matambok nitong bulsa. Tawag mula sa cellphone nito ang nagpahinto sa lalaki. Nagmamadali naman akong lumapit dito at walang babalang binangga ko ang likurang bahagi ng lalaki sabay punta nang kamay ko sa bulsa niya na kung nasaan naroroon ang wallet nito. Mabilis kong inilagay ang wallet sa bag na aking dala. "Sir, sorry po! Hindi ko po kasi kayo nakita," paliwanag kong malupit sabay ayos nang aking salamin sa mata. "It's okay," tugon ng lalaki. Tumalikod na ang lalaki at pinagpatuloy na uli ang pakikipag-usap sa cellphone niya, mabilis akong umalis sa lugar na ito at baka makatunog sa aking ang mga alagad ng batas. Pumunta muna ako sa CR upang magpalit ng damit. Matiwasay akong nakalabas ng Mall. Agad akong lumakad patungo sa isang karinderya at naupo sa mesa. "Kakain ka ba, Shylyn?" tanong ng may-ari ng karinderya. "Opo. Ano po ba ang bago ninyong putahe ngayon?" tanong ko. "Kare-kare na lang ang natitirang ulam, Shylyn." "Sige, pwede na po iyon," wika ko. Ngumiti ang may-ari ng karinderya bago tumalikod. Kilalang-kilala na ako rito. Dahil madalas akong kumakain dito. Hindi naman nagtagal ay dumating ang order ko at nag-umpisa na akong kumain. "Siguro'y dadalhan ko na lamang ng makakain ang aking kapatid," mahina kong bulong. Sa mundong ito dalawa na lang kami ng kapatid ko ang magkasama. Wala na kaming magulang. Tatlong taon na ang nakakalipas nang maaksidente ang sinasakyang bus ng mga ito nang mawalan preno. Nahulog sila sa bangin. Pauwi noon ng probinsiya ang Ina at Itay ko. Pero hindi nakarating dahil sa aksidente. Bente anyos ako nang mangyari ang trahedyang iyon. Nang mga panahon na iyon para kaming naputulan ng pakpak. Nang mawala ang magulang namin. Nagkataon na walang-wala kaming pera. Halos mabaliw ako dahil hindi ko alam kung papaano magkaroon nang pera para may pambili ng kabaong ng Inay at Itay ko. Kaya nang may mag-alok ng tulong sa akin ay agad ko iyong sinunggaban. Nagdadalawaang isip pa nga ako kung papayag ako sa gusto ni Laylay. Ngunit kailangan kong mag magkapera para mabigyan nang magandang libing ang Inay at Itay ko. Alam kong masama ang ginagawa ko. Pero hindi ko naman maatim na hahayaan na lamang ang magulang ko na maagnas sa aking harapan. Si Laylay ang nagturo sa akin kung papano maging ekspertong madurukot. Ang kaibahan lang naming dalawa, pinipili ko ang taong dudukutan. At doon ako sa taong sobra-sobra ang pera at kayaman. Hindi katulad ni Laylay na kahit sinong tao basta may pera. Sa edad kong bente tres anyos, masasabi ko na magaling na nga ako sa larangan ng pandurukot. Alam kong mainit ako sa mata ng kapulisan, kaya kailangan kong mag-ingat. Ilang beses na rin akong hinahabol ng mga pulis. Tumingin ako sa aking plato. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang aking pagkain. Nagbayad ako at tuluyan nang lumabas ng karinderya. Naglakad lang muna ako at baka may machempuhan ako na isang mayaman na negosyante. "Yung mandurukot nakita ko na!" Bigla akong lumingon sa babaeng naghihiyaw. Laking gulat ko nang masilayan ko ang babaeng dinukutan ko kaninang umaga. May kasamang tatlong pulis. Hindi na ako nag-isip. Matulin akong pumakbo at humalo sa mga tao. Hindi ako magpapahuli sa kanila ng buhay. Ngayon ko lang din naalalang wala nga pala akong suot na wig. Mainit nga pala ang mukha ko sa mga pulis. Tumingin ako sa dulo na pupuntahan ko at baka may bumulaga na pulis sa aking harapan. Napansin ko ang isang lalaking nakasalamin at may hawak ng attaché case. May mga nakasunod na tao sa likuran ng lalaki. Mukhang bigatin ang taong makakasalubong ko. Sa tindig at porma ay alam ko nang mayaman. Kaya lang hindi ako pwedeng gumawa ng ikapapahamak ko lalo na't may humahabol pa sa akin na mga pulis. "Mamang Pulis, bilisan naman ninyong tumakbo makakatakas na iyong babaeng mandurukot." Malakas na sigaw ng babaeng dinukutan ko. Kailangang kong gumawa ng paraan upang mailigaw ko ang mga pulis. Inilugay ko ang mahaba kong buhok para hindi masyadong makita ang aking mukha ko.Saktong paglapit ko sa lalaking makakasalubong ko ay siyang pihit ko pakaliwa upang hindi ako makita ng mga pulis. Kinawit ko ang braso ko batok ng lalaki. Walang alinlangan na sinunggaban ko ang labi ng lalaki. Mabango ang bibig ng lalaki at nakapalambot din nang labi. Wala akong nadama na pagkagulat sa lalaki. Pero hindi ko na inabala pa iyon ang gusto ko ay makalayo sa mga humahabol sa akin. "Nandiyan lang iyon hanapin ninyo." dinig ko ang boses ng babaeng dinikutan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan nang makalayo ang mga humahabol sa akin. Inalis ko agad ang labi ko sa labi nito. "Thank you," wika ko. Tumalikod ako at tangka na sanang umalis. Nang may humiklas sa braso ko kaya nabaling ang tingin ko sa taong humila sa akin. Hindi ko alam kung ano ang problema nito at hinila pa ako samantalang nakalibre na nga ng halik sa akin. Nakita kong itinaas ang kaliwang kamay at biglang sumenyas sa mga lalaking nakatingin sa amin dalawa. Mas nagulat ako nang may huminto sa harap namin na isang magarang kotse. Hinila ako papasok sa kotse. "Hey, Mr.Teka lang muna!" sigaw ko habang nagwawala sa pagkakahawak nang lalaki. Ngunit wala pa ring namutawi na salita sa lalaking tuod. Tumingin ako sa mukha nito. Nakasuot pa nga ng salamin, kaya hindi ko nakikita ang buong mukha. Pero alam kong gwapo ito. Tumigil kami sa paglalakad. Binuksan na niya ang pinto ng kotse. Tumingin ako sa matangos nitong ilong. Humarap ako ng bahagya at inilapit ko ang katawan ko sa malaking katawan ni Tuod. Ibinuka ko ang bibig ko at tumingkayad upang paabot ko ang punterya ko. Walang babalang kinagat ko ang tungki ng kanyang ilong. Marahas akong naitulak ni Tuod kaya nabitawan ako. "Damn!" wika ng lalaki. Grabe 'yung boses ng lalaki nakaka-inlove. Ngunit hindi ako pwedeng magtagal dito. Kaya matulin akong tumakbo palayo sa lalaking tuod. "Habulin ninyo!" rinig kong sigaw ni Tuod. THE RING/ MAFIA LORD SERIES 7

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
348.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
538.5K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
320.6K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.1K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.6K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
475.4K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
399.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook