"Wala sa plano ko ang lapitan ka, Sister. Ngunit may bagay lamang akong nais kuhanin sa 'yo at alam mo naman kung ano ang bagay na iyon," anas ng lalaki sa akin.
Tumingin ako sa lalaking kaharap ko. Isang mapanuring titig ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko puwedeng ibigay sa kanya ang wallet na nakuha ko. Nasa kamay ko na nga ibabalik ko pa ba.
"Wala akong alam sa iyong mga pinagsasabi, Mister," kaila ko sa lalaking kaharap ko.
"Huwag mong ubusin ang pagtitimpi ko sa iyo, Sister, baka kung ano ang magawa ko sa isang tulad mong mandurot!" galit na sabi niya sa akin.
Napamaang ako ng wala sa oras, dahil sa aking narinig. So, kilala na niya pala ako na isang mandurukot. Patay ako kung sakaling hindi ako makatakas sa lalaking tuod na ito. Kaya naman naging malikot ang mga mata ko at naghanap ako ng puwede kong maging sandata para tuluyang makatakas sa lalaking tuod.
Napatingin ako sa baso na may lamang tubig. Pasimple ko iyong hinawakan. At pagkatapos ay marahan ko ring inilapit ang mukha ko sa mukha ng lalaking kaharap ko.
"Sigurado ka bang ako ang kumuha ng bagay na iyong hinahap? Baka nagkakamali ka lang, honey ko," mapang-akit na tanong ko sa lalaki.
Ngunit wala man lang akong nakitang reaction sa mukha ng lalaking kausap ko.
"Hindi mo ako madadala sa pang-aakit mo babae. Dahil hindi ang isang katulad mo ang gusto ko. Masyadong malikot ang kamay mo kaya alam ko rin na malikot ka pagdating sa mga lalaki. Ibigay mo sa akin ang bagay na kinuha mo kani-kanilang lamang at baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo!" mariing sabi nito sa akin.
Naglakas loob pa rin akong sinalubong ang mga mata ng lalaki. Hindi maitatanging napakakisig ni tuod. Kahit pa may nakaguhit sa mukha na pangungutya.
Napatalon ako sa gulat nang may marinig ako na malakas na pagsabog sa labas nitong restaurant. Kaya nabaling ang mga mata ko sa isang kotse na nag-aapoy. Narinig ko rin ang mga putok ng baril sa labas.
Tumayo ang lalaki at agad akong hinawakan sa aking palapulsuhan pagkatapos ay kinaladkad paalis para ng restaurant. Hindi pa kami nakakalabas nang may biglang humarang sa daraanan namin na tatlong lalaki.
Nakangisi pa nga ang mga lalaking nakasalubong namin
at para bang hindi gagawa ng maganda. Binitawan naman ng lalaki ang pulsuhan ko. At hinarap ang tatlong lalaki. Hindi naman nagtagal ay nakikipaglaban na si Tuod.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatakas nang tuluyan sa lalaking Tuod. Mabilis akong tumakbo palabas ng restaurant, wala akong pakialam kong may mga nagbabarilan sa paligid ko. Ang gusto ko lang ay makatakas sa lalaki. Kaya humalo ako sa mga taong nagtatakbuhan.
"Sa tingin mo ay makakatakas ka, babae?" galit na tanong ni tuod sa akin.
Napatigil ako sa pagtakbo ng may humila sa bewang ko. Kaya bumaling ang mukha ko rito.
"Ano ka ba, nag jojogging lang ako. Mahirap naman kasi mag jogging dito lalo at nagliliparan ang mga bala, ayaw ko pang mamatay ng maaga dahil may labing dalawa pa akong anak na binubuhay," pahayag ko sa lalaki.
Hindi man lang naniwala ang lalaki sa mga sinabi ko. Kinaladkad pa rin ako papunta sa isang kotse. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan upang makatakas ng tuluyan sa lalaki.
"Ahhhh! Teka muna Mr. M-masakit kasi ang tiyan ko," wika kong nakangiwi sa lalaki.
Tumingin naman sa akin ang lalaki ngunit nakakunot noo.
"What?"
"M-masakit kasi ang tiyan ko, baka pwedeng pumunta muna ako ng banyo," wika kong nakikiusap.
"Hindi mo ako madadala sa mga ganyan, babae, alam ko na ang galawan ng isang mandurukot. Kung ako sa'yo ay magpakabait ka at ibigay mo sa akin ang mga kinuha mo at kakauwi ka nang walang galos sa katawan."
"Wala akong kinukuha sa'yo lalaking Tuod, kahit hubaran mo pa ako rito ay wala sa akin ang hinahanap mo!" sigaw ko sa lalaki.
Biglang napatigil ang lalaki sa paglalakad at humarap siya sa akin. "Talaga? Kahit hubaran kita rito ay ayos lang sayo, babae?"
"O-Oo," kabado kong sagot kay Tuod.
"Okay, umpisan na natin babaeng mandurokot," anas ng lalaki habang itinataas ang isang palad patungo sa damit kong mayroon botones.
Kinabahan tuloy ako sa mga kinikilos ng lalaki. Nanlalaki ang mata ko nang maalis na ang isang botones ng damit ko kaya nataranta ako at tinabig ko ang kamay ng lalaki.
"G-gawin mo talaga?"
"Yes, huwag kang mag-alala dahil hindi ako pumapatol sa katulad mong mandurukot," pa-bruskong wika ng lalaki.
"Hindi rin ako pumapatol sa katulad mong, Tuod!" sigaw ko sa mukha ng lalaki.
Ngumisi lang siya sa akin. At pinagpatuloy ang pag-alis ng botones sa damit ko. Kaya nag-isip ako ng paraan kong papaano makakabawi sa lalaki.
Marahan akong lumapit sa lalaki. "Hindi naman pwedeng ako lang ang maghuhubad ng damit," nakakalokong wika ko sa lalaki. Itinaas ko rin ang isang palad ko patungo sa belt ni Tuod.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Tuod. Ngunit pansin kong gumalaw ang adam's apple ng lalaki.
Ngumisi lamang ako sa lalaki at pinagpatuloy ang balak na pagbaklas sa belt ni Tuod. Ngunit biglang hawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Huwag mo akong subukan, babae, baka magulat ka."
"Hindi naman pwede ako lang ang aalisan mo nang damit mas masaya kong sabay tayo," pahayag ko sa lalaki.
Marahang lumapit ang mukha ng lalaki sa mukha ko. "Masyado kang tuso babae tingnan nga natin kung makakapagsalita kapa sa aking gagawin," wika ng lalaki ngunit may kasamang pagbabanta.
Nagsinyas ang lalaki mula sa likuran ko. Lilingon sana ako ng pigilan ng lalaki ang ulo.
"Lord, ito na po ang pinapakuha mo." Dinig kong wika ng lalaki sa likuran ko.
Mala-demonyong ngisi ang pinagkaloob sa akin ng lalaki at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang gunting na hawak ni Tuod. Itinaas niya ang gunting at ito'y patungo sa buhok ko. Nailayo ko agad ang buhok ko sa lalaki, pero agad din niyang nahawakan ang batok ko at inilapit sa kaniya.
"A-ano'ng g-gagawin mo?"
"Panoorin mo na lamang kung ano ang gagawin ko sa 'yo mas masaya itong gagawin ko at siguradong matutuwa ka, babae at sigurado akong magpapasalamat kapa sa akin."