Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin. Lalo at papalapit na sa buhok ko ang gunting na hawak niya, gusto ko rin mapaluha dahil alam ko na kong ano ang gagawin niya sa aking buhok ko. "Huwag mong itutuloy kung anuman ang iyong binabalak," pakiusap ko sa kanya, ngunit hindi na maawat ang lalaki lalo at nakagupit na nang ilang hibla ng buhok ko. Nag-isip ako ng paraan kung papaano makakawala sa lalaki. Inilayo ko nang bahagya ang ulo upang makabuwelo ako sa aking gagawin. Hindi na ako nag-isip at basta ko na lamang ipinag-umbog ang mga noo namain, lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya sinamantala ko ang pagkakataon iyon upang mkakatakas sa lalaki. Matulin akong tumakbo palayo rito, lumiko ako sa eskinitang nakita ko at lumabas malapit sa may tulay. Naglakad ako sa ilalim ng