Chapter 7

1324 Words
CYRIA Malakas na ingay at kalabog ang narinig ko na siyang gumising sa akin pero minabuti ko na huwag munang magmulat ng mga mata dahil heto na ang eksena na kinakabahan ako ng todo. "Cyria! Dawson!" malakas ang boses na sigaw ni Daddy. Sigurado na nakita na niya kami dito sa ibabaw ng kama kaya ganito ang tono ng boses nito. Tiniis ko ang kagustuhan na makita ang reaksyon ni Daddy dahil mas gusto ko na maunang gumising si Dawson sa akin. Gusto ko na ganito na lang sana kami kung maaari. Nagbago kasi ang posisyon niya dahil ngayon nakahiga siya paharap sa akin at nakapulupot ang kanang braso sa bewang ko habang naunan ako sa isa niyang braso at nakasubsob sa leeg nito. Ito ang matagal ko ng gusto, ang matulog ng payapa ay katabi ni Dawson habang yakap ng mahigpit nito. "Both of you wake up!" Isang malakas na hampas ni Daddy ang naramdaman ko sa balikat ko at sigurado akong pati rin si Dawson dahil umungol ito. "Dad?" napabalikwas bigla na sabi ni Dawson. Naiwan akong nakapikit, natatakot akong magmulat dahil heto na ang confrontation na alam kong malaking gulo ang hatid sa amin. "What's the meaning of this? Cyria gising!" Galit at malakas na sigaw ni Daddy kaya bumangon din ako habang kikkip ang kumot. Nagkatinginan kami ni Dawson kaya malinaw na nakita ko kung paano nag-dilim ang mukha nito matapos na mapatiim bagang saka biglang nag-aapoy ang mga mata sa galit. Napalunok ako at hindi makatingin sa kan'ya kaya nag-iwas ako ng paningin. "Anong ibig sabihin nito?" matigas ang boses na tanong ni Dawson sa akin. "Shut up Dawson! Ngayon mo pa tatanungin si Cia kung anong ibig sabihin nito gayong pareho kayong hubad na natutulog sa ibabaw ng kama mo!" bulyaw dito ni Daddy. Tulad ng dati lalong nag-dilim ang mukha ni Dawson sa galit dahil sa huli ay ako pa rin ang pinaniniwalaan ni Daddy kahit hindi ako magsalita at ipaliwanag ang totoong nangyari. Nakokonsensya ako kaya napakagat labi na tumulo ang luha ko. Parang gusto kong pagsisisihan ang ginawa ko dahil nakikita ko kung paano nagalit ng ganito ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang alagaan ako at mahalin. "Dad, I'm sorry," malungkot na sagot ko. "Nothing happened," sabi ko pa. Siguro tama na ito, ayoko siyang saktan dahil sa naging makasarili ako at padalos-dalos. Siguro nga ay masyado n'ya lang akong bini-baby kaya na spoiled ako ng todo. "Anong nothing happened? Malinaw na nakita ko kung paano ko kayo inabutan na dalawa at hindi 'yan maitatanggi ng mga hubad na katawan n'yo!" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Daddy. "Marry her Dawson o kalimutan mo ng ama mo ako. Maging lalaki ka at panagutan mo si Cyria!" matalim ang mga mata na sabi nito kay Dawson. "Magbihis kayo pareho, hintayin ko kayo sa library!" galit na bulyaw pa nito habang nagtatas-baba ang dibdib sa galit dahil sa eksena na naabutan niya dito sa loob ng silid ni Dawson. Mabilis na nawala si Daddy at naiwan akong tulala habang si Dawson naman ay napahilamos ng kamay sa mukha. Ramdam ko ang frustration niya ng ihagis ang comporter na tanging takip sa katawan niya at mabilis na tumayo saka malakas na sinarado ang pintuan. Naiwan akong tigalgal at tulala. Hindi ko alam kung paano maayos ang lahat kaya daig ko pa ang na freeze at hindi gumagalaw sa ibabaw ng kama. Dapat masaya ako dahil ito ang gusto kong mangyari pero na balewala iyon ng makita ko kung paano nasaktan at nagalit si Daddy. Masyado akong naging selfish kaya nakalimutan ko na sa proseso ng pag-angkin ko kay Dawson ay masasaktan pala si Daddy. "Ano pang hinihintay at tinutungga mo d'yan? Sumunod ka na sa tatay mo!" singhal na sabi ni Dawson na nakalabas na pala sa banyo at masama ang tingin sa akin. "What did you do this time Cyria?" puno ng galit ang mga mata na tanong nito. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Matindi ang galit sa akin na akala mo ay kaya niya akong lamunin ng buo. "You better fix yourself fast and get out in here!" sigaw nito. Walang kibo na dahan-dahan akong bumaba at pinulot ko ang mga nagkalat na damit ko kasama ng roba saka nagbihis. Nauna ng lumabas si Dawson kaya bantulot na sumunod ako sa loob ng library ni Daddy. Naabutan ko pa silang nagtatalo kaya lalo lamang akong na guilty ng sobra. "Nag-usap na kami ni Dawson, bukas na bukas a-ayusin n'yo ang kasal ninyong dalawa," matigas na sabi ni Daddy. "Dad, I'm sorry pero hindi n'yo po kailangan na gawin iyon. Kasalanan ko po ang lahat dahil nag-padalos-dalos ako," naiiyak na sabi ko. "Wala pong kasalanan si Dawson sa nangyari," nakayuko na sagot ko. Hiyang-hiya ako sa resulta ng ginawa ko. Tama nga sila na nasa huli ang pagsisisi dahil kung mag-isip ako mg tama ay hindi kami aabot sa tagpong ito. "My decision is final. Magpapakasal kayong dalawa at pananagutan ka ni Dawson. May mga katulong na nakakita sa inyong dalawa sa ganong sitwasyon. Ano sa tingin n'yo ang iisipin nila?" galit na galit na sabi ni Daddy. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat sa umpisa hindi ko na iisipin na gawin man lamang ito dahil mas masakit na nakikita ko kung paano na galit si Daddy sa Amin dahil sa kagagawan ko. "I'm sorry," mahina na sabi ko. "It's too late. Matulog na kayong dalawa at paggising n'yo siguraduhin ninyo na parehong handa na kayo," sabi lang nito saka mabilis na iniwan kami ni Dawson sa loob ng opisina nito. Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya nagtaas ako mg tingin para tingnan ang frustrated na si Dawson. Madilim ang mukha niya habang nangangalit ang bangang. "Gaano katagal mo itong plinano ha Cyria?" galit na tanong nito ng saka matigas ang awra na tinitigan ako. "D-dawson," nauutal na sabi ko dahil hinaklit nito ang braso ko at hawak ng mahigpit. "You'll pay for this," matalim ang mga mata na sabi nito. Kagat labi na yumuko ako, I might strong person pero mahina ako pagdating kay Dawson. Ramdam ko ang matinding galit niya sa akin at nakakatakot ang mga matang nagbabanta ng kung ano. "Siguraduhin mo lang na ma panindigan mo ito Cyria dahil ikaw ang may gusto nito," sabi pa niya saka ako malakas na binitawan kaya napasalampak ako sa upuan. Tumulo ang luha ko sa halo-halong emosyon. Kasalanan ko naman ito kaya deserve na magalit siya talaga. Wala akong nagawa ng iwan niya rin ako at maiwang mag-isa sa loob ng library ni Daddy. Nakakalungkot man pero umaasa ako na kapag ginawa ko ang lahat ay mapatawad ako ng dalawang taong mahal ko. Natatakot ako pero nagkaroon ako ng munting pag-asa na balang araw ay mamahalin din ako ni Dawson gaya ng pagmamahal na meron ako sa kan'ya mula pa noong mga maliit pa lang kami. Alam ko na galit pa siya ngayon pero sa huli kapag nakita niya kung gaano ko siya kamahal kapag nag-sasama na kami sa iisang bubong ay baka sakali na magustuhan rin niya ako. Hindi madali, nakakatakot, nakakaba at lalong nahihirapan ako pero gaya nga ng sabi ni Dawson na ginusto ko ito kaya hindi ako pwedeng sumuko. Ito na siguro ang best chance ko kaya kahit mahirap sisikapin kong maging maganda ang pagsasama namin at maging mabuting asawa niya. Alam ko kasi na hindi na magbabago pa ang pasya ni Daddy dahil sa nakita kong galit at determinasyon sa mukha nito ay ipapakasal niya talaga kami gaya ng inaasahan ko. Sana lang ay maging maayos ang lahat dahil hindi ko alam kung paano magsisimula na kasama ang taong mahal na mahal ko pero puno ng galit sa akin ang ganyang puso. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay baka sakaling malaman ko kung bakit ganito na lang katindi ang galit niya sa akin gayong wala naman akong ibang ginawa kun'di ang mahalin siya ng totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD