Chapter 6

1500 Words
CYRIA Dalawang araw ng naka-monitor ako sa schedule ni daddy. Lagi ko siyang tini-text at tinatawagan para malaman ko ang details ng uwi niya. May mga pagkakataon kasi na malimit magbago ito dahil sa biglang appointment at meetings na kailangan niyang puntahan. Hindi ako pwedeng pumalpak ngayon dahil oras na hindi gumana ang plano ko ay mas mas mahihirapan ako. I know it's wrong pero mas mali ang hindi hindi ko ipaglaban ang nararamdaman ko. Hindi pwedeng wala akong gawin habang lalong lumalayo sa si Dawson sa akin Magalit man siya at least may ginawa talaga ako this time hindi 'yung pinaparamdam niya kung gaano siya ka galit sa akin gayong wala naman akong kasalanan sa kan'ya. Huminga ako ng malalim, kinakabahan kasi ako. Kahit anong lakas ng loob ko ay dumating talaga sa punto na natatakot rin ako sa kalalabasan nito. "Bahala na, laban ng Cia magbubunga rin ang lahat ng ito," bulong ko habang pinapalakas ang sarili ko. Hinahalo ko kasi ang pampatulog na binili ko sa tubig na inihanda ko dito sa loob ng silid ni Dawson. Nakasanayan na kasi niyang uminom ng tubig sa gabi pagpasok niya dito kaya nakaisip ako ng pagkakataon na gawin ito. Paano ko nalaman? Simple, may spy camera na nilagay ako dito para mamonitor ko ang bawat kilos ni Dawson. Sabihin ng baliw ako at obsessed sa kan'ya, then, so what? Hindi sila ang nasa katayuan ko na pinaparamdam sa akin ng taong mahal na mahal ko na wala akong importansya sa kan'ya. Ang sakit dahil ginawa ko ang lahat para mahalin niya pero hanggang ngayon tinitigan niya akong parang walang kwentang tao at isa lamang akong tau-tauhan sa loob ng bahay na ito. Matapos ang ginawa ko ay palihim na lumabas ako. Siniguro ko na walang cctv camera sa lugar na ito dahil ayaw ko na pumalpak ang plano ko. Mabuti na ang walang hadlang para makasiguro ako naaayon ang lahat sa gusto ko. Inabot ko ang wireless phone sa gilid ng kama ko at tinawagan ko si Sofia ang isa sa mga kasambahay na tapat sa akin. "Pumunta ka dito sa silid ko may ipagagawa ako sa'yo," sabi ko saka mabilis na pinutol ang tawag. Kailangan na plantsado ang plano ko para walang aberya at kakailanganin ko siya. Saglit pa ay kumatok ito. Alam ko na mapagkakatiwalaan siya dahil subok ko na ang katapatan niya sa akin simula pa lang. "Senyorita, ano po ang i-uutos mo sa akin?" tanong nito ng nasa harapan ko na. Inabot ko dito ang puting sobre na inihanda ko. "Buksan mo," utos ko dito. "Ano po ito? Para saan po ito?" naguguluhan na tanong ni Sofia. "I need your help Sofia at alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin. Sa lahat dito ikaw lamang ang pinagkakatiwalaan ko," tapat na sabi ko. "Naku, sabihin mo lang po. Hindi mo na ako kailangan bayaran senyorita," nahihiya na sabi nito. Bakit nga naman hindi? Personal na pinapag-aral ko ang mga kapatid niya at pinapagamot ko pa ang Nanay niya. "Hindi ako humingi ng kapalit o naniningil ng utang na loob. Huwag mo sanang isipin na ganun. Kailangan ko lang talaga ng tulong mo sa pagkakataon na ito at bilang kapalit handa kitang bigyan ng malaking pabuya oras na magawa mo ang gusto ko," mahinahon na sabi ko. Sigurado ako na maiintindihan niya ako lalo na at alam na alam niya kung gaano ko ka gusto si Dawson. Saksi siya kung paano ako ilang ulit na umiyak sa tuwing ba-balewalaain niya ako. "Bantayan mong umuwi si Daddy mamayang madaling araw at kapag dumating na siya siguraduhin mo na pupunta siya sa kwarto ni Dawson," sabi ko. "Sige po senyorita, iyon lang po ba?" tanong nito. "Oo, magkunwari ka na nag-aalala dahil wala ako sa silid ko tapos, hinanap mo ako at narinig mo ang boses ko sa loob ng silid ni Dawson," paliwanag ko dito. "Copy po, gagalingan ko senyorita," nakangiti na sabi ni Sofia. Napangiti ako, inaasahan ko na ito. Alam ko na hindi ako bibiguin ni Sofia. Tumayo ako at lumapit sa kan'ya at agad na niyakap ng mahigpit. "Thank you Sofia, hindi ko alam ang gagawin ko at paano matutupad ang plano ko," sabi ko saka kumalas ng yakap dito. Pakaalis niya agad na pumasok ako sa banyo at naligo. Siniguro ko na mabango at malinis na malinis ako. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito kaya gagawin ko ang lahat para umayon sa akin ang pagkakataon na ito. Alas onse ng dumating si Dawson kita ko sa monitor kung paano siya naghubad at pumasok sa shower room para maligo. Para akong mauubusan ng hininga sa tindi ng kaba at lakas ng kabog ng dibdib ko. Ganito pala kapag may gagawin kang hindi maganda dahil daig ko pa ang magnanakaw na takot na takot mahuli pero gagawin pa rin dahil kailangan. Minsan sa buhay hindi talaga natin masabi kung ano ba talaga ang dapat dahil kung sa pagkakataon na ito ay alam ko namang Mali pero gagawin ko at susugal ako para makuha ko ang gusto ko. Nanginginig ang kalamnan ko ng lumabas sa banyo si Dawson na tanging puting tuwalya lamang ang nakabalot sa ibabang bahagi nito. Dalawang gabi ko pa lang naman siyang pinapanood ng ganito dahil recently lang ako nagkaroon ng ideya na gawin ang bagay na ito. "Please Dawson, inumin mo na 'yang tubig kahit konti lang," usal ko habang nakatitig sa monitor na akala mo ay narinig ako nito. Napa-buga ako ng hangin ng damputin nito ang cellphone at sinagot ang tawag. Punong-puno ng kaba at takot ang dibdib ko dahil baka hindi mangyari ang gusto dahil sa bwisit na istorbo na ito. Saglit pa ay ibinaba nito ang hawak na cellphone at gaya ng inaasahan ko ay nagsalin si Dawson ng tubig at mabilis na uminom. "God, heto na sandali na lang magiging akin ka na," nakangiti na sabi ko habang nagniningning ang mga mata na nakatitig sa lalaking sapo ang ulo. Saglit pa at nahiga ito, malinaw na nakita ko kung paano na kalas ang tuwalya sa bewang ni Dawson at bumagsak ito sa kama. "Great magiging madali para sa akin ang plano ko dahil hindi ko na siya kailangan na hubaran. Isang oras ang pinalipas ko na halos hilahin ko na bago pumasok sa silid ni Dawson. Madali ko ng buksan ang silid nito dahil palihim na nakukuha ako ng spare key na tanging ako lamang ang nakakaalam. Bago tuluyang pumasok ay siniguro ko na pauwi na nga ang Daddy ko kaya tinawagan ko ulit si Sofia para muling ipaalala dito ang lahat ng bilin ko. Masaya pero kinakabahan na pumasok ako sa silid ni Dawson. Nilapitan ko itong hubo't hubad na nakahiga sa kama. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko hanggang sa nagpasya akong i-off ang ilaw sa silid niya at hayaang nakabukas lamang ang lampshade sa ibabaw ng side table niya sa tabi ng kama. Dali-daling dinala ko ang baso at lagayan ng tubig niya sa sink sa loob ng banyo at hinugasan. Ayoko mag-iwan ng ebidensya na magtuturo at magdidiin sa akin. Malakas ang tahip ng dibdib na hinubad ko ang lahat ng saplot sa katawan ko at mabilis na nahiga sa tabi ni Dawson. Napangiti ako nghilahin ko patakip sa hubad na katawan namin ang makapal na kumot na siyang tanging saksi sa ginawa ko. Nanginginig ang kamay na inayos ko ang braso niya at umunan ako saka kagat labi na hinaplos ko sa mukha ang lalaking mahal ko. "Finally magiging akin ka na rin Dawson. Hindi mo na ako pwedeng tanggihan at layuan pagkatapos nito," nakangiting bulong ko na tila ba gising ang diwa ng lalaking mahimbing na natutulog. Hindi ako nakatiis at bumaba ang labi ko sa nakaawang pa niyang labi. I missed him, specially kissing him like this kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at gigil na siniil ko siya ng halik hanggang sa tuluyang magbago ang temperatura ng katawan ko. Para siyang masarap na pagkain sa harapan ko na pwede kong makain pero alam mong hindi ako mabubusog dahil kulang ito. Sana gising siya, sana nararamdaman niya kung gaano katindi ang epekto niya sa katawan at pagkatao ko. Kagat labi na pinagapang ko ang kanang palad ko mula sa dibdib niya hanggang sa mabatong tiyan ni Dawson. Nanginginig ang kamay na tinungo ko ang bahagi na matagal ko ng inaasam na ngayon ay hawak ko na ng mahigpit at paulit-ulit na hinahaplos at hinihimas. Ganito pala ang itsura nito, matigas, mainit, maugat na may malambot na balat. Kasing tigas siya ng kahoy at kasing laki ng braso ng bata. Napangiti ako, finally may muwang na ako sa mundo dahil nahawakan ko na ang bagay na ito. Ipinilupot ko ang braso ko sa bewang ni Dawson saka pumikit ng nakangiti habang nakapatong sa braso niya ang ulo. "Sandali na lang, alam ko na oras na magising tayo pareho ay akin ka na talaga ng tuluyan," bulong ko sabay halik sa gilid ng labi ng mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD