CYRIA
Tulad ng gusto ni Daddy ay agad na inayos namin ni Dawson ang lahat ng legal documents na kailangan namin para sa process ng aming kasal. Pormal ang pakikitungo niya sa akin matapos nilang mag-usap ulit ng aming kinikilalang ama sa library ng hindi ako kasama.
Hindi ko alam kung tungkol saan at ano talaga ang pinag-usapan nilang dalawa dahil hindi na ako nagtangka na magtanong pa. Ayaw ko na kasi silang bigyan ng dahilan na magalit na naman sa akin dahil quota na ako sa nagawa kong kasalanan kanila tapos dagdagan ko pa.
Alam ko na labag sa loob ni Dawson ang lahat at napipilitan lamang siya pero sumang-ayon pa rin ito na pakasalan ako alang-alang kay Daddy na ginagawa ang lahat para sa akin.
sa totoo lang na-gu-guilty ako pero inisip ko na lang na ito na siguro ang plano ng diyos para sa akin. I know I did it in a very selfish way kaya kapag kinasal na kami ay babawi ako sa kanilang dalawa.
Ilang araw na kaming naging abala sa kan'ya-kaniya naming appointment. Pareho kaming hindi na nakialam sa detalye ng kasal dahil may wedding planner naman na kinuha si Daddy na siyang nag-aayos ng lahat.
Heto ako nakatayo sa veranda habang tinatanaw ang malaking bilog na buwan. Bukas darating na ang pinakahihintay ko at sa wakas ay magiging ganap na asawa na ako ni Dawson.
Alas tres ng hapon ang kasal namin at pagkatapos noon ay tutuloy sa reception. Hindi ko rin alam ang bawat details at arrangements dahil ang gusto ni Daddy ay magpahinga na lang umano ako at siya na ang bahala sa lahat kaya kahit gusto ko ay nagpaubaya ako.
Malaking pag-asa ang sumibol sa puso ko matapos makita kung paano nagbago ang pakikitungo sa akin ni Dawson. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila ni Daddy kaya bigla siyang nagbago kaya nagpapasalamat ako dahil kahit paano ay hindi na kami tulad ng dati na palagi ay parang mga estranghero sa isa't isa.
Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na ang lahat. Gumising ako para mag-almusal pero halos wala rin akong na kain dahil sa matinding excitement na nararamdaman ko.
Wala si Dawson sa paligid dahil ang alam ko ay nasa condo nito siya tumuloy kahapon pa. Ayon kasi sa tradition ay hindi kami p'wedeng makasama sa isang bubong bago ang kasal kaya minabuti ni Daddy na paghiwalayin kami at sa simbahan na lang magkita.
Abot-abot ang kaba ko sa ng simulan ng make up artist at beautician ang buhok at mukha ko hanggang sa matapos ito.
Gusto kong maiyak matapos na makita ng dalawang mga mata ang sarili ko sa salamin dahil tama mga ang sinabi ni Daddy na kamukhang-kamukha daw ako ng Mommy ko.
Siguro kung nabubuhay lamang siya sa mga oras na ito ay alam ko na magiging masaya siya na makita akong ikakasal sa mahal ko. Nilakasan ko na lang ang loob ko habang lulan ng sasakyan na maghahatid sa akin sa simbahan at pilit na kinakalamay ang loob dahil sa matinding tensyon at halo-halong emosyon.
Naroon na ang lahat at alam ko na tanging ako na lamang ang hinihintay para sa kasal. Nanalangin ako na sana gano'n din si Dawson kahit alam ko na impossible ang bagay na iyon.
Alam ko na galit siya sa akin kahit hindi niya sabihin. Nararamdaman ko iyon sa kung paano niya ako tingnan at halos ay hindi kausapin. Hindi ko siya p'wedeng sisihin dahil kasalanan ko talaga ang lahat kaya napilitan siyang pakasalan ako.
Ginusto ko na makasal kami kaya pilit na nilakasan ko ang loob ko para hindi ako sumuko. Ito na ang pagkakataong hinihintay ko at hindi ako p'wedeng panghinaan ng loob.
Malakas ang kabog sa dibdib na bumaba ako ng magarang sasakyan at sinalubong ng baklang organizer na siyang in charge sa lahat.
"Miss Cia, kapag po nagsisimula na ang music at bumukas ang pintuan, p'wede ka na pong humakbang papasok," sabi ni Jessica habang inaayos ang trahe de boda sa likuran ko.
Nakangiti na sumagot ako at marahang humakbang ang paa papasok ng tumugtog at bumukas ang pintuan.
Nakatitig ako sa altar habang naglalakad at walang pakialam sa mga taong dumalo na karamihan ay mga ka kilala lamang namin dahil sa negosyo.
Napangiti ako ng nasa may pintuan pala naghihintay si Daddy na siyang kasabay ko ngayon na naglalakad papuntang altar kung nasaan nakatayo si Dawson katabi ni Zandro na nakatutok sa akin ang mga mata na tila may ipinapahiwatig na kung ano.
Nanginginig maging ang kalamnan ko at abot ang matinding kaba ng i-abot ni Daddy kay Dawson ang kamay ko na walang kahit anong bakas ng emosyon sa mukha na kinuha nito saka humarap kami sa pari na naghihintay sa amin.
Lutang ako sa halo-halong emosyon. Daig ko pa ang hindi mapakali pero sinikap kong huwag ng isipin muna ang kung ano-ano kaya nilakasan ko ang loob ko.
Heto na kasi kami sa tagpo na tinatanong pareho ng pari kung tinatanggap namin ang isa't isa na mabilis kong sinagot ng 'oo' habang si Dawson naman ay tila nag-isip pa bago sinabing tinatanggap niya ako bilang asawa.
Nakahinga ako ng maluwag, finally kasal na kami at asawa ko na siya. Nawala rin ang mga bagay na kanina pa laman ng isipan ko at maging ang mga alinlangan kanina dahil hindi nangyari ang kinatatakutan ko na sa huli ay aayawan ako ni Dawson at iiwan ako sa harap ng altar gaya ng mga napanood ko.
Nakatitig ako sa mga mata niya ng sinabi ng pari na p'wede na niya na akong halikan. Hindi ko mabasa ang ibig ipahiwatig ng malamig pa sa yelo na mga mata ni Dawson na tila ba ay nagbabanta sa akin ng kung ano hanggang sa tuluyang nawala iyon ng pumikit ako dahil sa lumapat ang labi niya sa labi ko.
Walang usapan ang naganap sa pagitan namin hanggang sa natapos ang kasal namin at pumunta sa reception.
Masaya ang mga bisita namin para sa amin pero daig ko pa ang hindi mapakali sa tabi ng asawa ko. Marami ang bumati sa amin at ang ilang kakilala namin ay nagbigay ng mensahe at wishes sa aming mag-asawa.
Gusto kong maiyak ng si Daddy na ang magsalita at sinabing kahit anong mangyari ay mananatili pa rin akong prinsesa niya kahit reyna na ako sa buhay ni Dawson.
Lihim na sinulyapan ko ang lalaking katabi ko, para siyang tuod sa tabi ko. Narito siya at ang presensya niya pero alam ko na nasa malayo ang isip at puso niya.
Nang magsimula ang dance party at una akong sinayaw ni Daddy hanggang sa huli ay na punta ako kay Zandro na ngayon ay kasayaw ko.
"Are you happy now Ria?" tanong nito pero hindi ko sinagot dahil umahon ang galit sa dibdib ko matapos na makitang lumapit ang babaeng binasag ko ang sasakyan kay Dawson at nag-usap ang mga ito hanggang sa hinila ni Dawson palayo kaya bumitaw ako sa kasayaw ko para sundan sila.
"Ria, I guess kailangan mo silang bigyan ng chance na makapag-usap," halos pabulong na sabi ni Zandro habang hawak ako sa braso.
"Hindi pa niya matanggap ang kasal ninyo ni Dawson at kapag lumapit ka sa kanila ay baka magkagulo lamang kayo kaya minabuti ng asawa mo na ilayo siya dito," payo ni Zandro sa tabi ko.
Tiningnan ko siya, tama siya asawa na ako ni Dawson at may karapatan na ako sa kan'ya. Karapatan ko rin na siguruhin na walang mga higad ang aaligid sa tabi niya dahil mananagot talaga sila sa akin.
"No, pupuntahan ko sila," taas noo na sabi ko.
"No, Ria. Makinig ka sa akin for once. Gusto mo bang sumabog sa galit si Dawson dito mismo?" seryosong tanong nito.
Natahimik ako, higit kanino man si Zandro lamang ang mas nakakakilala sa kaibigan kaya minabuti ko na umupo sa tabi niya habang nagngingitngit sa galit.
Isipin ko pa lang na kasama niya ang bruhang iyon ngayon ay nagkukukot na ang kalooban ko.
"Kahit kasal na kayo ni Dawson ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo, Ria. Handa akong protektahan ka, physically and emotionally pain sa bawat sakit na maaari mong pagdaanan."
Gusto kong maiyak sa sinabi ni Zandro. Bakit ba ganito siya? Bakit ba hindi na lang kasi siya ang minahal ko ng todo gaya ng pagmamahal ko kay Dawson?
Hindi ako umimik, pareho na rin kaming tahimik at nakatingin lamang sa mga taong masayang nag-ce-celebrate para sa amin ni Dawson habang kami ay parehong hindi malaman kung paano magkakasundo.
Saglit pa ay bumalik ito at tinapunan ako ng masamang tingin. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila ng babaeng iyon dahil nagbago ang auwra ni Dawson ng bumalik sa tabi namin ni Zandro.
"Let's go home, walang silbi na magtagal pa tayo sa kunwaring party na ito," sabi ng asawa ko sabay hawak ng mahigpit sa braso ko.
Kung titingnan ay para kaming sweet na mag-asawa pero ang sakit ng mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko na kulang na lang ay malasog ang laman at mabali ang mga buto habang naglalakad palapit sa Daddy namin.
"Excuses us everyone, my apologies, pero kailangan na namin kayong iwan. May iba kaming appointment na kailangang puntahan, you know," sabi nito saka pagak na tumawa na sinabayan naman ng iba.
Tipid at nahihiya na ngumiti lang ako habang nagpapaalam kami. Ngiti na nawala ng makalabas kami sa venue at mabilis na tinungo nito ang sasakyan niya at sumakay sa driver seat.
Kahit mataas ang takong ay nagmadaling sumunod ako dahil sa takot na iwan ni Dawson dito sa parking. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa lahat kapag nangyari ang bagay na iyon?
"Sakay!" madilim ang mukha at malakas na sigaw nito.
Sinunod ko siya at agad na sumakay sa backseat pero laking pagsisi ko dahil hindi ko man lamang naikabit ang seatbelt kaya ang resulta para akong nasa roller coaster sa bilis magpatakbo ni Dawson na akala mo ay nakipag-karera.
Hindi ako umimik at hinayaan siya. Pumikit ako dahil sa totoo lang ay natatakot akong makita ang mabilis na takbo ng sasakyang parang hangin na sumasalubong sa amin.
Laking pasasalamat ko na nakarating kami ng ligtas sa parking lot ng building kung saan siya nakatira. Alam ko ang lugar na ito dahil kasama ito sa inutos ko sa private investigator na binayaran ko noon na hanapin sa tuwing mawawala si Dawson at ilang araw na hindi uuwi sa mansyon.
Para akong anino na nakasunod kay Dawson sa bawat kilos niya. Wala siyang pakialam na naglakad ng mabilis kahit pa nahihirapan ako dahil sa trahe de boda na suot ko at mataas na takong ng sapatos ko.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit ganito ang sinuot ko. I dreamt this weeding kaya naman sobrang pinaghandaan ko kasama ng mga suot ko ngayon.
Pabalandra na binuksan niya ang pintuan at halos mabingi ako sa kung paano niya isinara iyon. Naiwan akong nakatayo at tulala sa sala habang mabilis na pumasok siya sa loob kung saan ay hindi na lumabas pa.
Isang oras akong naghihintay habang hindi malaman ang gagawin pero mukhang wala na siyang balak lumabas pa kaya sinundan ko siya at pumasok sa pintuan kung saan ko siya nakita.
Napakurap ako ng abutan ko siyang hawak ang kopita ng alak at madilim ang mukha na umiinom.
"Get out! Hindi kita kailangan dito at ayaw kung makita ang pagmumukha mo!" malakas na bulyaw ni Dawson sa akin.
Naiiyak ako, parang tinusok ng matalas na kutsilyo ang puso ko sa narinig na sinabi nito pero wala akong magawa kung 'di tanggapin iyon dahil sa pinilit ko siya sa kasal na ito.
"Dawson, can you please give me a chance, kahit konti lang?" kagat ang pang-ibabang labi na tanong ko pero tiningnan lang ako ng masama sa nilagok ang alak na hawak.
"I said leave! Ayaw kong makita ang lintik na pagmumukha mo," matigas na sabi pa nito.
Hindi ako makapagsalita at makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang sakit, pero ano bang karapatan kong magreklamo?
Kahit kinakabahan at natatakot sa posibleng maging reaksyon ni Dawson ay lakas loob na nagsalita ako.
"Asawa mo na ako, bakit gan'yan ang trato mo sa akin? Hindi pa ba sapat na mahal na mahal kita ha, Dawson?" naiiyak na tanong ko habang pilit na nagmamakaawa dito na tanggapin ako.
"Asawa? Bakit sa tingin mo tinanggap na ba kitang asawa huh, Cyria?" tiim-bagang na tanong nito na tumayo at sinunggaban ako. Napamulagat na lamang ako matapos na haklitin ang braso ko dahilan para mapaigik ko.
"You witch! Kahit kailan, hindi kita matatanggap dahil sinira mo ang buhay ko!" Matalim ang tingin na pinukol nito matapos sabihin ang katagang iyon na dumurog sa puso ko.
"Ano pa ba ang kulang? Handa naman akong sundin at gawin ang gusto mo?" naiiyak at frustrated na tanong ko kahit pa natatakot ako sa p'wedeng gawin nito dahil ramdam ko ang matinding galit na nagmumula sa kan'ya.
"Anong gusto ko? Lumayas ka dito at mawala ka sa buhay ko!" galit na galit na sigaw nito sa mukha ko.
"No, hindi ako susuko. Asawa na kita at akin ka na! Kaya kahit anong mangyari, mananatili ako sa tabi mo, sa ayaw at sa gusto mo," determinado na sagot ko.
Ayaw kong panghinaan ng loob dahil pakiramdam ko ay kapag ginawa ko iyon ay bibigay ako at mauuwi na naman sa mahabang oras na pag-iyak.
"Talagang matigas ka. Sige, pagbibigyan kita. Do you want me? I can fvck you all day if that's is what you really want. But it doesn't mean I will treat you as my wife," naka-ngising sabi nito na hinawakan ako sa panga at pinagbaling-baling.
Natakot ako sa kalamigan na nakikita ko at hindi ako nakapiglas ng hakiltin niya ang trahe de bodang suot ko dahilan para masira ito at bumagsak sa paanan ko habang ramdam ko ang matinding hapdi sa balat ko dulot ng matinding pwersa na nagmula sa ginawa ng asawa ko.
"Not bad," kibit-balikat na sabi nito na binitawan ako habang nanginginig sa harap niya. Muli ay na upo sa sofa si Dawson at nagsalin ng alak sa kopita habang naka-de-kwatro ang paa.
"Gusto mong magustuhan kita? Be my w***e! Gawin mo ang gusto ko gaya ng pangako at sinasabi mo," matalim ang mga matang sabi nito saka lumagok ng alak.
"Dance, seduce me then, gaya ng ginawa mo," naka-ngising demonyo na sabi nito.
Mahal ko si Dawson at ginawa ko ang lahat para makuha siya sa akin kaya alam ko na makakaya ko rin ang hinihingi niya.
Nagsimula akong igalaw ang kamay at katawan ko hanggang sa nagawa kong igiling maging ang balakang ko para sa isang sexy at seductive dance na gusto niya.
"Alisin mo na lahat 'yan, give me a nice show at hindi gan'yan na para kang tuod!" matigas na utos nito na sinunod ko.
Dahan-dahan na tinanggal ko ang kakarampot na takip sa dibdib ko at hinagis sa sahig saka sinunod ang manipis na saplot na tanging takip sa pinaka-pribadong bahagi ng katawan ko.
Kita ko ang pagtaas ng kilay nito pati na rin ang pilantik ng daliri na nagsasabi na lumapit ako.
Nanlaki ang mga mata ko ng walang kaabog-abog ay binaklas nito ang sinturon at inilabas ang malaking sawa na ngayon ay handa akong tuklawin kapag hindi ako sumunod.
"Come here, b***h! Lick him and satisfy me," walang emosyon na sabi nito.
Maang na nakatingin ako sa bahagi ng katawan na hawak ni Dawson dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko gagawin ang utos niya. Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganito at never ko pa na experience ang humawak nito.
May ideya ako pero ang tanong, kaya ko ba?