Chapter 5

1806 Words
CYRIA Seryoso ang mga mukha ng tatlong lalaking kasabay kong kumakain ng almusal na hinatid ng kasambahay namin dito sa garden sa tabi ng pool. "It's a good thing na nagkasabay-sabay tayong kumain ng ganito. Masaya akong aalis mamaya dahil mukhang magkasundo na kayong dalawa kahit paano," sabi ng Daddy ko na bumasag sa katahimikan naming lahat. Mga kalasingan lang kasi ng kutsara, tinidor at baso ang naririnig ko sa paligid dahil wala ni isa sa amin ang nagtangka na magbukas ng usapan. Hindi kumibo ang masungit na katabi ko na si Dawson kaya ako na ang sumagot sa Daddy ko para hindi awkward ang sitwasyon. "Saan ang punta mo Daddy?" tanong ko. Sanay naman kasi akong umalis na lamang siya bigla sa dami ng engagement nito at mga meetings sa loob at labas ng bansa. "Sa Thailand anak. Nagkaroon ng problema ng factory natin doon at marami ang na reject na product dahil bagsak ang quality control ng huling delivery natin sa mga kliyente natin," problemadong sabi ng Daddy ko. It's common, sa mundong ginagalawan ko sanay na ako sa mga ganitong problema. Sa Thailand pinili ni Mommy na magbukas ng factory dahil sa mura at tipid umano ang kompanya kung doon gagawin ng production. Well business genius ang Mommy ko kaya napalago niya ng todo ang mga negosyo ng kan'yang pamilya katuwang si Daddy na ginawa ang lahat para masiguro na mananatiling matatag na nakatayo ito kahit wala na ang aking ina bilang legacy na iniwan nito amin. Humanga ako ng husto sa daddy ko kung paano niya mahalin ang aking ina. Nangangarap ako na balang araw ay makakatagpo rin ako ng lalaking katulad niya na kaya akong mahalin kahit wala na ako sa tabi niya. Siguro selfish ako para hilingin 'yun dahil nasa akin na lahat pero hindi ang atensyon ng taong mahal ko. "Dawson anak, ikaw na ang bahay kay Cia ha, tatlong araw lang akong mawawala," bilin ng daddy ko. Gusto ko tuloy tumayo at yakapin ang lalaking nagpalaki sa akin at mahal na mahal ako. "She's not a kid anymore. Kaya na niyang alagaan ang sarili niya," matigas na sagot ni Dawson sa tabi ko. Yeah, as usual ganito na naman ang narinig ko mula sa mahal ko pero sanay na ako. Tila ba lahat ng bagay o kahit anong kaugnayan sa akin ay ayaw niya. Para bang ang laki ng kasalanan ko sa kan'ya dahil pinaparamdam niya sa akin na ayaw niya at lalong hindi niya ako gusto. "That's my order," matigas na sagot ng Daddy ko na naging dahilan ng tensyon sa paligid. "I'm fine dad, gaya ng sabi ni Dawson malaki na ako at kaya ko ng alagaan ang sarili ko," nakangiti na sabat ko dahil ayaw kong makita ang malungkot na mukha ng lalaking walang ibang ginawa kun'di mahalin ako kahit hindi naman talaga niya ako kaano-ano. "Tsk!" narinig ko mula kay Dawson saka uminom ng tubig mula sa basong nasa harapan nito. Saglit pa ay nagpaalam na si Daddy na a-alis dahil may mga gagawin umano siyang mahalagang bagay kaya diko na pinigilan. Nangako siyang babalik after two days kaya wala akong magawa kun'di tapusin ang almusal ko kahit ang awkward ng sitwasyon naming tatlo. Kanina pa rin kasi tahimik si Zandro sa tabi ko matapos na maging seryoso rin ito sa harap namin kanina. Siguro ay nararamdaman niya ang tensyon na bumalot sa aming lahat kaya mas pinili nito ang manahimik sa tabi ko. Matapos kumain ay iniwan ko ang dalawa dahil parang hangin lang naman ako sa harapan ni Dawson. Inilubog ko na lang ang dalawang paa ko sa tubig ng pool habang nakatitig dito. "Are you okay Ria?" marang tanong ni Zandro na umupo sa tabi ko. Hindi ako sumagot dahil wala ako sa mood. Hindi ko alam kung bakit siya lapit ng lapit sa akin gayong alam naman niyang iniiwasan ko siya. "I love you," narinig kong sabi ni Zandro. Napatingin tuloy ako dito dahil sa biglang sinabi niya. Sanay na ako na malambing siya at pinaparanas kung gaano niya ako kagusto pero wala talaga akong makapa na kahit anong espesyal na damdamin para sa kan'ya. Siguro kung siya na lang ang minahal ko ay magiging kumpleto at masaya ako. Gaya ko rin siya nag-mahal sa taong hindi kayang suklian iyon kaya pareho kaming nasasaktan. Kung sana kaya ko lang turuan ang puso ko ginawa ko na pero kahit paulit-ulit kong gawin ay hindi ko magawa. Wala sa sarili na napasandal ako sa balikat niya. Pakiramdam ko kasi ay ngayon ko kailangan ng karamay. Kanina pa ako nasasaktan dahil sa cold treatment ni Dawson at wala akong magawa kun'di i-endure iyon. Rinig ko ang malalim na buntong-hininga na pinakawalan ni Zandro. Pero hindi ako gumalaw o sumagot man lang. "Masaya ako dahil for the first time hindi mo ako pinagtabuyan," sabi nito. Parang na konsensya naman ako, ganun ba ako ka maldita at at ganito ang pinaparamdam ko kay Zandro? Kung sabagay ay hindi ko kasi gusto noon na lumapit siya sa akin dahil alam ko naman na may gusto si Zandro. Ayaw kong makagawa ng kahit anong bagay na ikasisira ko kay Dawson. Pinili ko na lang umupo ng maayos at tuwid dahil baka iba na naman ang maging basa ni Zandro sa kilos ko kaya mabuti na dumistansya ako. "I'm sorry Ria," tila nahihirapan na sabi nito. Saka ko lang na intindihan ang ibig niyang sabihin ng bigla na lang bumaba ang labi niya sa mukha ko at nadikit sa nakaawang pa na labi ko at siniil ng maalab na halik. Hindi ako nakahuma at para akong napako sa kinauupuan ko. Hindi gumana ang utak ko sa biglaang kilos ni Zandro na ngayon ay sabik na nagpapakasasa sa labi ko. "Such a nice view," bigla ay narinig kong komento ni Dawson sa tabi ko. Naramdaman ko ang kamay nito na humahaplos sa braso ko kaya lalo lamang na blangko ang utak ko. Ramdam ko kung paano sinapo ni Zandro ang kanang dibdib ko saka pinaglaruan at pinisil-pisil nito. Mukhang nakalimutan niyang nasa pool kami at kasama namin si Dawson na naramdaman ko ang halik sa batok ko. "Anong nangyayari?" wala sa sariling tanong ko sa isipan ko. Hindi ko naman kasi maibuka ang labi ko dahil hanggang ngayon ay gutom na pinang-gigilan iyon ng lalaking kulang na lang ang lunukin ako. Nakagat ko ang labi niya ng mula sa likod ko ay naramdaman ko na hinila ni Dawson ang tali ng kakarampot na tela sa dibdib ko. Napaungol na lang ako ng maramdaman ko ang mainit na labi niya sa balikat ko habang tinulungan si Zandro na laruin ang kaliwang dibdib ko. Ang init ng mga palad nilang sapo ng mahigpit ang dalawang malaking dibdib ko at nilamas ng todo. "Ummmm," isang impit na daing ko ng sabay na bumaba ang labi nila sa magkabilaang leeg ko. "Ria baby," narinig ko na daing ni Zandro kasabay ng bahagyang pagtampal nito sa balikat ko. "Huh?" naguguluhan na nag-angat ako ng ulo at nagtatanong ang mga matang napatingin ako kay Zandro. His red thin lips ang bumungad sa mga mata ko na parang nang-aakit sa akin na alam kong natikman ko kanina sa panaginip ko. "I'm sorry," namumula ang mukha na sabi ko dahil bigla akong nahiya sa mga tumatakbo sa isipan ko. "It's okay," nangiti na sabi nito sabay haplos sa mukha ko. Nasa ganun kaming tagpo ng maalala ko si Dawson. "Asan na si Dawson?" tanong ko na umiikot ang mata sa paligid para hanapin ito. "Pumasok na sa loob. Medyo mataas na kasi ang sikat ng araw kaya ginising na kita. Mukhang pagod na pagod ka," malambing na sabi nito. Tama siya kulang ako sa tulong dahil para akong baliw na ulirang asawa na naghihintay sa pag-uwi ni Dawson hanggang inabot ng madaling araw kanina. Siguro kung si Zandro lang ang natutunan kong mahalin ay ako na ang pinaka-maswerteng babae sa mundo. He is caring, loving and a sweet guy. May pagkakatulad sila ni Daddy kung paano alagaan ako pero ang tanga na puso ko sa iba pa nagkagusto. Tipid ako na ngumiti dito na naging dahilan ng biglang pag-liwanag ng mukha ni Zandro habang maningning ang mga matang nakatingin sa ga hibla na lamang na distansya ng mukha namin. "Thank you dahil naririto ka ngayon sa tabi ko," puno my sinceridad na sabi ko. Muli siyang ngumiti at hinaplos ulit ang kanang pisngi ko. "Lagi lang akong nasa tabi mo Ria anytime na kailangan mo ako handa akong maging ibang tao para sa'yo," makahulugan na sabi nito. Hindi ko napigilan ang butil ng luha na pumatak sa pisngi ko. Bakit ba hindi ko kayang mahalin ang isang ito? Bakit si Dawson pa na abot hanggang langit ang galit sa akin kahit wala naman akong ginawang kasalanan sa kan'ya? Hindi ko alam kung dala lang ng panaginip o ano pero nagawa kong idikit ang labi ko sa labi ni Zandro at halikan siya ng kusa. Alam kong nagulat siya sa inasal ko dahil malimit ay tinutulak ko siya palayo sa akin. Sa isip ko he deserve a kiss from me dahil napagaan niya ang mabigat na pakiramdam ko. Hindi nakaligtas sa akin kung paano napangiti si Zandro ng sipsipin ko ang ibabang labi nito at paglalaruan ito gaya ng napanood ko. I'm not expert nor have much experience dahil sa kanila lang naman ni Dawson ako nakaranas ng halik kaya kahit paano ay may alam na ako. "That's a sweetest kiss I ever experience," paos na sabi ni Zandro ng pakawalan ang labi ko. Hindi ko nagawang sumagot dahil bumungad sa paningin ko ang nakaupo na si Dawson sa bench habang tinutungga ang beer at sa amin ni Zandro nakatingin. Pilya akong napangiti, nanginginig ang mga mata ko dahil may panibagong ideya na pumasok sa utak ko. Ilang araw pa at isakatuparan ko iyon. Sa ngayon kailangan ko muna ng magandang plano kung paano ko maisasakatuparan ang bagong misyon na gagawin ko. Sisiguraduhin ko na pagkatapos nito sa akin na si Dawson. "Thank you Zandro," masayang sabi ko sa lalaking masaya rin na nakatingin sa akin saka muling inabot ang labi nito at siniil ng halik. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil tumayo na ako at mabilis na iniwan ang dalawa sa pool area. Gagamitin ko na ang huling baraha ko. Bahala na kung ano ang kalalabasan nito pero sa huli sisiguraduhin ko na sa akin din mapupunta si Dawson. Pagod na akong maghintay na makuha ang atensyon niya kaya ako na mismo ang gagawa ng paraan para hindi na siya makawala sa akin. His mine, at mananatiling akin siya kahit sa pinaka selfish na paraan. Saka ko na haharapin ang galit niya dahil ang tanging mahalaga sa akin ngayon ay magawa ko ang bagay na tumatakbo sa isipan ko dahilan para mapangiti ako ng todo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD