NAKATAYO ako sa labas ng gate ng school. Hindi ko alam kung saan ko hihintayin si Yvo kaya mas minabuti ko na manatili rito dahil alam ko na makikita niya agad ako.
He’s going to punish me for letting another man drove me to school, kahit pa isa iyon sa pinagkakatiwalaan niya at halos kasabay niyang lumaki. Walang pinipili ang selos ni Yvo.
Iniisip ko pa lamang kung anong maaaring gawin sa akin ni Yvo, my core pulsates in anticipation.
Naranasan ko na simula nang umpisahan namin itong arrangement na mayroon kami kung paano gumalaw si Yvo sa kama. Kaya alam ko kung anong maaaring i-expect ko. But that man, he’s full of surprises. Hindi ko alam kung ang iniisip ko ngayon ay siya bang gagawin niya sa akin.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko tungkol kay Yvo ay hindi ko man lang namalayan na may grupo na pala ng mga babae na nakatingin sa akin. I glance at them at nagbulungan sila. Nagtawa pa ang ilan at alam ko na ako ang pinagtatawanan. Hindi ko na lang sila pinansin.
They are bullies. Marami na silang pinaalis sa school na ito dahil sa mga pambu-bully na ginagawa nila sa ibang estudyante.
Stacey Ontengco, Andrea Villaflor, and Krystal Rivera. Iyan ang pangalan ng tatlong bullies. Alam ko rin na sila ang nagpapalala ng mga kwento tungkol sa akin, kaya lalo akong nagiging outcast. Too bad for them, kahit anong gawin nila ay hindi nila ako mapaalis sa school.
Mayayaman at maimpluwensya ang kanilang mga pamilya kaya walang kumakalaban sa kanila.
“Watch this,” sabi ni Stacey.
Natigilan ako nang may maramdaman akong tumama sa may ulo ko. Hinawakan ko iyon at nakaramdam ako ng malagkit na bagay roon.
Nakarinig ako ng tawanan. Tiningnan ko ulit sila at bago ko pa makita ay binato na ulit ako ng isa.
I can actually approach them and plummet their faces on the ground, pero hindi ko iyon gagawin. Hindi ko dadaanin sa dahas ang lahat. Hindi dahil kaya ko, pwede kong gawin. Hindi sila kagaya ng mga taong pinarusahan o pinapatay ko sa araw-araw na pagtatrabaho ko kay Yvo. They’re normal students.
“Stop it,” pigil ng isang lalaking kasama nila.
“What? It’s fun!”
Tinangka pang pigilan ng lalaki sina Stacey pero ayaw talagang paawat ng mga ito.
Akmang babatuhin ako ng isa pang kasama nila nang may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Tiningnan ko iyon at alam ko na agad kung kanino ito. Sa crest pa lamang na mayroon ang harapan ng kotse, hindi maipagkakaila that this belongs to the Montecalvo family.
Agad na may bumaba ng kotse at nakita ko sina Gianni at Nero. Humarang sila sa harapan ko. Hindi rin nakawala sa akin ang gulat sa mga mata nila nang makita na may mga dumi sa buhok at mukha ko.
Bago pa sila may magawa, hinawakan ko na ang kanilang mga damit upang pigilan sila.
“Okay lang ako. Tara na. Huwag natin paghintayin si Sir Yvo.”
Alam ko na kasama nila si Yvo at nasa loob ito ng sasakyan. Ayoko rin na bigyan ng atensyon ang mga bully dahil sayang sa oras.
Hindi ako sa naduduwag, alam ko lang talaga na hindi sila worth it sa oras na mayroon ako.
Bago ako umalis, tumigil ako at tumingin sa grupo ng mga nambato sa akin.
“Matatanda na tayo. Lahat tayo tapos na sa teen age. We’re in our twenties. Sana ang maturity ng utak ninyo, sumasabay sa edad na mayroon kayo. Iyon lang.” I said with my emotionless face.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan habang nakita ko ang panggigigil nila. It’s actually more satisfying to me kapag nakikita ko ang mga nang-aapi sa akin na naiinis sa pananahimik ko.
Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. Hindi ko na kailangan pang tumingin sa kanya para lamang makita na nakatingin siya sa akin. Hindi rin siya nagtanong kung anong nangyari sa akin.
Binigyan agad ako ni Gianni ng towel at ipinangpunas ko iyon sa dumi sa mukha at buhok ko.
“I need names of the people who did this to Chiara,” utos ni Yvo. Agad akong napatingin sa kanya.
Kapag ganito na ang tono niya, alam ko ang susunod na mangyayari.
“Hindi mo na kailangang may gawin Yvo—” Tumingin ako kina Gianni at Nero. “Sir.”
Tiningnan ako ni Yvo. Wala man siyang masyadong ipakitang emosyon, the anger is seeping through his skin. Ramdam na ramdam ko na gusto niyang parusahan ang mga taong gumawa nito sa akin.
“I need names.”
Bumuntong-hininga ako. That his non-negotiable tone. Walang makakapalag kapag ganyan na ang tono ng pananalita ni Yvo.
Para sa ibang tao, iisipin nila na si Sir Silver ang pinakanakakatakot sa magkakapatid pero…kayang maging mas masahol ni Yvo kay Sir Silver kung gugustuhin niya.
Yvo can do ruthless things without flinching. Hindi man lang siya nakokonsensya.
“I will tell the Dean about the bullying. Huwag mo silang sasaktan, Yvo. Normal na estudyante lang sila. Hindi mo sila kalaban sa mafia—”
“Bullying is normal now?” sarkastikong tanong niya.
Umiling ako. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Hindi sila kagaya ng mga kalaban natin. Huwag natin silang gamitan ng dahas na ginagamit natin sa mundo natin.”
Tumingin ako kay Yvo. Hindi siya marunong magpatalo. Normally, ako ang laging sumusunod sa gusto niya. Dahil sino ba naman ako para umangal? Tauhan ako ni Yvo. Siya ang bumubuhay sa akin. Pero ngayon, ayoko talagang madagdag ang mga pangalan ng mga iyon sa listahan ng mga pinalibing ng buhay ni Yvo.
“I can deal with them.”
Umigting ang panga ni Yvo. He doesn’t want to be questioned or challenged.
Akala ko hindi siya magpapatalo, and worse, magagalit siya sa akin. Kaya nakahinga ako nang maluwag nang isang buntong-hininga ang pinakawalan nila.
“Fine. Make them apologize to you. Make them kneel in front of you. Humiliate them just like how they humiliate you, Chiara. Kapag hindi mo iyan nagawa at hindi ko nagustuhan ang parusang ibibigay mo sa kanila, ako ang hahatol sa kanila.”
Tumigil ang sasakyan. Napatingin ako sa labas ng building at nakita ko na nasa tapat na kami ng apartment na tinitirhan ko. Malapit ito sa bahay ng mga Montecalvo at malapit lang din sa condo ni Yvo, kaya sobrang convenient ng pagtira ko rito.
Bigay ito ni Yvo sa akin. Binili niya ako ng sariling apartment nang malaman niya na katabi lang ng silid ko sa bahay nila ang silid ng mga lalaking guards nila. Ayoko naman na manatili sa condo niya kasama siya dahil hindi ata magandang tingnan iyon, lalo na at isa lamang akong tauhan nila. Kaya ito at binili niya ako ng sarili apartment.
Noong una ay mamahaling apartment at condo pa ang pinagpilian ko dahil iyon ang properties na ibinili niya para sa akin, pero sabi ko ay hindi ko kayang tanggapin iyon. Kung gusto niya akong bilhan ng matitirhan, iyong simple lang.
Naunang lumabas si Yvo. Halatang hindi pa rin maayos ang mood niya dahil sa nangyari sa akin.
“First time magpatalo ni Boss, ah? Iba ka talaga, Chi. Ikaw lang nakakapagpatahimik diyan kay Boss.” Tumawa si Gianni bago buksan ang pinto niya at lumabas.
“Magalit na raw lahat sa kanya, huwag lang si Chiara.” Tumawa rin si Nero at lumabas ng kotse.
Bumukas ang pinto ko at nakita ko na pinagbuksan ako ni Yvo ng pinto. Mabilis akong lumabas, iniisip na hindi tamang pinagbuksan niya ako ng pinto. Ako ang tauhan niya kaya ako dapat ang nagbubukas ng pinto sa kanya at hindi siya.
“You two can go. Tatawag na lang ako kung aalis na ako.”
Makahulugan na nagkatinginan sina Nero at Gianni bago tumingin sa akin. Nakita ko silang ngumiti bago tumango sa sinabi ni Yvo.
Pumasok muli ang dalawa sa sasakyan at umalis habang kami naman ni Yvo ay pumasok sa loob ng apartment ko.
Kakapasok pa lamang namin, hindi ko pa nga naisasara nang maayos ang pinto ay hinila naa ako ni Yvo. Hinawakan niya ang leeg ko at marahan akong isinandal sa pinto. Napahugot ako nang malalim na paghinga sa ginawa niya.
His eyes are dark, yet the lust is evident. Hindi maipagkakaila na naroroon ang pagnanasa. I am, too. Kanina ko pa iniisip ang mangyayari ngayon.
“Yvo…”
Lumuwag sa pagkakahawak ang kamay niya sa leeg ko at inilapit niya roon ang kanyang bibig. Napasinghap ako nang maramdaman ko na pinapaulanan niya ng halik ang leeg at balikat ko. Hindi lang iyon, bawat halik niya ay alam kong nag-iiwan ng marka.
Ipinikit ko ang aking mga mata. My femininity is tingling. Ganito pa lamang ang ginagawa ni Yvo sa akin ay para na akong sasabog.
“What did I tell you earlier, cara mia?”
Gustong-gusto ko talaga kapag tinatawag niya akong ganoon. Pakiramdam ko, may mas malalim pang nararamdaman si Yvo para sa akin. Pakiramdam ko kapag tinatawag niya ako sa endearment na iyon, I matter to him. Kahit pakiramdam ko lamang ang mga iyon. Kahit walang confirmation o assurance mula sa kanya.
“That you’re going to punish me,” saad ko sa kanya. Sa lahat ng pinag-usapan namin kanina, iyon ang tumatak sa isipan ko.
Marahang humalakhak si Yvo. But his laughter doesn’t have humor, it’s empty.
“I told you that I am going to mark your skin. My mark, cara mia. And everyone will know that you are mine and you’re f*****g off-limits.”
Hinila niya ako at binuhat. Ibinagsak ako ni Yvo sa kama. Hinawakan niya ang butones ng suot kong blouse. Nakakaisang butones pa lang siya nang mawalan na agad ito ng pasensya at sinira ang suot kong uniporme.
“Yvo, ang uniform ko—”
“I’ll buy you new sets of f*****g uniforms tomorrow.”
Sinunggaban niya ako ng halik. His kisses are claiming and possessive. Hindi ako makahinga. But despite the lack of oxygen, ipinulupot ko ang braso ko sa kanyang leeg at sinuklian ang uhaw niyang paghalik.
Bumaba sa may panga ko ang kanyang labi at sinipsip niya ang balat sa ilalim nito. Bumaba muli sa leeg ko ang labi niya at ganoon din ang ginawa. Paulit-ulit siyang nag-iiwan ng mga marka sa aking balat. Mayroon din sa balikat, sa dibdib, at kahit saang parte ng katawan ko na maaari niyang malagyan.
Hinila niya ang aking binti at bahagya itong ibinuka. Napaarko ang aking likod nang halikan niya rin ang inner thigh ko.
“Ahh!” Napaungol din ako nang kagatin niya iyon.
He keeps teasing me, stimulating my core, but never giving me the attention I want.
This is pure torture. A delicious torture.
“Yvo, please…”
“Please, what?” tanong niya as he bites my inner thigh again.
“Please, lick me there—ohh!”
“No, not yet. This is a punishment, remember? You don’t get to f*****g pleasure, Chiara, after you let another man drove you to school,” Yvo groaned. Itinaas niya ang kanyang ulo at muling ipinulupot sa aking leeg ang isang kamay niya.
He caressed the side of my neck, and I stared at his beautiful blue-grey eyes.
He’s still thinking about Teo.
Yvo didn’t let me experience my orgasm for some time. He stimulated my p***y but didn’t give me the chance to c*m. He just let me c*m when I was about to faint.
Hinihingal ako sa ginawa namin. Nakauwi kami ng 1 pm kanina at ngayon ay nagdidilim na. No wonder, muntikan na akong mahimatay sa mga pinaggagagawa ni Yvo kanina.
He prepared bath for me and kneaded my body while we’re both soaking in the bathtub. This is some rare s**t, dahil hindi naman nagtatagal si Yvo rito sa apartment noon. When we’re done, aalis na siya at maiiwan ako. Kaya ang mga ganitong pangyayari, hindi ko maiwasang ilagay sa mga alaala ko para mabalikan ko kapag gusto ko.
Nang matapos kaming maligo ay binihisan din ako ni Yvo. Inihaga niya ako sa kama and he let me rest habang siya ay nagbibihis na rin.
“Are you…” I shouldn’t be asking this, dahil alam ko na madidismaya lang ako sa sagot niya. “Are you staying here for the night? Maghahanda ako ng hapunan.”
Tinangka kong bumangon pero may naramdaman akong kirot ng katawan ko.
“Just rest, Chiara. I’m going. Hindi na rin ako magtatagal.”
See? Nadismaya man ay hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.
Gusto kong itanong kung bakit hindi muna siya manatili rito pero hindi ko na kailangang magtanong dahil sinagot niya na rin ako.
“May dinner kaming dalawa ni Terina. Kailangan kong magpakita sa kanya. After all, she’s my future bride.”
Ouch. Hindi niya na naman kailangang sabihin iyon dahil alam ko naman. Lahat ng iniisip kong masasayang pakiramdam para sa aming dalawa ay agad na natibag ng mga salita niya.
Tumango na lang ako. Hindi ko na magawang makapagbigay pa ng opinyon.
Nang maayos niya ang sarili niya. Lumapit siya sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hinalikan niya ang aking labi.
Hindi ko iyon inaasahan kaya hindi ko nasuklian ang halik niya.
“I’ll be going,” sabi niya. Tumayo ako para ihatid siya sa pinto kahit na ayaw niya. Ipinilit ko pa rin dahil gusto kong masulit ang oras na mayroon kami na magkasama.
“Ingat, Sir Yvo.”
Umalis na si Yvo habang ako ay naiwang natulala.
Babalik na siya kay Terina. Babalik na siya sa babaeng pinili niyang pakasalan at makakasama niya habang buhay.
I wonder, did they have s*x? May nangyayari rin kaya sa kanilang dalawa? Sana wala. Kahit habang hindi pa sila kasal, sana wala. Kahit iyon lang, ibigay muna sa akin. Kahit iyon lang, may kapitan ako. Sana sa mga oras na natitira para makasama ko si Yvo, sana hayaan na ako lamang ang babaeng nakakagawa nito sa kanya. Kahit iyon lang ngayon.
Kahit pagdating lang sa kama, wala akong kahati kay Yvo. Dahil alam ko naman na limitado na lang ang oras na mayroon kaming dalawa. Kapag nagpakasal na sila, Yvo will be Terina’s for the rest of their lives.
Masakit, oo. Ang tanga ko dahil hinahayaan ko si Yvo na gamitin ako, oo. Pero mahal ko iyong tao and I am devoted to him. Sana balan-araw, mauntog ako at magising at makayan na pakawalan siya dahil ni minsan hindi naman siya naging akin. Wala akong karapatang hindi matanggap na mas nababagay siya sa ibang babae kaysa sa isang kagaya ko lang.
One day, I will learn to accept that Yvo is just a phase in my life; a man who was needed for me to know a lot about life but will never be a permanent person in it.
Well, hopefully.