TUMATAKBO ako sa kagubatan at may mga lalaking humahabol sa akin. Si Mama, patay na si Mama. Pinatay nila ang mama ko.
Gusto kong sumuko pero alam ko na hindi iyon gugustuhin ng aking mga magulang. Pinatakas at iniligtas nila ako ng ilang beses hindi para mapunta sa mga taong gustong pumatay sa akin. Kailangan kong mabuhay.
Nakarinig ako ng putok ng baril. Nadapa ako dahil sa pagkagulat. Nakita ko na may sapatos sa harapan ko. Nagtaas ako ng tingin at nakita ko ang lalaking nagpaputok ng baril.
Ang lalaking nagligtas sa akin nang ipagkait sa akin ang pag-asa na mabubuhay pa ako. Ang lalaking nag-angat sa akin nang akala ko ay huling gabi ko na sa mundo.
Ang lalaking pinagkalooban ko ng buhay ko.
Yvo…
“Let’s go home, Chiara.”
Nang akmang hahawakan ko ang kamay niya, bigla siyang nawala. Napatayo ako at agad na hinanap si Yvo. Napangiti ako nang makita ko siya.
I was about to call his name nang makita ko siya na may kasamang ibang babae.
Terina.
No, Yvo! Huwag mo akong iwanan. Ikaw na lang ang mayroon ako. Please…please.
Gusto kong magsalita at sumigaw ngunit para akong pinagkaitan ng boses, hanggang sa pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga.
Nakita ko na lang ang sarili kong kamay na sinasakal ako. Gusto kong pigilan subalit hindi ko magawa. Tila hindi nakikinig sa akin ang sarili kong katawan.
“Yvo! Yvo!”
Ilang beses kong tinawag si Yvo sa isipan ko para tulungan niya ako ngunit hindi ako nilingon ni Yvo.
Ang lalaking parating naririyan para tulungan ako, ngayon ay wala na.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na lamunin ng kadiliman ang aking paningin.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at hinahapo. It was a dream. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mabilis na pagkabog ng aking puso.
Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtanto na isa lamang talaga iyong panaginip.
Inihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. Basa ng pawis ang aking noo at ang ilang hibla ng buhok ay nakadikit sa aking leeg.
Minsan talaga dinadalaw ako ng mga hindi magagandang panaginip tungkol sa nakaraan ko. Lalo na iyong pagtakbo ko papalayo sa bahay namin habang hinahabol ako ng mga hindi ko kilalang lalaki.
Nakarinig ako nang pagbukas ng pinto ng apartment ko. Naalarma ako at agad na kinuha ang isang baril sa drawer ko. Tumayo ako at tahimik na lumabas ng kuwarto upang malaman kung masamang loob ba ang pumasok sa loob ng apartment ko.
Kung magnanakaw sila o may masama silang binabalak, maling apartment ang pinasok nila.
Madilim ang kapaligiran. Nakasarado na ang front door. Alam ko na nasa loob na ng bahay ang kung sino mang nagbukas nito kanina. Hindi rin ako sigurado kung ilan ba sila.
Palapit na ako nang palapit sa pinto nang may biglang humawak sa bibig ko. Nanlaki ang aking mga mata pero hindi ako nagpadala sa gulat. Sanay ako sa mga ganitong sitwasyon.
Inapakan ko ang kanyang paa. Lumuwag ang kanyang pagkakahawak sa akin. Tinangka ko siyag sikuhin ngunit nagawa niyang salagin ito gamit ang isang kamay niya, ngunit dahil doon ay nagawa niya akong bitawan. Mabilis akong lumayo sa kanya at tinutukan ng baril ang lalaki.
Nakayuko siya at madilim din ang paligid kaya hindi ko pa maaninag ang kanyang mukha. Ikinabigla ko nang makita ko na gumagalaw ang balikat niya dahil sa pagtawa.
“You’re good, Chiara.” Napasinghap ako nang marinig ko ang boses niya. Nagtaas siya ng ulo at nakita ko ang nakangisi niyang labi at ang mga mata niyang nanunuot sa aking balat ang bawat mga titig.
“Yvo?” Ibinaba ko ang baril. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ka man lang nagsabi. Akala ko masamang loob na.”
Lumapit ako sa kanya habang si Yvo ay nakangisi pa rin sa akin.
“It’s good to know na alam kung anong gagawin mo kung sakaling may dumating na masasamang loob sa bahay mo.” Inabot niya ang mukha ko at hinawi ang ilang hiblang nakaharang sa may mukha ko.
“I am your guard, Yvo. Alam ko kung anong dapat kong gawin.”
Ngumiti lang siya sa akin pero hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiti niya. I wonder if I will ever see his genuine smile. Lahat ng ngiti ni Yvo, puro peke.
“I know, and I taught you everything. Sinusubukan lang kita. Nagising ba kita nang buksan ko ang pinto?”
Naamoy ko ang whiskey mula sa kanya. Alam ko na bahagyang nakainom si Yvo. Pero hindi kasi si Yvo iyong mabilis malasing. Sobrang taas ng alcohol tolerance niya.
Umiling ako. Hindi ko na sinabi sa kanya na nagising ako dahil sa masamang panaginip ko.
“Anong ginagawa mo rito?”
Naglakad na ako papasok sa loob ng kuwarto at inilagay sa side table ko ang baril. Lagi kong inilalagay ito rito para kapag kinailangan ko, mabilis kong makuha kahit nasa kama ako.
“I just wanted to see my Chiara, can’t I?”
Natigilan ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya at hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha ko ngayon.
“How’s your night with Terina?”
Hindi ko na sana iyon gustong itanong pero hindi ko rin kasi alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon sa akin.
He wanted to see me.
Napangiti ako habang inaalala iyon. Kahit gusto kong itago, hindi ko magawa.
Naramdaman ko si Yvo sa likod ko. Itinuon niya ang kanyang kamay sa side table ko. Bumigat ang aking paghinga dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Ramdam na ramdam ko ang init ng dibdib niya sa likod ko.
“Fine,” tipid niyang sagot.
“Just fine?” tanong ko sa kanya.
“Yes, fine. We just ate dinner, Chiara. But nights with you will always be the best for me.”
Nang halikan ako ni Yvo sa balikat ko, para akong kinuryente at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Naupo siya sa kama. Hindi niya alam kung gaano ako naaapektuhan sa mga sinasabi niya. Sana aware siya na parang nagbubuhol ang bituka ko sa tuwing sinasabi niya ang mga ganoong bagay.
“Can I sleep here? I am too lazy to drive home.”
Nilingon ko si Yvo. May pagtataka sa aking mukha. He never sleeps here. Kagaya ng sinabi ko kanina, kapag tapos na kami at satisfied na kaming dalawa, naalis na siya.
Nakakapanibago na dito siya dumiretso imbis na umuwi sa bahay nila o sa condo niya.
“Oo naman. Ikukuha kita ng panibagong unan at kumot. Sa sofa na lang ako matutulog—”
Tiningnan niya ako kaya natigilan ako sa sinasabi ko. Tinaasan niya ako ng isang kilay at ngumisi. Parang bibigay ang tuhod ko sa ngisi niya. Pakiramdam ko ay matutunaw ito.
“Come on, we can sleep on the same bed. Ilang beses ka na bang natulog sa kama ko noon. I remember it would always smell just like you.”
Naghubad ng suot niyang damit si Yvo at ang itinira niya lamang ay ang kanyang boxers. Kahit sa dilim, nakikita ko ang kanyang tattoo. Maraming tattoo si Yvo at para bang inilagay iyon para lamang lalo siyang maging magandang lalaki.
Ilang beses ko nang nakita ang katawan ni Yvo, pero hinding-hindi ako magsasawa.
Nahiga ako sa kama at ganoon din siya. Bakit ba ako kinakabahan? Maybe because this feels…intimate. At alam ko, hindi kami ganoon ni Yvo.
Kung nakakatulog man ako noon sa kama niya, dahil iyon sa kapaguran ko sa ginawa namin. Tulog agad ako at wala nang oras isipin na katabi ko si Yvo. Pero ngayon…is this really happening?
Naramdaman ko ang paghawak niya sa may baywang ko hanggang ipulupot niya na ito roon. Hinila niya ang katawan ko papalapit sa kanya.
I can feel his heavy and hot breathe on my nape. Para akong kinikiliti roon.
Ipinikit ko na rin ang aking mga mata. Iyon ata ang unang pagkakataon na natulog akong nakangiti
Nasa training ground ako ngayon. Mamaya pang hapon ang pasok ko sa school kaya naisip ko na rito na muna magpalipas ng oras. May meeting si Yvo at hindi naman ako ang kasama niya roon.
“Hello, Chi!”
May gumulo ng buhok ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanila at nakita ko sina Teo at Nero.
“Hello,” tipid kong saad bago ilabas ang magazine ng baril at lagyan ito ng bala. Itinapat ko ulit sa target ko ang baril bago sunod-sunod na magpaputok. Lahat ito ay tumama sa gitnang bahagi ng target.
“Woah! Galing!” sabi ni Teo.
“Nasaan si Gianni?” Hindi ko napansin ito kaya tinanong ko.
“Siya ang kasama ni Boss. Mukhang may sama pa ng loob sa akin si Sir Yvo dahil sa paghatid ko sa ‘yo. Ayaw niya akong isama.” Umaktong nasasaktan si Teo pero sa huli ay tumawa rin naman silang dalawa.
Nakarinig kami ng kaguluhan kaya naman napatingin kami roon.
“Anong mayroon?”
Nagkibit-balikat ako at tiningnan na lamang ang baril na hawak ko. May hinila si Nero at itinanong kung anong kaguluhan ang mayroon doon.
“Naandiyan iyong mga babaeng guards ni Ma’am Maxine. Alam ninyo na.” Tumawa iyong lalaking kausap nina Nero bago tumakbo papunta roon.
Right, bukod kay Yvo na mayroong isang lady guard—ako—isa rin si Maxine, ang nakakatandang kapatid ni Yvo, na nagha-hire ng mga babaeng guards.
“Oy, baka naandiyan si Ysa?”
Tumingin sina Teo at Nero sa akin habang ako ay naiiling. Si Ysa kasi ay pinopormahan ni Nero.
“Bunso, maiwan ka muna namin.”
Tinanguan ko lang sila. Nang makaalis ang dalawa ay binalingan ko ang target. Dahil tadtad na ito ng bala, nagpalit ako ng panibago.
Itinutok ko ang baril ko ulit doon at bago ko pa magawang mabaril, may nagsalita na sa gilid ko.
“Mali ang hawak mo ng baril.”
Ikinagulat ko iyon kaya hindi tumama sa target ko ang balang lumabas sa aking baril. Nilingon ko siya at nakita ko si Rocco.
Kumunot ang noo ko pero mabilis kong inalis ang kahit anong bahid ng emosyon sa mukha ko.
Lumapit sa akin si Rocco. Ngayon na lang niya ako kinausap ulit matapos ang ginawa sa kanya ni Yvo.
Hinawakan niya ang kamay ko at inayos ang pagkakahawak sa baril. Ang lapit niya. I have this intrusive thought to push him away.
“I’ll show you how to hit a target properly,” sabi niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko gusto ang lapit niya sa akin. Isang tao lang ang hinahayaan kong makalapit sa akin ng ganito.
“Rocco—”
“She can hold a gun just fine, so what are you doing?”
Nilingon ko agad ang nagsalita at nakita ko si Yvo. Sumipol si Gianni bago dahan-dahan na umalis sa likod ni Yvo, halatang ayaw madawit sa paparating na delubyo.
Binitawan ako ni Rocco at hinarap si Yvo. Binati niya ito ng may paggalang. Ibinaba ko rin ang baril ko at humarap kay Yvo. Binati ko rin siya.
“Tinuturuan ko lang po si Chiara na humawak ng baril,” sabi ni Rocco. Tuwid na tuwid ang kanyang postura na akala mo ay heneral ng military ang kaharap niya.
Ngumisi si Yvo ngunit pansin ko ang dilim sa kanyang mga mata. Hindi siya natutuwa.
“Ilang taon ka na ngang nagtatrabaho sa akin, Chiara?” tanong ni Yvo ngunit nanatili ang tingin niya kay Rocco.
“8—” Naisip ko na hindi naman ako nagsimulang magtrabaho kay Yvo nang kunin niya ako. Opisyal akong nagtrabaho bilang guard niya noong nag-18 ako. “5 years, Sir Yvo.”
“Right, and you’ve been with us since you were fifteen.” Tumingin si Yvo kay Rocco. “Hindi ko ipagkakatiwala kay Chiara ang buhay ko kung hindi siya marunong humawak ng baril.”
“Napansin ko lang po na hindi maayos ang pagkakahawak niya—”
“And does that give you the right to touch her? Ako ang nagturo kay Chiara na humawak ng baril, sinasabi mo ba na mali ang itinuro ko sa kanya?”
Nakakakilabot. Iyan ang tanging salitang kaya kong ilapat sa aura na mayroon si Yvo ngayon. Kahit ako, naninindig sa takot ang aking mga balahibo.
“No, Sir,” sabi ni Rocco.
“Why not put you in the target area instead at ipapabaril kita kay Chiara, para malaman natin kung hindi nga ba ito marunong bumaril? What do you think, hmm?” Hindi nakasagot si Rocco. Napayuko lamang ito. Lalong lumapad ang ngisi ni Yvo bago ito maglakad papalapit kay Rocco. “Or better yet, I’ll be the one to put bullets in your f*****g forehead.” Pinitik ni Yvo ang noo ni Rocco.
Umiling si Rocco.
“Next time na makita kong lumalapit ka sa tauhan ko, ako mismo ang magdadala sa ‘yo sa himlayan mo, naiintindihan mo?”
Isang pagtango ang ginawa ni Rocco bago siya paalisin ni Yvo. Umalis si Rocco at agad siyang tinapik ng kaibigan sa balikat.
Kahit gaano ka katapang o kahit gaano ka kagaling, walang kahit sino ang makakatalo kay Yvo. Lahat ay tumitiklop kay Yvo Montecalvo.
If his brother is calm, he’s the complete opposite. Yvo will bring madness in your life kung hindi mo susundin ang sinasabi niya.
Tumingin sa akin si Yvo. Alam ko na galit siya at alam ko ang maaari kong matanggap dahil sa nangyari. Hinintay ko na magsalita siya pero hindi niya iyon ginawa.
Naglakad papalayo si Yvo ngunit bago siya makalayo ay muli siyang nagsalita.
“Chiara,” pagtawag niya sa akin.
“Sir?” Gusto kong makahinga nang maluwag dahil kinausap niya ako. Akala ko ay aalis siya nang hindi ako pinapansin matapos ang nangyari kanina kasama si Rocco.
“Call my assistant and tell her to buy a gift for my fiancée and send the gift to Terina’s condo. I’ll expect it to be done before noon.”
Nanlaki ang aking mga mata. Bakit ako ang inuutusan niya? Alam ko na minsan ay umaakto akong sekretarya niya pero ni minsan ay hindi niya ako inutusan pagdating kay Terina.
He said, his fiancée. Anong gusto niyang iparating sa pagdidiin ng mga salitang iyon sa harapan ko? Pinapamukha niya ba sa akin kung sino si Terina sa buhay niya?
Alam ko na iyon, does he need to rub it on my face?
Nanginig ang labi ko. Bakit ko gagawin iyon para sa fiancée mo? I want to tell him that, pero pinigilan ko.
“Yes, Sir.”
Hindi na nagsalita si Yvo at umalis na. Nakatitig sa akin sina Gianni, Nero, and Teo, halatang nag-aalala sa akin. Siguro iniisip nila na pinagalitan ako.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Itinutok ko ang baril sa target. Inisip ko na si Yvo iyon at pinagbabaril hanggang sa maubos ang bala, hanggang sa mawala ang nararamdaman kong selos at galit.
I don’t want to hate him. I can’t hate Yvo. Pero minsan, siya rin mismo ang gumagawa ng dahilan para maramdaman ko ang galit para sa kanya.
Nakita ko kung gaano ko natadtad ang target ko habang iniisip na si Yvo iyon. That felt good, somehow.