NATAPOS ang pinag-uusapan ng mga Bianchi at ni Yvo. Hindi ako nakinig dahil inalala ko ang mga nangyari sa mga nagdaang taon. Hindi ako nakinig dahil alam ko na sasaktan ko lang ang sarili ko kung maririnig ko ang mga bagay na inihahanda nila para sa kasal ni Terina at Yvo.
Ako na mismo ang naghatid kina Emilio palabas. Halfway papunta sa elevator ay tumigil si Terina.
“I forgot to tell something to Yvo. Susunod na lang ako sa parking, Papa.” Hinalikan niya ang pisngi ng ama bago tumakbo papunta sa opisina ni Yvo.
Akmang pipigilan ko si Terina sa binabalak nang maramdaman ko ang madiing titig ni Emilio sa akin.
“Shall we, Miss Serrano?” At itinuro niya ang daan papunta ng elevator.
Napalagok ako at mabilis na tumango sa kanya. I guided him towards the elevator.
Bakit ko nga ba pipigilan si Terina? Karapatan niyang pumunta kay Yvo sa kahit anong oras niya gustuhin. She’s the future fiancée. Hinihintay na lamang ang opisyal na engagement ceremony pero alam ng lahat na si Terina ang fiancée ni Yvo at pakakasalan. Sino ba ako?
His f**k buddy and his guard.
Tahimik naman kami ni Emilio sa loob ng elevator ngunit ramdam na ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa. Alam ko na ayaw sa akin ni Emilio dahil nga tingin niya sa akin ay masyadong malapit kay Yvo. Iniisip niya siguro na threat ako para tuluyang makuha ni Terina si Yvo. Hindi niya naman iyon itinatago sa akin.
Lumabas kami ng elevator. Sinalubong kami ng mga tauhan ni Emilio. Huminto ako sa labas ng elevator at pinanood na umalis si Emilio. Nang akala ko ay aalis na nga siya, bigla siyang tumigil.
Nanatili ang titig ko sa likod niya. May katandaan na si Emilio pero masasabi ko na malakas pa rin ang pangangatawan niya.
“Chiara…” pagtawag niya sa akin. “Mas maganda siguro kung didistansya ka kay Yvo. Alam mo naman na malapit nang ikasal ang aking unica hija kay Yvo. Hindi ata magandang makita ng ibang tao na may ibang babaeng umaaligid kay Yvo. Hindi rin ito nakakatulong kay Terina.” Nilingon niya ako at pekeng ngumiti sa akin. His eyes betrayed him, though. Kita ko ang talim sa mga mata niya, tanda ng pagkadisgusto sa akin. “Layuan mo si Yvo. You’re an eyesore. Hindi nababagay ang isang kagaya mo na matanili sa tabi niya. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan.”
Hindi ako kumibo, ni hindi man lang ako nakaramdam ng kahit ano. Perks of witnessing your family dying in front of you, namanhid na ako at hindi mabilis matakot. Ganito rin ako pinalaki at tinuruan ni Yvo.
“Thanks for the suggestion, Mr. Bianchi,” panimula ko. “Pero hindi ko po susundin ang inuutos ninyo sa akin. Ang tanging taong may karapatan na utusan ako ay si Sir Yvo. Hangga’t hindi niya po sinasabi sa akin na lumayo ako o umalis sa tabi niya, hindi ko po iyon gagawin.”
Huminga ako nang malalim. Ayoko sanang patulan si Emilio subalit huli na nang mapagtanto ko ang sunod kong sinabi.
“Sabihin ninyo po kay Miss Terina, hindi rin po maganda na nagseselos siya nang dahil lamang sa isang guard na kagaya ko. Magkaibang-magkaiba po kami. Kayo na rin po ang nagsabi, magkaiba kami ng mundong ginagalawan ni Sir Yvo, sa tingin ko po baseless kung sa isang kagaya ko pa ma-i-insecure ang heiress ng Bianchi family, hindi po ba?”
Halos pumutok ang ugat ni Emilio sa ulo nang dahil sa sarkastiko kong komento. Hindi ko naman ginusto na maging sakrastiko sa kanya. Sadyang ganito lang ako makipag-usap sa ibang tao.
“You—”
Hindi na nagawang maituloy ni Emilio ang kanyang sasabihin nang bumukas ang elevator at lumabas mula roon si Yvo at Terina.
Tumingin agad sa akin si Yvo bago kay Emilio.
“May problema ba, Emilio?” tanong niya rito.
One thing about Yvo, he can sense when something’s up about me. Ayaw na ayaw niya rin na kinakausap ako ng ibang tao lalo na kung pinagbabantaan ako o may hindi magandang sinasabi. I witness countless of punishments of those people who bad-mouthed me.
“Nothing. Let’s go, Terina.” Ngumiti si Emilio kay Yvo pero hindi na tumingin pa sa akin.
Nagpaalam si Terina kay Yvo at sumunod sa kanyang ama.
“What did the old man say?”
Tumingin ako kay Yvo dahil sa tanong niya. Alam niya na may sinabi sa akin si Emilio pero hindi na para malaman niya pa iyon. It’s too trivial for him.
Umiling ako. “Wala naman. Hindi importante, Sir Yvo.”
Mabilis kong nakuha ang kanyang atensyon. Nilingon niya ako at binati ako ng madilim niyang mga matang nakatingin sa akin ngayon.
Ayaw na ayaw ni Yvo na tinatawag ko siyang sir. Kapag nasa harapan kami ng ibang tao, pinapalampas niya pa iyon, ngunit kapag kaming dalawa na lang, gusto niya ay Yvo lang ang tawag ko sa kanya.
Hinintay ko siyang magsalita pero sa huli ay tinalikuran niya na ako. Bumuntong-hininga ako bago sumunod sa kanya.
Okay lang ang sakit na nararamdaman ko. Makakayanan ko ito at darating ang panahon, matatanggap ko rin. Masasanay ako at kapag nangyari iyon, magagawa ko nang tingnan si Yvo kasama si Terina na hindi ako nasasaktan.
Pumasok ako sa university. Kapag may pasok ako, hindi ako ang naka-shift para samahan si Yvo sa mga kailangan niyang gawin. Bukod sa akin, may tatlong elite guards pa si Yvo. Sila ay sina Nero, Gianni, at Teo. Ang senior guard ni Yvo na si Raffaele ay wala sa bansa. May pinapagawa ata sa kanya si Yvo.
Kumpara sa akin, mas matagal na nilang kasama si Yvo. They’ve been with him through his ups and down. Ganoon man, mabilis naman silang pakisamahan nang ipakilala ako ni Yvo sa kanila. They treat me like their little sister, kahit na nagagalit si Yvo kapag nilalapitan ako ng mga ito.
“Thanks, Teo. Hindi mo na ako kailangang ihatid dito, pero salamat pa rin.”
Inihatid ako ni Teo na school ko. May pasok ako ngayon. Kalahating araw lang naman kaya mamaya, mababantayan ko ulit si Yvo.
“No worries. Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin, eh.”
Tipid akong ngumiti sa kanya. Kapag talaga magaan ang pakiramdam ko sa ibang tao, kahit tipid na ngiti ay nagagawa kong ibigay sa kanila. Naiintindihan naman nila ako dahil alam nila ang pinagdaanan ko. They understand why I lack emotions.
“Ayon! Ngumiti ang aming bunso.” Inilabas niya ang kanyang cellphone. Tinakpan ko ang mukha ko dahil alam ko ang binabalak niyang gawin. Kukunan niya ako ng litrato.
Ngumuso siya nang maharangan ko ang mukha ko. Minsan talaga ay mapagbiro si Teo.
“Salamat ulit sa paghatid.”
Paalis na sana ako nang tawagin niya akong muli. “Chi.”
Agad ko siyang nilingon. Binigay nilang tatlo sa akin ang nickname na iyon nang maging magaan ang loob ko sa kanila. Tinutulungan din nila ako sa mga trainings ko.
I have a good relationship with Nero, Teo, and Gianni. Raffaele has a more severe and complex personality kaya I treat him with high regard.
“Kung hindi kita masundo mamaya, baka inilibing na ako ni Sir Yvo dahil sa paghatid ko sa ‘yo.”
Napailing ako sa sinabi niya habang siya ay tawa nang tawa. Muli akong nagpaalam and this time, umalis na rin siya.
Naglakad ako papunta sa campus. Nang makita ako ng mga estudyante ay agad nila akong nilayuan. Nakatingin sila sa akin pero hindi nila ako nilalapitan. Pinag-uusapan nila ako pero hindi magaganda ang lumalabas sa mga bibig nila.
Naglakad ako at hindi ko sila pinansin. Ganito na sila sa akin simula nang bigla na lamang hindi magpakita ulit sa school iyong nanligaw sa akin. Halos tatlong taon akong outcast. Iniisip nila na ako si Kamatayan. Kapag nilapitan ako, mamamatay sila. Hindi ako si kamatayan, pero may handang pumatay sa kahit sinong magtatangkang saktan ako o ligawan ako.
Yvo. Yes, he’s that possessive.
Muntikan pa nga akong ipakulong ng mga magulang ng nanligaw sa akin noon dahil sa biglaang pagkawala nito, pero wala silang ebidensya na makakapagturo sa akin. The Montecalvos are backing me up, too. Kaya sa huli, hindi nila ako nakasuhan.
Bumuntong-hininga ako. Wala naman akong pakealam kung ayaw rin sa akin ng ibang tao. Ang ipinunta ko naman sa school ay mag-aral at makakuha ng degree. Hindi ko naman kailangan ng kaibigan.
“Witch,” rinig kong tawag sa akin ng isang babae.
Hindi ko siya pinansin at nakita ko ang galit niya dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya. May mas importante pa akong gagawin kaysa ubusin ang enerhiya ko sa ibang tao.
Nang lumiko ako sa hallway, may kamuntikan nang makabangga sa akin. Agad siyang hinigit ng kaibigan niya kaya naiwasan niya agad ako.
“Dude, careful. Baka bukas ay hindi na kita makita.” At pareho silang makahulugan na tumingin sa akin. Umiling na lamang ako sa aking sarili.
Nakapasok na ako sa classroom ko. Naupo ako sa pinakadulo at hinintay ang pagsisimula ng klase ko. As usual, walang tumatabi sa akin nang magsimulang magpasukan ang mga kaklase ko.
Tumunog ang ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nagpadala ng message. Nakita ko agad ang pangalan ni Yvo.
I internally smile.
Yvo:
Where are you?
Napakiling ako. Bakit niya tinatanong? I mean, alam niya naman na may klase ako ngayong umaga.
Me:
Class.
Ganyan lang talaga kaming mag-usap ni Yvo. Akala mo cold. Pareho ba naman kaming hindi expressive na tao.
Yvo:
I was about to fetch you. Nakaalis ka na pala.
Bakit kahit hindi ko siya kaharap, naririnig ko ang malamig niyang boses?
Ihahatid niya ako? Madalas nga ay hinahatid ako ni Yvo kapag hindi siya busy pero…busy ang schedule niya ngayon. Alam ko dahil all-rounder niya ako. Minsan ay guard ako, minsan naman secretary niya. Most of the time, f**k buddy.
Kapag hindi ako naihahatid ni Yvo, sa driver niya ako ipinagkakatiwala kahit na ang sabi ko ay kaya ko namang mag-commute.
Me:
Sorry. Akala ko ay hindi mo ako magagawang ihatid. Umalis na ako kanina pa.
Sasabihin ko sana na inihatid ako ni Teo pero hindi ko na itinuloy.
Yvo:
Right. Inihatid ka ni Teo, which I didn’t give permission. Let’s see…
Iba ang kutob ko sa huling sinabi niya. Kaya lamang, hindi na ako nakapag-reply nang makita kong pumasok na ang aking professor.
Isa’t kalahating oras din bago ang break ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ako nang makita ko ang pagsabog ng mga mensahe sa group chat na ginawa ng tatlong guards ni Yvo. Kasama ako rito pero madalang akong mag-reply.
GC NA BAWAL SINA SIR YVO AT RAFE!
Iyon ang pangalan ng group chat naman. Sabi nila, bawal raw sina Yvo at Raffaele roon dahil hindi nila ka-humor. Hindi rin naman nila ako ka-humor pero sinali nila ako rito.
Maraming mensahe pero ang nakakuha ng atensyon ko ay isang litrato at mga sumunod na mensahe roon.
Gianni: RIP, Teo.
Nero: You will be missed.
Gianni: Huwag kang mag-alala @Teo. Hindi ka naman tatanggapin ni Satanas. Baka nga ibalik ka pa sa lupa.
Nero: Pinagsabihan na kasing kung ihahatid si Chi, huwag magpapahuli kay bossing. Pagdating ni Teo, nakaabang na si Sir Yvo. Boom, patay ka!
Tawa nang tawa ang dalawa sa group chat habang ako ay titig na titig sa picture. Napasinghap ako at bumuntong-hininga.
Sa litrato na pinadala ni Teo, nakabitin siya patiwarik habang may caption na:
Teo: Ganito ba ang kapalit ng pagmamabuting loob kong ihatid si Chiara sa university? Tangina, nagselos naman agad si Bossing. Parang hatid lang.
Hindi na ako naka-reply sa group chat na iyon. Mabilis kong binuksan ang conversation namin ni Yvo. Iyon ba ang ibig niyang sabihin sa let’s see? Ibibitin niya patiwarik si Teo?
Me:
Bakit mo ginawa iyon kay Teo, Sir Yvo? Inihatid niya lang ako kanina dahil wala akong masakyan at late po iyong driver.
Alam ko na hindi papatayin ni Yvo si Teo dahil malapit niyang tauhan iyon, pero hindi ibig sabihin na hindi niya sasaktan.
Yvo:
Call me Sir again, and I will end this fucker’s life. I told you, Chiara, I don’t particularly appreciate sharing. They touch you; I make them see hell.
Me:
Para ko nang kapatid si Teo. Don’t hurt him.
Yvo:
He’s not your brother.
Napanguso ako sa sinabi niya. Minsan talaga ay ang hirap makipaglaban ng rason kay Yvo, hindi ka mananalo.
Nag-iisip pa lamang ako ng sasabihin ko sa kanya nang muli siyang mag-text sa akin.
Yvo:
You’re mine, Chiara. The next time you let other men give you a ride or touch you, much less, approach you without my f*****g permission, I don’t care who they are, I’ll be their custom-made Grim Reaper and end their miserable life.
Kinagat ko ang labi ko. Masama ba akong tao kung natutuwa ako na ganito si Yvo para sa akin? Kaya lang alam ko naman na ganito lang siya dahil pakiramdam niya ay possession niya ako. Ayaw ni Yvo na may kahati siya o humahawak ng mga bagay na alam niyang kanya lang dapat.
Nagtipa ako. Sana lang makuha ko siya rito.
Me:
I know that. I’m yours, Yvo.
Mahigpit kong hinawakan ang aking cellphone. Hindi na nag-reply si Yvo kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon. Bakit ang dami niyang oras pahirapan si Teo? Abala siya at dapat ay nasa meeting.
Nang umilaw ang cellphone ko. Akala ko ay si Yvo ang nag-reply kaya bahagya akong nadismaya nang makita ko ang pangalan ni Teo.
Teo: Finally free! Akala ko papatayin ako ni Sir Yvo. Buti na lang may puso pa siya at nadala sa please ko.
Nero: May puso naman talaga si Boss. Black heart nga lang.
Gianni: Hindi ‘yon naawa sa ‘yo. Naisip niya lang na ‘di mo deserve mamatay nang ganoon kadali. Inihahanda na niya ang grand stage mo papuntang impyerno.
Nakahinga ako nang maluwag. At least, Teo is fine.
Umilaw muli ang aking cellphone. Tumalon ang puso ko nang makita ko ang pangalan na hinihintay ko.
Yvo:
That’s a promise, Chiara. You haven’t seen what kind of hell I can give to the people who tried to snatch you from me. I’ll fetch you later, and you know what I’m about to do to you? I am going to punish you. I’ll mark every f*****g inch of your body so the world will know who f*****g owns you.
Binalaan na ako ng maraming kakilala ko tungkol kay Yvo. From Aneesa to Yvo’s sister, Maxine. Nakinig ba ako sa kanila na wawasakin at paglalaruan lang ako ni Yvo? Hindi.
Siguro dahil kung si Yvo lang din ang wawasak sa akin, okay lang. Yvo saved me, and he has that power to destroy me.