“EARTH TO CHIARA, nakikinig ka ba?” Napatingin. Ako kay Angeline nang iwagayway niya sa harapan ko ang kamay niya. Napakurap-kurap ako at hindi namalayan na napatulala na pala. “May sinasabi ka?” It’s been a week simula nang makausap ko at maging kaibigan si Angeline. Isang linggo na rin simula nang tangkain kong iwasan si Yvo at kausapin niya ako para lamang ilagay muli sa lugar ko. Minsan napapaisip ako kung paano ko iyon nagawa. Kung paano ko tinangkang kalabanin si Yvo. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na huwag pansinin si Yvo. Balik na naman kami sa rati naming routine. Though, may pagkakataon naman na iniiwasan ko pa rin siya hangga’t kaya ko. But Yvo will always find his way. “Wala naman. Bigla ka na lang tumulala, eh. Okay ka lang?” Naupo si Angeline sa