KABANATA 10

2947 Words

HINDI KO sinunod si Yvo. Hindi ako sumunod sa kuwarto niya at umalis ako ng penthouse. Nagdahilan na lang ako kina Teo na uuwi ako dahil masama ang pakiramdam ko. Akala ko nga ay pagagalitan na naman ako ni Yvo pero…hindi ganoon ang nangyari. Nginitian niya lang ako na akala mo ay hindi ko siya sinuway nang magkita kami kinabukasan. Ngayon pa nga ay inihatid ako ni Yvo rito sa school. Nagulat pa ako nang siya mismo ang mag-drive para sa akin, hindi niya naman iyon gawain noon. Kapag hinahatid niya kasi ako, parating may driver at nasa backseat kaming dalawa. Ngayon, siya mismo ang nagmaneho. Hanggang ngayon, doubtful pa rin ako sa takbo ng utak ni Yvo. May kung ano sa kanyang pagpayag na makipagkaibigan ako sa ibang tao at hindi ko gusto ang nararamdaman kong iyon. Parang may hinihintay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD