KABANATA 8

2360 Words
SA GYMNASIUM ng school ay nakilala ko rin ang ibang kaibigan ni Angeline. Nginitian nila ako at kinausap. Siguro ganito na sila ngayon dahil wala na iyong mga bully. Naisip ko, hindi rin naman siguro masamang magkaroon ng kaibigan. Baka may ma-discover ako sa sarili ko na hindi ko akalaing nag-e-exist pala. Naupo kami sa bleachers. Nakita ko agad si Christian. Napatingin siya sa amin at nakita ko ang pagngiti niya. Ang tangkad niya pala talaga, ngayon ko lang na-realize. “Coach, time out muna.” Pumito ang coach at nagpunta ng bench ang ilan, si Christian naman ay lumapit sa amin. “Hi, manunuod kayo ng practice?” tanong niya habang nakatingin sa amin. Tumango ako sa kanya. Hindi ako dapat nakikipag-usap sa ibang lalaki. Kapag nalaman ito ni Yvo—kapag nalaman niya, ano naman? Kasama niya nga si Terina. Bakit siya pwedeng sumama sa ibang babae habang ako ay hindi? Nagtilian ang mga babae nang makita si Christian. He looks friendly naman. Tinawag na ulit sila ng coach kaya nagpaalam si Christian. Pagkaalis ni Christian ay tumunog ang phone ko. Muntikan ko na iyong mabitawan nang makita ko ang pangalan ni Yvo. Makalipas ang buong maghapon na hindi pagpaparamdam sa akin, bigla siyang magte-text. Yvo: Where are you? Nag-iisip ako kung re-reply-yan ko ba. Sa huli naisip kong huwag na lang. Naalala ko lamang na magkasama sila ni Terina kanina. Itinago ko ang cellphone ko ngunit muli itong tumunog. Yvo: Your class should be done by now. Why aren’t you home, Chiara? Hindi ko man kaharap si Yvo, ramdam na ramdam ko ang galit sa text niya. Napansin ko na may new messages din sa aming group chat kanya binuksan ko iyon kahit maaaring tungkol kina Terina at Yvo ang pinag-uusapan nila. Gianni: It’s a prank, guys! Hinatid lang namin si Miss Terina sa condo niya. Ni hindi nga bumaba ng kotse si Sir Yvo. Nero: See that, Teo? Sabi sa ‘yo at gentleman ang bossing ko. 5k ko mamaya, ah? Teo: *sent a middle finger emoji* Mahigpit kong kinapitan ang aking cellphone. May kung anong nawala na bigat sa dibdib ko. Ganoon man, hindi pa rin ganoon kaluwag ang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim as I turn my phone silent. Itinago ko iyon sa bag ko. Hindi niya ako pinansin buong maghapon and he’s expecting me to reply dahil lang nag-text siya? Naiinis ako ngayon. “You, okay?” tanong sa akin ni Angeline. Tumango ako at nag-focus sa panonood. I never had this kind of after school experience. No, naranasan ko, pero noong buhay pa ang mga magulang ko, noong payapa pa ang buhay namin. May mga naging kaibigan ako pero matapos ang trahedya sa buhay ko, nawala na iyon. Nag-iba na rin ako. Masaya pala. Akala ko noon, sayang sa oras, pero nag-e-enjoy ako ngayon. Nagagawa kong maranasan ang maging normal na 23 years old na babae. “Three points!” sigaw ng mga kasama ko nang maka-shoot si Christian. Tumingin siya sa amin at ngumiti nang makita na nakatingin ako sa kanya. Matapos iyon, nagyaya ang mga bago kong kasama na pumunta sa isang café, but I had enough fun today. May trabaho ako mamaya at kailangan ko naman gampanan iyon kahit na inis ako sa boss ko. “Hi, Chiara. Can I call you Chiara?” Natigil ako paglalakad ko nang makita ko si Christian. “Yes, sure. May kailangan ka?” tanong ko sa kanya. “Where are your friends?” Hinanap niya sina Angeline pero wala na sila dahil sabi ko ay mauuna na akong umuwi. “Umalis na sila. May pupuntahan pa ata. Kailangan ko na kasing umuwi.” Tumango si Christian at ngumiti. One thing I noticed about him is that he likes smiling a lot. “Gusto mo ihatid na kita? Naka-park lang iyong kotse ko roon—” “Hindi na. Kaya ko namang umuwing mag-isa,” sabi ko sa kanya. Kakakilala ko pa lang sa kanya at hindi ako basta-basta nagtitiwala. Maaaring maayos ang pakikitungo nila sa akin at pakikitungo ko sa kanila pero hindi pa rin sapat iyon para ibigay ko sa kanila ang pagtitiwala ko. “It’s okay, Chiara. I’ll drive you home safe—” “Chiara.” Natigilan kami nang may magsalita. Nakita ko si Teo na nakabusangot ang mukha habang nakatingin kay Christian. Ibinalik niya sa akin ang titig niya. “Pinapasundo ka na. Tara na.” Tiningnan ko si Christian na nakakunot ang noo, siguro ay nagtataka kung sino ang lalaki. “Mauna na ako. Naandiyan na ang sundo ko.” Sumunod ako kay Teo at pumasok sa loob ng kotse. Inaasahan ko na makikita ko si Yvo pero wala siya roon. “Hindi kasama si Sir Yvo. Kausap siya ni Sir Silver kaya pinasundo ka na lang sa akin.” Nilingon ako ni Teo. “Sino iyong kausap mo?” “Si Christian? Schoolmate ko—” “Chiara, hindi naman sa pinagbabawalan kitang makipagkaibigan, okay? Maganda iyon para sa ‘yo. Matagal na rin na kami lamang ang nakakasalamuha mo. Maganda na may nakakausap ka sa school, pero hindi magugustuhan ito ni Sir Yvo. Alam mo naman kung paano siya magbigay ng reaksyon kapag nakikita niya na may ibang lalaking nalapit sa ‘yo.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Teo. “Kami, sanay na kami kay Sir Yvo. Inaasar man namin siya minsan, iyon ay dahil alam namin na hindi niya kami sasaktan at alam namin ang limitasyon ng pang-aasar sa kanya. Pero iba kung ibang tao na. Kilala mo si Sir Yvo, wala iyong pinipili. Kapag ayaw niya sa ibang tao, buburahin niya. Paalala ko lang naman sa ‘yo.” Pinaandar na ni Teo ang sasakyan. Hindi ako nagsalita dahil alam ko na tama siya. Kung may isa akong kinatatakutan sa mundo, si Yvo iyon. Hindi ako takot mamatay, hindi ako takot sa masasamang tao, ni hindi ako takot kay Sir Silver o kay Sir Silas. Isang tao lamang ang kinatatakutan ko, that will be Sylvio Vincentius Montecalvo. Siguro sa mga lubos na nakakakilala sa kanya, pareho sila ng opinyon sa akin. Nakalimutan ko kung gaano ako takot kay Yvo dahil sa selos na nararamdaman ko kanina at sa fleeting emotions na naramdaman ko habang kasama ang mga bagong nakilala. Huminga ako nang malalim at tiningnan na lamang ang labas ng bintana. Kailangan kong lumayo sa kanila bago pa may mangyaring hindi maganda sa kanila dahil kay Yvo. If menace is a person, it would be Yvo. Hindi siya kagaya ng nakakatandang kapatid niyang babae na si Maxine, kung saan ang ituturing niya lamang kalaban ay ang mga taong alam niyang masama sa kanya o sa pamilya niya. Hindi siya kagaya ni Silver na pag-aaralan muna ang sitwasyon bago kumilos. Yvo will treat everyone he doesn’t trust as his enemies kahit walang ginagawa sa kanya. Yvo will drop a f*****g bomb to any situation dahil gusto niyang matapos agad ang problema niya. Though, sometimes, pinapairal niya pa rin naman ang rational thoughts niya at nagdedesisyon ng naaayon sa sitwasyon. For Yvo, trust is so important. Iyan din ang natutunan ko sa kanya kaya hirap akong magtiwala, ganoon man mas mabilis akong magtiwala kaysa sa kanya. Hindi ako kasing galing ni Yvo na bumasa ng tao kung dapat ba silang pagkatiwalaan o hindi. Minsan ay sumasablay pa rin ako. Tumigil ang sasakyan sa apartment ko. Nagpasalamat ako kay Teo bago lumabas. “Magkita na lang tayo mamaya.” Umalis ako at pumaasok sa loob ng bahay. Madilim ang kapaligiran dahil hindi ko pa binubuksan ang ilaw. I opened the television para may ingay sa loob ng apartment ko. Naghanda na rin ako para sa pagpasok ko sa shift ko kay Yvo. Wala akong pasok bukas kaya night duty ako kay Yvo. Huminga ako nang malalim. This will probably a long night. “Kakapasok lamang po na balita, ang pamilyang Ontengco, na siyang nagmamay-ari ng mga naglalakihang manufacturing company ay nag-file na ng bankruptcy kaninang umaga. Bukod pa roon, makukulong si Joaquin Ontengco…” Napatingin ako sa telebisyon at napatitig sa balita. Pamilyar kasi sa akin ang apelyidong iyon. Nakita ko sa TV ang pagdampot kay Joaquin Ontengco. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang babaeng mastermind sa pambabato sa akin kahapon na nasa telebisyon. Stacey Ontengco. Ayokong isipin na baka kaugnay ito sa nangyari sa akin kahapon. Imposible naman na bigla silang ma-bankrupt, right after she bullied me. “Maybe it’s just a coincidence,” sabi ko sa sarili. “Or maybe not. Hindi ko alam na naniniwala ka sa coincidence, Chiara.” Nanlaki ang aking mga mata. Hinarap ko ang lalaking nagsalita mula sa likod ko. Napaatras ako at tumama ang likod ng tuhod ko sa coffee table, dahilan para ma-out of balance ako at matumba, subalit hindi ako natumba. Hinawakan ni Yvo ang braso ko at pinigilan ang pagkakatumba ko. Napalagok ako. Yes, Yvo is here. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya nang dumating ako. Tansya ko ay kanina pa ito rito dahil hindi ko naman narinig na bumukas muli ang pinto. Nang mapansin ko ang kamay niya sa akin, mabilis ko iyong hinawi. Umigting ang panga ni Yvo sa ginawa ko pero nabawi rin agad ang sarili. “I-Ikaw ang may kagagawan ng nangyari sa mga Ontengco?” tanong ko sa kanya. Dahil sa dilim ng apartment ko, mas lalo lamang naging menacing si Yvo. Isang ngisi at nasagot niya kaagad ang tanong ko. Hinawakan niya ulit ako. “Bakit mo iyon ginawa? I told you na ako na ang bahala sa mga nam-bully sa akin.” Tinangka kong kumawala sa pagkakahawak niya sa akin. Kanina lamang ay nakahawak ito kay Terina. Muli akong ginapangan ng selos. Hinigpitan ni Yvo ang hawak sa akin kaya’t hindi ako nagtagumpay na makawala sa kanya. “Hindi ba at sinabi ko rin na kapag hindi ako natuwa sa parusang ibibigay mo sa kanila, ako mismo ang gagawa ng ikakabagsak nila? No one hurts you and get away with it, Chiara. Hindi ako nakontento sa suspension na nakuha nila. Sinaktan ka nila, sasaktan ko rin sila. And since you told me not to hurt them, hindi ko naman sila sinaktan, well not physically at least. Pero dudurugin ko silang lahat hanggang wala nang matira sa kanila. Ontengco, Villaflor, at Rivera. Iyan ang tatlong babaeng nambato sa ‘yo kahapon, and guess what? Dahan-dahan ko silang paluluhurin at pababagsakin sa harapan mo.” Hinila ako ni Yvo at inilapit sa kanya. Tumama ang katawan ko sa matigas niyang dibdib. “But that wasn’t the reason why I am here…” Mas tumalim ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “When did you learn to ignore me, Chiara? You never did that. I wonder why or maybe…who was the reason behind that. Should I get rid of him…or them?” Hindi ko nagawang makapagsalita. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko magawang isatinig. “Don’t test my patience, Chiara. Hindi unlimited ang pasensya ko, and even for you, limitado lang iyon. Alam mo kung sino ang makakatanggap ng galit ko sa mga aksyong ginagawa mo. I may not hurt you, but I will f*****g hurt anyone that is getting your attention from me.” Inilapit ni Yvo ang kanyang bibig sa aking tainga. Naramdaman ko ang init ng paghinga niya. “Remember, Chiara, I own your life. You gave it to me the day I saved you. If you ever think of running away from me, you cannot, because I am not going to give you a chance. I will chase you, I will run after you, and I will make you mine over again. You will be stuck with me forever, that’s your promise.” Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko habang ako ay nanatiling nakatayo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yvo will never hurt me, not in the physical sense, but he can torture my emotions and play with them. Kaya ko bang habang buhay na makipaglaro ng emosyon sa kanya? I may look tough on the outside, but my feelings are in disarray. “Get dressed, I will wait for you outside. I will see you, Chiara.” Huminga ako nang malalim. Just in time that I am feeling alive and a normal human, ipaparamdam din sa akin ni Yvo na hindi ako mabubuhay kung hindi dahil sa kanya. Right. My place is nowhere but beside him. Bakit nga ba ako nakikipagmatigasan sa kanya? Ikinuyom ko ang aking kamay, malamig kong tiningnan si Yvo. He mirrored mine, pero hindi ako nagpatalo. “Yes, Sir,” sagot ko sa kanya. Hindi iyon ikinatuwa ni Yvo. Sobrang pormal ng pagkakasabi ko and that’s the last thing he wanted. “Again, cara mia.” Gustong-gustong kumunot ng noo ko pero hindi ko ginawa. “Yes, Sir!” Alam ko ang gustong marinig ni Yvo, but for some reason, I don’t want to give it to him. Humigpit ang hawak niya sa akin habang ako naman ay nilalabanan ang titig niya. “Your defiance will get you into trouble, my Chiara. You know that, don’t you?” I know that very well, pero hindi ko ibibigay sa kanya. My heart is cloaked with jealousy right now. “I know, Sir.” May kung anong gumuhit sa kanyang mga mata at muntikan na akong mapangisi. How does your own medicine taste like, I wonder? Mariin pa akong tinitigan ni Yvo. Sa huli, pinakawalan niya rin ako at umatras siya nang kaunti. “My, my, what a bad girl,” saad niya. Lalong lumapad ang kanyang ngisi. Hindi ko mapunto kung nagugustuhan niya ba ang mga nangyayari o hindi. Yvo stared at me for a couple of minutes and licked his lips. The sardonic smile is still intact on his lips. “Laters, cara mia.” Naglakad na siya papaalis at ako ay pinanood lang ito. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. He likes that. Whether I defied or submitted myself to him, it doesn’t matter, as Yvo likes both of my fights. Will I ever be able to win against him? Not now, but maybe soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD